Huwag mahihiyang
magtanong

May tanong tungkol sa sakit at sintomas

 

GOUT: Pinakamasakit na Pamamaga

VIEW MEDICINES

ANO ANG GOUT?

Ang gout ay isang uri ng sakit kung saan namamaga ang kasukasuan. Karaniwan, ito ay nakakaapekto sa hinlalaki sa paa at sa iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Kilala rin ito bilang gouty arthritis. Dahil isa ito sa pinakamasakit na uri ng pamamaga, kadalasan sa mga taong nakakaranas ng gout attack ay umiinom agad ng pain relievers o gamot na nireseta ng doctor.

SINTOMAS

May posibilidad na magka-gout attack ka kapag nakaranas ka ng matinding sakit sa isang bahagi ng iyong buto sa kasukasuan at nahihirapan kang igalaw ang bahaging ito.

Mga iba pang sintomas ng gout:

·         Pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan

·         Pagkati ng kasukasuan

·      Matinding sakit sa apektadong bahagi ng katawan

SANHI

Ang pangunahing sanhi ng gout ay ang pagkakaroon ng sobrang taas na antas na uric acid. Kapag hindi sila naipapalabas ng iyong mga bato, naiipon ang uric acid sa iyong dugo at bumubuo ng kidney stones. Bagamat hindi lahat ng taong may mataas na antas na uric acid  ay nagkakaroon ng gout attack, maaaring pa ring maranasan ang mga sintomas nito.

Mas mataas ang posibilidid na magkakaroon ka ng gout attack kung isa sa mga miyembro ng iyong pamilya ay may gout o nagkaroon na rin ng gout attack

Bukod dito, maaari ring madagdagan ang chance na magkaroon ng gout kapag ikaw ay may mataas na uric acid level (hyperuricemia)

PAGSUSURI

Medyo mahirap malaman kung ikaw ay may gout dahil ang mga sintomas nito ay masyadong karaniwan. Ngunit maraming mga naibalita na lumala lamang ang kanilang nararamdaman bunga ng self-medication at ang pag-inom ng mga maling gamot.

Bagamat indikasyon ng pagkakaroon ng gout ang pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan, hindi maisisiguro ang karamdaman dahil lang sa mga sintomas na ito. Kung magpapakonsulta sa isang manggagamot o kahit sinong eksperto sa kasukasuan, mas magiging sigurado ka sa iyong karamdaman. Praktikal ang pagpapa-checkup upang malaman kung gout nga ba ang kondisyon nyo o mas malala pa.

Sa ibaba ang mga pagsusuri upang malaman na ikaw ay may gout:

  • Blood testing – ang pagsusukat ng uric acid at creatinine levels sa dugo

  • Joint fluid test – ang pagkukuha ng fluid sa naapektuhang parte ng kasukasuan at pag-obserba nito gamit ang microscope

  • X-ray – ang pagsusuri ng kasukasuan

GAMOT

Ang punto ng agahang paglunas sa gout ay ang pag-iwas sa pananakit ng kasukasuan. Kadalasan, mas bubuti na ang karamdaman ng ilang araw o oras lamang pagkatapos gamutin. Kapag nakaranas pa rin ng gout attacks, gawing priodad ang paghanap ng permanenteng lunas sa kondisyon upang hindi ito magsanhi ng komplikasyon o ang pagkasira ng kasukasuan.

Sa ibaba ang iba’t ibang paraan para magamot ang gout:

  • Maglagay ng ice pack sa itaas ng naapektuhang kasukasuan upang mahimasmasan ang pananakit at pamamaga

  • Iwasan muna gamitin o igalaw ang naapektuhan na kasukasuan

  • Uminom ng pain relief medication upang malunasan ang pananakit

  • Uminom ng mga anti-gout medication kagaya ng anti-inflammatory drugs at corticocolsteroids upang malunasan ang pananakit at pamamaga

Paano maiiwasan ang gout?

Maiiwasan ang gout sa pamamagitan ng pagpapanatili ng wastong kondisyon at kalusugan.

Iba pang mga paraan upang maiwasan ang gout:

  • Siguraduhin wasto at balanse ang pagkain; ang pagkain ng mga nakakataba ay nakakalala ng kondisyon

  • Kumain ng gulay

  • Mag-ehersisyo; pinapatibay nito ang muscles, kasu-kasuan, at buong katawan

  • Siguraduhing tama ang timbang;  ang pagkasobra sa timbang (overweight) ay nakatataas ng posibilidad na magka-gout

  • Iwasang uminom ng sobrang alak; ang alkohol ay nakakadulot ng gout

  • Iwasan ang mga pagkaing mataas sa purine kagaya ng isda, sardinas, at karne; ang purine ay nakakadulot ng gout

  • Uminom ng gatas; pinapatibay nito ang mga buto
  •  

Panoorin ang aming mga videos para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kalusugan.