Ang paraan ng paggamot ay nakadepende sa iyong edad at pangkalahatang kalusugan, kung gaano kalala ang iyong psoriasis, at kung anong mga parte ng katawan ang apektado ng sakit na ito. Ang madalas na inirerekomendang gamot ng dermatologist ay ang mga sumusunod:
- Moisturizers
- Steroid creams
- Vitamin D3 ointment
- Vitamin A o mga retinoid creams
- Anthralin
- Mga lotion at shampoo para sa psoriasis sa anit
Kapag malala na ang psoriasis, maaaring irekomenda ang tinatawag na ultraviolet o UV light therapy.
IMPORTANTE: Huwag gumamit ng anumang gamot nang walang pahintulot at gabay ng doktor. Dumaan muna tayo sa masusing pagsusuri para sa ating kaligtasan.