GENITAL HERPES: Genital Herpes: Impeksyon sa Ari
VIEW MEDICINESAno ang genital herpes?
Ang genital herpes o buni sa ari ay isang uri ng impeksyon na sanhi ng Herpes Simplex Virus (HSV). Ang virus na ito ay mayroong dalawang kategorya: ang HSV 1 at ang HSV 2.
Ayon sa World Health Organization, ang genital herpes ang pinakakaraniwang Sexually Transmitted Disease / Infection o sakit na naipapasa sa pakikipagtalik. Malalaman na may ganitong kondisyon sa pamamagitan ng pagpapasuri sa isang espesyalista na nagbibigay ng iba’t-ibang HSV testing.
Anu-ano ang mga sintomas ng genital herpes?
Mahigit-kumulang sa 90% ng may genital herpes ay hindi alam ang kanilang karamdaman. Hindi rin nila alam na may posibilidad na lumala pa ito dahil minsan, hindi napapansin ang mga sintomas nito kahit makalipas pa ang ilang buwan o taon. Gayunpaman, may mga kaso na malala na agad ang kondisyon nila pagkalipas lamang ng ilang araw.
Mga sintomas ng genital herpes:
- Pamamaga ng ari
- Madalas na pangangati ng ari
- Pamumula ng ari
- Pagtubo ng mga maliliit na supot (vesicles) sa ari
Mga maliliit na sugat na puwedeng mapagkamalang kagat ng insekto
Anu-ano ang mga sanhi ng genital herpes?
Ang sanhi ng genital herpes ay ang HSV 1 and HSV 2 viruses. Nakapapasok ang virus sa mga daanan sa iyong katawan gaya ng sa bibig, puwit at sa ari. Kadalasang mananatili lamang ito sa loob ng iyong katawan kapag nakapasok ito.
Dahil ang genital herpes ay isang nakahahawang impeksyon, payo ng mga espesiyalista na mag-ingat tuwing nakikipagtalik. Kahit sinong tao na madalas makipagtalik may penetrasyon man o wala ay maaaring maapektuhan nito.
Mga paraan na naisasalin ang genital herpes:
- Vaginal sex
- Anal sex
- Paggamit ng sex toys ng iba
Direct genital contact
Anu-ano ang mga pagsusuri para malaman na ikaw ay mayroong genital herpes?
Malalaman na ikaw ay may genital herpes kapag kumonsulta sa isang espesiyalista na magtatanong tungkol sa iyong sex life at maaaring mag-inspeksyon sa iyong ari. Papayuhan ka niyang sumailalim sa mga HSV testing.
Ang mga sumusunod ang mga pagsusuri upang malaman kung ikaw ay may genital herpes:
- Antibody testing – Ang pagsusuri ng antibodies gamit angfluorescent lighting
- PCR blood testing – Ang pagsusuri ng mga sintomas ng genital herpes gamit ang dugo galing sa katawan mo
- Virus culture – Ang pagkuha ng iyong cell samples para masuri gamit ang microscope
Paano magagamot ang genital herpes?
Hindi nagagamot ang genital herpes at maaari itong lumala habang tumatagal. Gayunpaman, maaaring gamutin ang mga sintomas nito. Upang hindi lumala ang kondisyon, nirerekomenda ng mga doktor ang pagpapatibay ng immune system.
Mga paraan upang magamot ang mga sintomas ng genital herpes:
- Uminom ng anti-viral medications kagaya ng aciclovir at famciclovir.
- Maglagay ng painkilling cream o anaesthetic cream kagaya ng petroleum jelly sa itaas ng namumulang parte ng ari.
- Panatilihing malinis ang ari upang huwag matubuan ng kati-kati at iba pang sugat
- Maglagay ng ice pack sa namumulang parte ng ari upang mapagaan nito ang sakit o kati.
- Uminom ng maraming tubig upang mapadali nito ang pagdaloy ng ihi.
- Iwasang gumamit ng masisikip na kasuotan at piliin ang mga maluluwag na damit upang hindi mairita ang apektadong parte ng ari.
Paano maiiwasan ang genital herpes?
Nananatili pa rin na ang pag-iwas sa pakikipagtalik kani-kanino ang pinakapraktikal na paraan upang maiwasan ang genital herpes. Maging responsable at palaging siguraduhing protektado ka at ang iyong partner. Alamin kung mayroon siyang sakit sa pamamagitan ng pagtanong sa kanya.
Ito ang iba pang mga paraan na makatutulong sa pag-iwas ng genital herpes:
- Magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa ligtas na pakikipagtalik.
- Palaging gumamit ng condom.
- Iwasang makipagtalik sa taong may genital herpes.
- Iwasang makipagtalik sa taong may sugat sa ari.
- Iwasang makipagtalik kapag nakainom o nakadroga.