Pangangalaga at Pamamahala ng Sintomas ng Gout: Isang Komprehensibong Gabay

October 17, 2025

Ano ang Gout? 

Ang gout ay sanhi ng pag-ipon ng urate crystals sa mga kasukasuan, na nangyayari kapag mataas ang uric acid sa dugo.(1) 

Ang uric acid ay nabubuo mula sa purines, mga compound na matatagpuan sa ilang pagkain tulad ng karne, seafood, at alak. (2) 

Kapag hindi ito naaalis nang maayos ng bato, nagreresulta ito sa pamamaga, pamumula, at matinding pananakit ng kasukasuan.(3)

Kilalanin ang mga Sintomas ng Gout(6)

  • Matinding pananakit ng kasukasuan – Kadalasan ay sa hinlalaking daliri ng paa nagsisimula, pero maaari ring umatake sa bukong-bukong, tuhod, siko, pulso, at mga daliri. Pinakamatindi ang nararamdamang sakit sa unang 4 hanggang 12 oras simula ng pag-atake ng gout.
  • Tuloy-tuloy na pananakit – Kahit humupa ang pinakamatinding sakit, maaaring manatili ang bahagyang pananakit ng kasukasuan nang ilang araw hanggang linggo. Habang tumatagal, mas nagiging matagal ang pag-atake at mas maraming kasukasuan ang naaapektuhan.
  • Pamamaga at pamumula – Ang kasukasuang apektado ay namamaga, masakit kapag hinawakan, mainit, at namumula.
  • Limitadong paggalaw – Habang lumalala ang gout, maaaring mahirapan kang igalaw nang normal ang kasukasuan.

Agarang Paggamot sa Biglaang Pag-atake ng Gout(4)

Mga Gamot Para sa Gout:

  • NSAIDs (Nonsteroidal Anti-Inflammatory Drugs) – Mga gamot na nakakapagpabawas ng sakit at pamamaga sa panahon ng gout attack. Halimbawa nito ang ibuprofen at naproxen na mabibili over-the-counter. Ngunit hindi ito dapat inumin ng mga may sakit sa bato, ulcer sa tiyan, o iba pang kondisyon nang hindi kumukunsulta sa doktor.
  • Colchicine – Isang gamot na riniriseta upang makatulong mabawasan ang pamamaga at sakit kung iinumin sa loob ng 24 oras mula sa pagsisimula ng gout attack.
  • Corticosteroids – Isa ring gamot na nirereseta na nakakapagbawas ng pamamaga. Maaari itong ibigay bilang tableta o kaya’y iturok direkta sa kasu-kasuan o sa kalapit na kalamnan.

Pangmatagalang Pamamahala: Urate-Lowering Therapy (ULT)(4)

Mga Gamot na Pampababa ng Uric Acid:

  • Febuxostat – Katulad ng allopurinol, nakakapagpabawas din ito ng produksyon ng uric acid, at minsan ginagamit kung hindi hiyang o hindi puwedeng uminom ng allopurinol.
  • Probenecid – Nakakatulong na mailabas ang uric acid sa pamamagitan ng ihi. Madalas itong inirereseta kung mababa ang kakayahan ng katawan na ilabas ang uric acid nang natural.

Ang mga gamot na ito ay para sa pangmatagalang kontrol at hindi ginagamit sa gitna ng gout attack. Kailangan ng regular na follow-up at blood tests para masigurong ligtas at epektibo ang gamutan.

Pamumuhay na may Gout(5)

Diyeta at Gout:

Ang pagkakaroon ng malusog na diyeta ay mahalagang bahagi ng pamamahala ng gout.

  • Iwasan ang pagkaing mataas sa purines gaya ng pulang karne, lamang-loob, ilang uri ng seafood (sardinas, shellfish), at alak.
  • Mas pinapayo ngayon ang pagtutok sa kabuuang malusog na pagkain at tamang timbang kaysa sa sobrang pag-iwas sa iilang pagkain lamang.

Mga pagkaing dapat bigyang-diin:

  • Prutas, gulay, at whole grains
  • Mga protina mula sa hindi karne gaya ng low-fat dairy products, beans, at lentils
  • Lean meats at manok
  • Mga pagkaing mayaman sa Vitamin C (hal. citrus fruits, strawberries, sili/bell peppers)
  • Kape
  • Cherries o cherry juice (maaaring makatulong laban sa gout flares)
  • Maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at mapabuti ang paggana ng bato

Mga pagkaing dapat limitahan o iwasan:

  • Pulang karne (baka, baboy, tupa)
  • Seafood na mataas sa purine (sardinas, shellfish)
  • Matatamis na inumin, lalo na yung may high-fructose corn syrup
  • Labis na pag-inom ng alak (lalo na sa panahon ng gout attack)

Mga lifestyle changes na pwedeng gawin:

  • Magbawas ng timbang kung sobra sa timbang o obese – nakakatulong ito magpababa ng uric acid at presyon sa kasukasuan.
  • Mag-ehersisyo nang regular – inirerekomenda ang 150 minuto bawat linggo ng moderate-intensity activity.
  • Pumili ng low-impact na aktibidad tulad ng paglalakad, paglangoy, o pagbibisikleta upang hindi ma-stress ang kasukasuan.
  • Sumunod sa gamutan ng doktor – ang lifestyle changes lamang ay madalas hindi sapat upang mapababa ang uric acid nang tuluyan. Kadalasan, kinakailangan pa rin ng gamot para makaiwas sa paulit-ulit na pag-atake.

Ang gout ay isang kondisyon na maaaring makaapekto nang malaki sa kalidad ng buhay kung hindi agad matutugunan. Sa tamang kaalaman, maagang pagsusuri, at pag-aalaga sa sarili, tulad ng pag-iwas sa mga pagkaing mataas sa uric acid, pagpapanatili ng malusog na timbang, at regular na pag-inom ng gamot gaya ng RiteMed Allopurinol ayon sa payo ng doktor, maaaring makontrol ang mga sintomas at maiwasan ang mga komplikasyon. 

Mahalaga ring kumonsulta sa iyong doktor para sa tamang gabay at wastong gamutan. 

Sources:

  1. Flor, M., & Li-Yu, J. (2017). Clinical Practice on Gout Management Among Filipino General Care Practitioners. Journal of Medicine University of Santo Tomas, 1(1), 63–68. https://doi.org/10.35460/2546-1621.2017-0052
  2. Mayo Clinic. (2022, November 16). Gout - Diagnosis and treatment - Mayo Clinic. Mayoclinic.org. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gout/diagnosis-treatment/drc-20372903
  3. Gout Clinical Practice Guidelines. (n.d.). Rheumatology.org. https://rheumatology.org/gout-guideline
  4. Cleveland Clinic. (2023). Gout. Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4755-gout
  5. Restivo, J. (2023, June 2). 6 Strategies for Living with Gout | Gout Lifestyle Tips. Harvard Health. https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/living-with-gout

Mayo Clinic. (2022, November 16). Gout. Mayoclinic.org https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gout/symptoms-causes/syc-20372897