Paano Ba Protektahan ang Sarili sa Sakit sa Prostate? | RiteMED

Paano Ba Protektahan ang Sarili sa Sakit sa Prostate?

July 21, 2021

Paano Ba Protektahan ang Sarili sa Sakit sa Prostate?

Ang risk ng pagkakaroon ng prostate cancer ay unti-unting tumataas kasabay ng pagtanda ng isang lalaki. Ayon sa datos, halos 60% ng lahat ng prostate cancers ang nadiskubre sa mga lalaking may edad na 65 o higit pa. Bihira para sa mga kalalakihan na magkaroon ng prostate cancer bago umedad ng 40.

 

Walang absolute prevention para sa problema sa prostate gland, ngunit mayroong mga katibayan na nagpapakita na may ilang paraan upang bumaba ang tsansa na magkaroon ng prostate issues.

 

Patuloy na magbasa para malaman kung anu-ano ang mga ito.

 

Pitong Paraan Upang Protektahan ang Sarili sa Prostate Problems

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/handsome-man-drinking-protein-shake-milk-1409149829

 

  1. Kumain ng maraming prutas at gulay.

Ang antioxidant na lycopene, na sagana sa luto o processed na kamatis, ay natuklasan na nagpapabagal sa paglaki ng prostate cancer cells. Ang mga cruciferous na gulay tulad ng broccoli at cauliflower ay mayroon ding compound na tinatawag na sulforaphane na maaaring mag protekta sa iyong katawan laban sa cancer.

 

  1. Panatilihin ang healthy weight.

Ang labis na timbang ay maaari ding maging risk factor para sa pagbuo ng aggressive cancer. In general, ang pagbawas ng timbang at pagpapanatili ng isang healthy weight habang ikaw tumatanda ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng iyong risk sa cancer at sa iba pang mga problema sa kalusugan.

 

  1. Gawing regular ang pag-eehersisyo.

Maliban sa pagtulong sa iyo na makamit ang healthy weight, ang pag-eehersisyo ay maaasahan din pagdating sa pagbabawas ng pamamaga, pag-improve ng immune function, at paglaban sa ilang negative health effects ng sedentary lifestyle—na lahat ay maaaring makatulong sa pag-iwas sa cancer.

 

  1. Itigil ang paninigarilyo at bawasan ang pag-inom.

Ang pagtigil sa paninigarilyo ay makakatulong sayo na mapabuti iyong kalusugan sa maraming paraan – kabilang na rito ang pagpapababa ng iyong risk sa cancer. Kung hindi mo naman maiwasan na hindi tumikim ng alak, uminom ka in moderation. Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang red wine ay may mga antioxidant properties na maaaring pakinabangan ng iyong kalusugan.

 

  1. Mag-take ng Vitamin D.

Karamihan sa mga tao ay hindi nakakakuha ng sapat na Vitamin D. Maaari itong makatulong na protektahan ka laban sa prostate cancer at iba pang mga prostate conditions. Halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin D ay ang wild salmon, cod liver oil, at dried shitake mushroom. Gayunpaman, dahil ang araw ang pinaka epektibo at readily available source ng vitamin D, inirerekomenda ng maraming eksperto ang pagpapainit ng 10 minuto (nang walang sunscreen) araw-araw. Maliban dito, inirerekomenda din ng mga doktor ang pag-take ng vitamin D supplements.

 

  1. Kausapin ang iyong doctor tungkol sa iyong risk.

Ang ilang mga kalalakihan ay may mas mataas na risk pagdating sa prostate enlargement.  Kung kabilang ka sa mga lalaki na may mas mataas na tsansa na magkaroon ng enlarged prostate, mayroon pang ibang options para sa risk reduction, tulad ng medication o pag-inom ng gamot. Ang gamot tulad ng RiteMED Terazosin ay ginagamit upang makatulong na mapawi ang nakakaabala, moderate to severe prostate symptoms na sanhi ng enlarged prostate.

 

Ilan pang halimbawa ng mga gamot para sa prostate cancer symptoms ay:

 

  • Alpha-blockers tulad ng tamsulosin na nagpapa-relax sa muscle tissues.
  • 5-alpha reductase inhibitors, gaya ng finasteride at dutasteride, na nagpapaliit ng prostate.
  • Kumbinasyon ng dalawang uri ng gamot, kung saan, kapag ginamit ng pangmatagalan, ay maaaring makatulong sa iyong mga sintomas nang higit sa alinmang gamot.

 

Ang ilang mga kalalakihan ay sumusubok din ng mga natural health products para sa kanilang prostate health problems, tulad ng beta-sitosterol o saw palmetto. Gayunpaman, hindi pa napapatunayan ng mga siyentipikong pag-aaral na ang saw palmetto ay tumutulong sa mga urinary problems o ang beta-sitosterol ay ligtas o makakatulong over the long term.

 

Kung sa palagay mo ay mayroon kang mataas na peligro ng kanser sa iyong prostate gland, talakayin na agad ito sa iyong doktor.

 

Sources:

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prostate-cancer/in-depth/prostate-cancer-prevention/art-20045641

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/prostate-cancer/prostate-cancer-prevention

https://prostatecanceruk.org/prostate-information/living-with-prostate-cancer/your-diet-and-physical-activity/foods-to-eat-or-avoid



What do you think of this article?