Ang cholesterol ay isang malapot na uri ng taba (lipid) mula sa atay. Ito ay kailangan ng katawan sa paggawa ng cells, hormones at Vitamin D. Kasama rin ito sa komposisyon ng cells at tumutulong sa pagtunaw ng mga laman sa tiyan. Bukod sa supply ng katawan, maaaring makuha ang cholesterol at triglycerides sa pagkain na tinaguriang cholesterol foods. Ang triglyceride, gaya ng cholesterol, ay mapanganib kapag labis ang dami sa katawan.
Ang cholesterol ay dinadala sa iba’t-ibang parte ng katawan ng lipoprotein. May dalawang lipoprotein na nagsisilbing transportasyon ng cholesterol:
- HDL Cholesterol – Kalimitang tinatawag na “good cholesterol” ang high density lipid o HDL cholesterol. Kinukuha ng HDL ang labis na cholesterol sa mga cells at dinadala ito sa atay kung saan gagawin itong waste product ng katawan.
- LDL Cholesterol – Ang low density lipid o LDL cholesterol ang nag-iimbak ng cholesterol sa mga cells. Kapag sumobra ang pag-imbak, maaaring may mabuong artery wall sa mga cells na magdudulot ng maraming sakit. Dahil dito, tinatawag ang LDL na “bad cholesterol.”
Upang maging masigla at makaiwas sa mga seryosong sakit, dapat kumain ng mga pagkaing mayaman sa HDL cholesterol at iwasan ang mga bagay at pagkaing masagana sa LDL cholesterol.