Sakit sa tagiliran | RiteMED

Sakit sa tagiliran

January 17, 2019

Sakit sa tagiliran

Madalas ba ang pananakit ng tagiliran mo? Kung oo, importante mong malaman kung ito ba ay sa nanggagaling sa kaliwa, kanan, o gitnang bahagi ng iyong katawan. Bakit? Posible kasing may problema o dipirensya ang ilang internal organs sa iyong katawan.

Pananakit ng kaliwang tagiliran

Kadalasan, ang pananakit ng kaliwang tagiliran ay dahil sa muscle strain o pagkapunit ng kalamnan. Marahil ito ay sa kakalaro ng paborito mong sports o mali o unnatural ang posisyon mo ng pagtulog kaya masakit ang kaliwang tagiliran mo.

 Bakit sumasakit ang tagiliran sa kaliwa? Ano ang mga sakit sa katawan ang maaaring nagdudulot nito?

  • Impeksyon sa kidney o bato
  • Para sa mga babae, maaaring problema sa matres o uterus
  • Pamamaga ng lapay o pancreas
  • Ulcer o kapag ang stomach lining mo ay namamaga
  • Pagbubuntis

Pananakit ng kanang tagiliran

Importanteng magpa-konsulta agad sa doktor kung nakararanas ng pananakit sa tagiliran upang hindi mauwi sa komplikasyon.

undefined

Photo from Pixabay

Bakit sumasakit ang tagiliran sa kanan? Ano ang mga sakit sa katawan ang maaaring nagdudulot nito?

  • Pinsala sa kalamnan o litid (muscle tendons)
  • Problema sa gulugod (spinal cord)
  • Appendicitis o ang pamamaga ng appendix

Gamot sa sakit ng tagiliran:

Ang mga sumusunod na gamot ay upang maibsan lamang ang pananakit ng ilang bahagi ng iyong tagiliran. Ipinapayo pa rin naming kumonsulta muna sa inyong kilalang doktor upang masurinang mabuti ang inyong tagiliran bago uminom ng gamot.

Mga kaalaman tungkol sa Ritemed Mefenamic Acid:

undefined

Para saan ang Ritemed Mefenamic Acid?

Ang Mefenamic Acid ay para maibsan ang sakit ng ulo, toothache, sakit pagkatapos ng surgery, myalgia o muscle pain, dysmenorrhea, at iba pang sakit na may kinalaman sa cancer.

Ano ang dosage na dapat inumin at tuwing kailan iniinom ang gamot na ito?

Para sa 14 years old pataas na may pananakit sa ngipin at gilagid, isang tableta kada walong oras o hanggang nararamdaman pa rin ang pananakit at pamamaga.

Ilang paalala sa pag-inom ng Ritemed Mefenamic Acid:

  • Hindi dapat lalampas ng sampung araw ang pag-inom ng gamot na ito, maliban na lamang kung nireseta ng doktor.

Bukod sa RM Mefenamic Acid, pwede ring inumin ang Ritemed Paramax(Ibuprofen at Paracetamol) sa sakit ng tagiliran o likod. Narito ang mga detalye tungkol sa produkto:

undefined

Para saan ang Ritemed Paramax?

Ito ay para sa mild hanggang sa severe na level ng pananakit na kadalasang nagmumula kapag may problema sa kasu-kasuan (joints and muscle). Dahil ito ay may paracetamol, pwede rin itong inumin para sa sakit sa ulo, puson, ngipin. Pwede rin itong inumin ng mga nanggaling sa minor surgery para sa pananakit ng katawan.

Gaano kadalas at tuwing kailan iniinom ang gamot na ito?

Para sa mga adult at batang may edad na 12 pataas, inumin ang isang tableta kada anim na oras. Inumin ito kapag may laman ang tiyan.

Mga paalala tungkol sa gamot na ito:

  • Hindi ito pwede sa mga batang may edad na 12 pababa
  • Huwag iinumin ng lagpas sampung oras, maliban na laman kung nireseta ng inyong doktor
  • Huwag lalagpas sa anim na tableta ang iinumin sa loob ng isang araw

References:

https://www.healthline.com/symptom/abdominal-pain

https://www.healthline.com/health/pain-in-lower-right-abdomen#other-common-causes

https://www.mayoclinic.org/symptom-checker/abdominal-pain-adult/related-factors/itt-20009075

 



What do you think of this article?