Huwag mahihiyang
magtanong

May tanong tungkol sa sakit at sintomas

 

HEART DISEASE: Nakamamatay na Sakit sa Puso

VIEW MEDICINES

Ano ang heart disease?

Ang heart disease (coronary artery disease) ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng mga sakit sa puso. Dahil sa hindi tamang pamumuhay ng karaniwang tao, maituturing ito na isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang heart disease ay dulot ng kondisyon na tinatawag na artherosclerosis na nag-reresulta sa pagpigil sa pag-daloy ng dugo sa puso.  Minsan, tinatawag din itong cardiovascular disease dahil nabibilang ito sa kategorya ng mga sakit sa cardiovascular system kagaya ng atake sa puso (heart attack), irregular na pagtibok ng puso (palpitations), at pagsakit ng dibdib (chest pain).

Anu ano ang mga sintomas ng heart disease?

Kadalasan, ang mga sintomas ng heart disease ay hindi pagkapakali, sobrang pagod, labis na pagpapawis, at biglaang pagbigat ng pakiramdam. Walang pinipiling oras ang biglang pag-atake sa puso. Makakaramdam ka na lamang ng sobrang pagkakaba hangga’t sa hindi na ito makakaya.

Mga sintomas ng heart disease:

·         Sakit sa ulo (headache)

·         Pananakit ng dibdib (chest pain)

·         Pananamlay o kawalan ng enerhiya (weakness)

·         Pagkahilo (dizziness)

·         Panghihina o pagbilis ng tibok ng buso (arrhythmia)

·         Pamumutla (paleness of skin)

·         Hirap sa paghinga (difficulty in breathing)

Anu ano ang sanhi ng heart disease?

Ayon sa mga espesyalista sa Philippine Heart Center (PHC), ang sanhi ng heart disease ay ang pagkabuo ng plaque (plaque buildup) sa labas ng puso. Dahil sa pagbabara, unti-unting kumukulang ang supply ng dugo sa puso, ito ay nagbubunga sa tuluyang pagkasira sa wastong pagdaloy ng dugo.

Mga sanhi ng heart disease:

·         Mataas na cholesterol (high cholesterol level)

·         Mataas na blood sugar (high blood sugar levels)

·         Sobrang stress o ang pagtago ng hinanakit

Anu ano ang mga pagsusuri para malaman na ikaw ay may heart disease?

Mas mataas ang posibilidad na magkakaroon ka ng heart disease kapag may kapamilya kang may heart disease. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na dahil nasa dugo mo ito, magkakaroon ka rin agad ng coronary artery disease o kahit anong cardiovascular disease. Para makasigurado, mabuti nang kumonsulta sa isang heart specialist.

Mga karaniwan na pagsusuri:

·         Electrocardiogram – para sa pagsusuri ng elektrikal na aktibidad sa puso

·         Blood test – para sa pagsusuri sa lebel ng taba at kolesterol sa dugo

·         2D Echo – para sa hugis at aktibidad ng puso

Stress test – para sa pagsusuri kung regular ang pagtibok ng puso

  • Angiogram para sa pagsusuri ng daloy ng dugo sa puso ·         

Paano magagamot ang heart disease?

Sa kasamaang palad, walang permanenteng lunas ang heart disease; mula sa diagnosis nito, ang epekto nito ay mararamdaman habambuhay. Kailangang maging mas maingat upang hindi lumala ang kondisyong ito. Hindi man nagagamot ang heart disease, maaari namang magamot ang mga nakakabalahang sintomas nito.

Ang pag-inom ng heart maintenance medication kagaya ng anti-coagulants at diuretics ay makatutulong din sa may heart disease. Pinapa-alala ng mga espesyalista na importanteng alaming mabuti ang mga side effects ng mga iniinom na gamot.

Mga paraan upang magamot ang heart disease:

·         Pagpapababa ng cholesterol sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot (cholesterol-lowering medication)

·         Pagpapalagay ng maliit na tubo sa arteries (stent placement surgery)

·         Pagsailalim sa operasyon ng pag-iiba ng daluyan ng dugo patungo sa puso (coronary artery bypass grafting)

Paano maiiwasan ang heart disease?

Ang pagpapanatili ng malusog at masigla na katawan ang isang paraan upang maiwasan ang heart disease. Halimbawa, maging aktibo at lumabas-labas; maghanap ng aatupagin kaysa sa nakaupo o nakahiga palagi. Mga paraan upang maiwasan ang heart disease:

·         Iwasan ang paninigarilyo

·         Iwasan ang stress

·         Iwasang kumain ng mga nakatatabang pagkain (high-fat diet)

·         Siguraduhing balanse ang pang araw-araw na pagkain

·         Siguraduhin may pito hanggang walong oras ng tulog kada gabi

·         Siguraduhing normal ang cholesterol level at blood sugar

·         Mag-ehersisyo

·         Uminom ng multivitamins

Panoorin ang aming mga videos para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kalusugan.