Ang pulmonya (pneumonia) ay isang impeksyon sa baga kung saan ang baga ay nagkakaroon ng malubhang pamamaga na dala ng virus, bacteria, fungus at mga katulad na mikrobyo. Ang air sacs ng baga ay napupuno ng fluid o nana. Kasabay ng impeksyon na ito ang ubo, lagnat at hirap sa paghinga.
Karaniwang napipigilan ng katawan ang pagkakaroon ng pulmonya ngunit kung mahina ang immune system, ito ay lumalala. Kapag hindi ito naagapan, maaaring magkaroon ng sepsis kung saan lumilipat ang mikrobyo sa dugo at kumakalat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Mga Sanhi ng Pneumonia
Ang pneumonia ay galing sa bacteria, virus, fungi at iba pang mikrobyo na umaatake sa baga at katawan ng may mahinang immune system. Nagdudulot ng pulmonya ang mga sumusunod: