Ang heart disease (coronary artery disease) ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng mga sakit sa puso. Dahil sa hindi tamang pamumuhay ng karaniwang tao, maituturing ito na isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas at sa buong mundo. Ang heart disease ay dulot ng kondisyon na tinatawag na artherosclerosis na nag-reresulta sa pagpigil sa pag-daloy ng dugo sa puso. Minsan, tinatawag din itong cardiovascular disease dahil nabibilang ito sa kategorya ng mga sakit sa cardiovascular system kagaya ng atake sa puso (heart attack), irregular na pagtibok ng puso (palpitations), at pagsakit ng dibdib (chest pain).