COUGH: Cough o Ubo
VIEW MEDICINESAno ang Cough o Ubo?
Ang cough o ubo ay isang reaksyon ng katawan upang alisin ang sipon, plema at iba pang bagay na nakakairita sa baga at mga daanan ng hangin. May iba’t-ibang katangian ang ubo at kadalasan, ito ay sintomas ng mga sakit sa baga gaya ng asthma, bronchitis at common colds. Kadalasang nararamdaman ang pananakit ng lalamunan kapag malubha ang ubo.
Maraming klase ng ubo ang maaaring kumapit sa katawan. Ang ibang uri ay hindi mapanganib at nagdadala lamang ng bahagyang sagabal samantalang ang mas malulubhang kaso ay maaaring galing sa mga delikadong sakit.
-
Productive Cough – Ito ay may kasamang sipon at plema. Kalimitang nagbabara ang lalamunan at daluyan ng hininga kapag may productive cough.
-
Non-Productive Cough – Ito ay walang kasamang plema at maaaring manggaling sa impeksyon, virus at allergy.
-
Short Term o Acute Cough – Ito ay karaniwang gumagaling sa loob ng 3 linggo. Ito ay maaaring nakakahawa depende sa karamdamang nagdulot nito.
-
Sub Acute Cough - Ang ubong ito ay nananatili pagkatapos gumaling sa ubo’t sipon at iba pang impeksyon sa baga at daluyan ng hangin. Tumatagal ito ng mga 3 hanggang 8 na linggo.
-
Chronic Cough – Ito ay pabalik-balik at maaaring umabot ng 8 na linggo. Nabibilang sa klasipikasyong ito ang bronchitis at asthma.
Karaniwang madaling pagalingin ang ubo ngunit kung ito ay nagdudulot ng matinding pagkabalisa, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor. Maaaring ito ay sintomas ng mas malubhang karamdaman.
Mga Sanhi ng Ubo
Dahil ito ay produkto ng iba’t-ibang sakit, allergy at iritasyon sa respiratory system, maraming maaaring maging sanhi ang ubo. Magpa-checkup sa doktor kung ang pag-ubo ay malubha at tila hindi gumagaling.
-
Virus
-
Impeksyon
-
Paninigarilyo
-
Kanser
-
Emphysema
-
Nasal discharge
-
Chronic pulmonary disease
-
Asthma
-
Bronchitis
-
Paglanghap ng alikabok, usok, at kemikal
- Pagharang ng isang bagay sa lalamunan at daluyan ng hangin
Mga Sintomas ng Ubo
Ang ubo ay isang sintomas ng isang sakit ngunit maaaring makaranas ng iba pang sintomas depende sa kondisyon na pinag-ugatan ng ubo:
-
Sipon at plema
-
Sakit ng ulo
-
Hirap sa paghinga
-
Pagkati at pananakit ng lalamunan
-
Pananakit ng dibdib
-
Wheezing o may kasamang huni ang pag-ubo
Ang mga katangian ng plema ay senyales ng karamdamang nagdudulot ng pag-ubo:
-
Malapot, berde o madilaw - Ang sakit ay kadalasang nakahahawa. Base sa kulay, ang plema ay may maaaring may abscess o nana. Karaniwan ito sa ubo’t sipon, pulmonya at bronchitis.
-
Kulay abo o malinaw at hindi gaanong malapot - Ito ang karaniwang ilinalabas ng katawan kapag may asthma at Chronic Obstructive Pulmonary Disease o pababalik-balik na ubo.
-
May kasamang dugo - Maaari itong senyales ng impeksyon sa baga o ang pag-grabe ng sakit. Ito ay maaaring sintomas ng malulubhang karamdaman tulad ng lung cancer, TB at pulmonya.
-
Kulay pink at mabula - Ito ay kalimitang sintomas ng pulmonary edema o labis na pagdami ng likido sa baga.
Ang malubhang pag-ubo, lalo na ang may kasamang plema, ay maaaring magdulot ng panghihina, pagsakit ng ulo, pagkapagod, panghihilo at lagnat.
Kailan Magpupunta sa Ospital?
Ang pangkaraniwang kaso ng ubo ay hindi nangangailangan ng pagkonsulta sa doktor. Sa katotohanan, mapapabilis ang paggaling nito kapag binigyan ang sarili ng sapat na pahinga at uminom ng over-the-counter cough medicine o gamot sa ubo na hindi nangangailangan ng reseta.
Ngunit kung ang ubo ay lumampas ng dalawang linggo o kaya ikaw ay magkaroon ng dugo sa plema, pananakit ng dibdib at biglaang pagbaba ng timbang, dalawin na ang iyong doktor at magpakonsulta.
Mga Gamot at Lunas sa Ubo
Ang simpleng kaso ng ubo at sipon ay kusang gumagaling at hindi na nangangailangan ng pagpapaospital. Maraming uri ng cough medicine na maaaring inumin, gayon din ang mga home remedy.
-
Pahinga at pag-inom ng maraming tubig
-
Cough medicine na nagpapahinto sa produksyon ng plema tulad ng guaifenesin
-
Cough suppressant o mga gamot na nagpapatigil sa ubo
-
Pagtigil sa paninigarilyo
-
Pag-iwas sa usok, dumi, at maduming hangin
Para sa ubo na galling sabacteria, ikaw ay reresetahan ng doktor ng antibiotic. Antihistamine naman ang ibibigay kapag may kasamang allergy ang ubo at antacid kapag hyperacidity ang katambal. Kailangan ding pagalingin muna ang sakit na nagdudulot ng produksyon ng plema upang tuluyang mawala ang ubo.
Paano Maiiwasan ang Ubo?
Ang ubo ay maaring dumapo kahit kanino. Upang makaiwas, kailangang pahalagahan ang kalinisan at kalusugan. Magpabakuna rin para makaiwas sa malulubhang sanhi ng ubo.
-
Umiwas sa mga taong inuubo. Kung hindi makaka-iwas ay takpan ng panyo o face mask ang ilong at bibig.
-
Tumigil o umiwas sa paninigarilyo.
-
Uminom ng maraming tubig para numipis ang plema at mailabas ang mga mikrobyo sa katawan
-
Ugaliing maghugas ng kamay lalo na kung uso ang ubo at trangkaso.
Magpabakuna laban sa trangkaso at pulmonyaMag-ehersisyo araw-araw para tumibay ang resistensyaKumonsulta sa inyong doktor kung patuloy ang inyong ubo upang mabigyan kayo ng tamang lunas sa inyong sakit.