Weight loss tips ngayong summer | RiteMED

Weight loss tips ngayong summer

May 16, 2019

Weight loss tips ngayong summer

Summer na naman – ang pinakahihintay ng lahat upang makapamasyal, makapagbakasyon at makapagbeach. Ito ang panahon na ang karamihan ay nagpo-post ng kanilang mga #SummerGoals. Ang problema, maraming nahihirapan magpapayat at magbawas ng timbang,

Kaya naman narito ang mga easy weight loss tips na maaari mong sundin:

  1. Huwag pupunta ng grocery o pamilihan nang gutom
  2. Gumamit ng platito o maliit na bowl kada meal upang malimitahan ang mailalagay mo na ulam at kanin.
  3. Gawing goal ang pagkain ng tatlong serving ng gulay araw-araw
  4. Kumain ng agahan sa loob ng isang oras mula pagkagising
  5. Huwag kakalimutang magkonsumo ng protina sa kinakain kasabay ng gulay
  6. Iwasan ang ilang matatamis at alcoholic na inumin katulad ng juice, softdrinks o beer. Subukang magtsaa o tubig na lamang na may halong lemonade o kalamansi.
  7. Huwag magmadali sa pagnguya ng pagkain. Subukang ibaba ang kutsara’t tinidor sa lamesa kada subo ng pagkain.
  8. Magbaon ng merienda tulad ng prutas o yogurt bago pumunta sa mga okasyon para iwas gastos at para maiwasan ang pagkain nang marami sa pupuntahan.
  9. Iwasan ang midnight snacks at matulog nang maaga. Ang pagkain nang lagpas 8 PM ay nakadadagdag lamang sa timbang.
  10. Sumali sa mga i-sports o kaya weight management class. Kung hindi kaya, kahit ang paglalakad tuwing umaga ng 15-30 minuto ay makatutulong sa pagbabawas ng iyong timbang.
  11. Samahan ng Fiber ang bawat meal

Subukang kumain ng mga cereals o prutas tuwing hapunan. Kung kokonsulta ka

sa iyong dietician, maaari niyang irekomenda ang Ritemed Fibermate.

Maganda ang food supplement na ito kung gusto mong maiwasan ang sobrang pagkain tuwing gabi. Nakakatulong ito sa pagbabawas ng timbang at mainam na pangontra sa constipation.

Reference:

https://www.sarahremmer.com/25-quick-and-easy-weight-loss-tips-for-summer-without-having-to-diet/#sthash.1YstF3i7.dpbs

https://www.eatthis.com/summer-diet-inspiration/

https://www.verywellfit.com/your-summer-weight-loss-program-1229934

https://www.allure.com/gallery/10-easy-tips-for-summer-weight-loss

https://www.mindbodygreen.com/0-14251/9-practical-ways-to-lose-weight-this-summer.html

https://www.eatthis.com/lose-weight-for-summer/

 


What do you think of this article?