Ano Ang Cardiovascular Diseases? | RiteMED

Ano Ang Cardiovascular Diseases?

July 21, 2021

Ano Ang Cardiovascular Diseases?

Ang cardiovascular system, na kilala rin sa tawag na circulatory system, ang nagsu-supply ng dugo sa ating katawan. Binubuo ito ng puso, arteries, veins, at capillaries.

 

Tulad ng ibang sistema ng ating katawan, nagkakaroon rin ng problema ang ating cardiovascular system. Ang cardiovascular disease ay isang general term para sa mga kondisyon na nakakaapekto sa puso at blood vessels.

 

Karaniwan nauugnay ang cardiovascular disease sa pag build-up ng fatty deposits sa loob ng mga arteries (atherosclerosis) at pagtaas ng risk sa blood clotting. Maaari rin itong maiugnay sa pinsala sa arteries sa iba’t ibang organs, gaya ng mata, utak, puso, at bato.

 

Ang cardiovascular diseases ay ilan sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay at kapansanan sa Pilipinas. Sa article na ito, laliman pa natin ang ating kaalaman tungkol sa CVD at sa mga uri nito.

 

Iba’t Ibang Uri ng Cardiovascular Diseases

  • Angina – uri ng chest pain na nangyayari kapag nababawasan ang daloy ng dugo sa puso.
  • Arrhythmia – hindi regular na heartbeat o heart rhythm.
  • Congenital heart disease – general term para sa birth defects na nakakaapekto sa normal na paraan ng paggana ng puso.
  • Coronary artery disease – sanhi ng plaque build-up (na nagdudulot ng isang pag kipot o pagbara na maaaring magresulta sa atake sa puso) sa wall ng arteries.
  • Heart attack – biglaang pagbara sa daloy ng dugo ng puso at supply ng oxygen.
  • Heart failure – nangyayari kapag ang puso ay hindi makapag-contract o makapagpahinga ng normal.
  • Hypertrophic cardiomyopathy – nangyayari kapag kumakapal ang heart muscle at nagkakaroon ito ng problema sa pag-relax, sa blood flow, at electrical instability.
  • Pulmonary stenosis - kondisyon kung saan ang isang deformity sa pulmonary valve (o sa malapit rito) ay pinapakitid o pinapakipot ang opening ng valve, na nagiging sanhi ng pagbagal ng daloy ng dugo
  • Rheumatic heart disease – isang komplikasyon ng strep throat na sanhi ng pamamaga sa puso, na maaaring makaapekto sa paggana ng heart valves

 

Halaga ng Cardiovascular Fitness

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/indian-asian-attractive-couple-doing-cardio-1967355910

 

Maliban sa pag-inom ng doctor-recommended supplements at medicines, ang pagpapanatili ng iyong cardiovascular fitness ay mahalaga upang hindi ka magkaroon ng anumang uri ng cardiovascular disease.

 

Ang iyong cardiovascular fitness, na tinatawag ring cardiorespiratory fitness, ay nagpapakita ng estado ng iyong kalusugan. Sinusukat nito ang kakayahan ng iyong cardiovascular system na makapaghatid ng oxygen sa iyong kalamnan, na siyang gagamitin ng iyong kalamnan para ikaw ay magka enerhiya habang ikaw ay nag-eehersisyo o nagiging physically active.

 

Kung nais mong malaman ang iyong cardiovascular fitness level, maaari mong gawin ang “12-minute run” test ni Dr. Kenneth Cooper, ang doktor na tinaguriang “Father of Aerobics.”

 

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng 12-Minute Run Test

 

  1. Kumuha ng stopwatch o timer.
  2. Mag-warm up bago ang test sa pamamagitan ng paglalakad, pag-jogging, o pag-stretching.
  3. Tumakbo ng matulin at tuloy-tuloy sa loob ng 12 minuto.
  4. Pagkatapos ng 12 minuto, magpahinga at itala ang distansya ng iyong natakbo sa milya (miles) gamit ang decimal figure.
  5. Ihambing ang iyong resulta batay sa iyong edad at kasarian sa chart na ito ni Cooper. Iniraranggo ng mga kategorya ang antas ng iyong fitness mula “excellent” hanggang “very poor"

 

Ang simpleng pagsubok na ito ay maaaring magbigay sa iyo ng ideya tungkol sa iyong cardiovascular fitness.

 

Sources:

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/257484

https://www.nhs.uk/conditions/cardiovascular-disease

https://www.abbott.com/corpnewsroom/healthy-heart/cardiovascular-fitness--what-it-means-to-your-heart-health.html



What do you think of this article?