Lamig sa likod o muscle spasm | RiteMED

Lamig sa likod o muscle spasm

January 17, 2019

Lamig sa likod o muscle spasm

Ano ang tinatawag na “lamig” sa katawan?

Ang lamig sa ating katawan o tinatawag sa ingles na “muscle spasm” ang nagiging dahilan kung bakit hindi tayo makakilos nang maayos at feeling mabigat ang ating pakiramdam.

Sintomas ng lamig sa likod

  • Hirap makatulog

Kapag hindi natanggal ang lamig sa iyong likod, nahihirapan tayong makakuha ng komportableng posisyon sa pagtulog

  • Paninigas ng ilang bahagi ng katawan
  • Pakiramdam na may naipit na ugat
  • Hirap kumilos at parang mabigat ang pakiramdam

Mga sanhi ng lamig sa likod

  • Mali ang iyong postura

Kapag mali ang postura, naiipit ang ating muscles o nagkakaroon ng “muscle contraction” o spasm sa ating katawan.

Tuwing tayo ay nakakaramdam ng anxiety o stress, nagiging aktibo ang stress response sa ating katawan kaya nagiging tense o naiipit ang muscles.

undefined

 

  • Pagod

Minsan naman, ang sobrang pagtatrabaho o pag-eehersisyo na sinundan agad ng pagligo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng lamig.

 

  • Mga iba pang muscular problem

Ang lamig sa likod ay maaaring magmula sa sakit sa spinal cord, nerves, o metabolic diseases (mataas na blood pressure, blood sugar, at abnormal cholesterol)

Anong muscle spasm treatment ang makatutulong sa iyo?

  • Maglagay ng hot compress sa mga bahagi ng katawan na may muscle spasm

Mga alternatibong medisina sa lamig sa likod:

 

  • Acupressure

Ang pagpisil sa mga pressure points o ilang bahagi ng katawan na konektado sa ating lamang loob

  • Acupuncture

Isa ito sa traditional na paraan ng pagtanggal ng lamig sa likod. Nilalagay ng acupuncturist ang maninipis na karayom sa mga pain points ng kalamnan upang mabalanse ang lamig at init.

Ginagamit din ang paraan na ito upang maibsan ang sakit ng ulo, para mabalanse ang blood pressure, arthritis, at iba pa.

 

Gamot sa lamig sa likod o muscle spasm

Kapag nakadama ng pananakit ng likod dahil sa lamig, mas mainman na bumisita sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot.

Ganunpaman, para sa mild to moderate muscle pain, maaaring uminom ng RiteMED Paramax.

 

undefined

Narito ang ilan sa mga paalala sa paggamit ng  Ritemed (Ibuprofen+Paracetamol) Paramax:

  • Huwag lalagpas sa anim na tableta ang iinumin sa loob ng 24 oras
  • Hindi ito pwedeng gamitin ng mga batang 12 years old pababa
  • Huwag inumin ng sampung sunud-sunod na araw maliban na lamang kung ito ay sinabi ng doktor
  • Kumonsulta agad sa doktor kung nakararanas ng pagdurugo

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng lamig sa katawan?

Ugaliing mag-inat ng katawan bago simulan ang physical activities para hindi mabigla ang kasu-kasuan o muscles

  • Maayos na posisyon ng pagtulog

Ayusin ang posisyon ng pagtulog upang maiwasan ang pangangalay

  • Uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration
  • Magbigay ng sapat na oras para sa pahinga para makapag-relax at mabawasan ang stress
  • Kung patuloy ang nararamdamang sakit, kumunsulta na agad sa doktor

References:

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paramax-ibuprofen-paracetamol-200-mg-325-mg-tab

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621781/ano-ang-tinatawag-na-lamig-sa-katawan-at-ano-ang-sanhi-nito/story/

https://www.avogel.co.uk/health/stress-anxiety-low-mood/stress/is-stress-causing-your-back-pain/

 

 

 


What do you think of this article?