Mga Pagkain na Good for the Heart | RiteMED

Mga Pagkain na Good for the Heart

July 21, 2021

Mga Pagkain na Good for the Heart

Pagdating sa ating puso, importante kung ano ang ating kinakain. We should only eat healthy food, ika nga. Ang pagkain ng diet na may tamang bilang ng calories at dami ng taba ay isang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa ating heart health, at maraming pagkain ang kilala rito dahil sa kanilang nutrient profiles.

 

Basahin ang sumusunod upang magkaroon ng gabay kung anong mga pagkain ang dapat bilhin at limitahan upang mapanatiling malusog ang iyong puso at makaiwas sa heart disease.

 

Healthy Foods Para sa Ating Heart Health

 

Prutas at Gulay

Ang mga prutas at gulay ay tinaguriang pundasyon ng isang malusog na diet sa puso. Nagbibigay ang mga ito ng nutrients, tulad ng fiber, potassium, magnesium, at phytonutrients, na nauugnay sa mas mababang presyon ng dugo at kolesterol.

 

Best options:

  • Sariwang prutas at gulay
  • Abokado (dahil sa laman nitong healthy monounsaturated fats)
  • Fresh herbs gaya ng basil at cilantro
  • Frozen na prutas at gulay
  • No-salt-added canned vegetables o reduced-sodium options

 

Mga dapat limitahan o iwasan:

  • Canned vegetables na may added salt
  • Canned fruit sa heavy syrup o light syrup

 

Karneng Baboy at Manok, Isda, at Plant-Based Proteins

Sagana ang mga ito sa Mediterranean Diet, isang pattern sa pagdidiyeta na sinasabing nagbabawas ng peligro ng heart disease. Iwasan naman ang high fat at processed meats tulad ng bacon at sausage dahil sila ay nauugnay sa mas mataas na peligro ng cardiovascular disease.

 

Best options:

  • Beans (dried o canned na walang added salt)
  • Lentils
  • Tofu at tempeh
  • Nuts at seeds
  • Isda, lalo na ang salmon, mackerel, at sardinas na naglalaman ng omega-3's

 

Mga dapat limitahan o iwasan:

  • Red meat
  • Processed meats tulad ng sausage, hotdogs, bacon, salami, at iba pa

 

Grains

Ang whole grains ay naglalaman ng fiber at phytonutrients na nauugnay sa pagpapababa ng panganib sa heart disease.

 

Best options:

  • Oats
  • Farro
  • Wheat berries
  • Barley
  • Rye at rye berries
  • Quinoa
  • Buckwheat
  • Brown rice
  • Whole-grain bread, pasta, at crackers
  • Whole-grain cereals

 

Mga dapat limitahan o iwasan:

  • White bread, pasta, at kanin
  • Cereals na may halong refined grains
  • Crackers at tinapay na mula sa refined grains
  • Grain-based cereal bars
  • Grain-based desserts

 

 

Red Wine

Naglalaman ang red wine ng polyphenols na mabuti para sa ating puso. Marami nang pag-aaral ang nagpapakita na ang moderate consumption ng red wine ay makakatulong sa pag-iwas sa heart disease dahil sa mabuting epekto ng antioxidants na mayroon ito. Pinapabuti rin nito ang endothelial function, pinaparami ang good cholesterol, at binawasan ang mga negatibong epekto ng blood platelet activity.

 

Best options:

  • Pinot Noi
  • Merlot
  • Cabernet Sauvignon
  • Sagrantino

 

Mga dapat  iwasan:

  • Sweet wines tulad ng Moscato at sweet Rieslings

 

Dagdag Habilin Para sa May mga Sakit sa Puso

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/general-practitioner-her-aged-patient-talking-383964799 

 

Big deal ang diet para sa isang taong may sakit sa puso. Kasabay ng pag-inom ng gamot sa puso at iba pang healthy habits, maaari pabagalin ng isang balanced diet ang pagkipot ng mga ugat ng puso at matulungan ang katawan na maiwasan ang karagdagang mga komplikasyon. Kung kaya't siguraduhin na mag-fofocus sa kung anong pwedeng kainin ng isang taong may heart disease, hindi sa kung ano ang bawal. In summary, piliin ang mga pagkain na nagbabawas ng bad cholesterol, nagpapababa ng blood pressure at blood sugar, at tumutulong magbawas ng timbang.

 

Sources:

https://www.webmd.com/heart-disease/ss/slideshow-foods-to-save-your-heart

https://www.healthline.com/nutrition/heart-healthy-foods

https://www.verywellhealth.com/foods-that-are-good-for-your-heart-2507169

https://www.eatingwell.com/article/7872995/complete-list-of-heart-healthy-foods

https://health.gov/myhealthfinder/topics/health-conditions/heart-health/heart-healthy-foods-shopping-list


What do you think of this article?