Wais Tips Para sa Tamang Alaga | RiteMED

Wais Tips Para sa Tamang Alaga

August 18, 2021

Wais Tips Para sa Tamang Alaga

Madaling malito pagdating sa health at nutrition. Kahit na ang mga kwalipikadong experto ay madalas na may magkasalungat na mga opinyon tungkol dito. Nagiging mahirap malaman kung ano ang dapat mo talagang gawin upang mapalakas ang iyong overall health.

 

Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng mga hindi pagkakasundo, meron pa ring mga health tips na sinusuportahan ng pananaliksik. Narito ang ilan sa mga tips na ito na nababase sa scientific evidence.

 

Sundan ang pinggang pinoy para sa diet.

 

Ang Pinggang Pinoy ay isang bago at madaling maunawaan na patnubay na gumagamit ng pamilyar na food plate model upang maipakita ang tamang sukat ng food group sa bawat meal at matugunan ang energy at nutrient needs ng ating katawan. Ang Pinggang Pinoy ay nagsisilbing visual tool upang matulungan ang mga Pilipino na magkaroon ng healthy eating habits sa mga oras ng pagkain. 

 

Ang "Pinggang Pinoy" ay maaaring magamit kasama ng DNG Pyramid para sa mga Pilipino. Ayon sa FNRI, ang Pinggang Pinoy ay isang mabilis at madaling gabay para malaman kung gaano kalaki ang makakain sa bawat mealtime, habang ang DNG Pyramid ay nagpapakita ng buong araw na rekomendasyon para sa food intake.

 

Ang "Pinggang Pinoy" at ang DNG Pyramid ay parehong para sa mga Pilipino at batay sa pinakabagong agham tungkol sa kung paano nakakaapekto sa ating health ang ating mga pagkain, inumin, at aktibidad.

 

Regular na magpacheck up

 

Ang regular na check-up ay maaaring makatulong na makahanap ng mga health problem sa ating katawan bago pa ito lumala. Sa tulong ng regular na pagsangguni sa mga health professional, maaaring mahanap at masuri nang maaga ang mga health issue at magamot agad ang mga ito. 

 

Mabuti ding magpatingin ng blood pressure dahil and hypertension ay maaaring magdulot ng health problem nang hindi mo namamalayan. Kung hindi mapipigil, ang hypertension ay maaaring humantong sa sakit sa puso, utak, bato, at iba pa. Regular na magpasuri ng blood pressure sa isang health worker upang magkaroon ka ng ideya kung gaano kataas na ito. Kung mayroon ka ng altapresyon, kumonsulta agad sa health professional.

 

Uminom ng antibiotics base sa reseta ng doctor

 

Ang antibiotic resistance ay isa sa pinakamalaking banta sa public health sa ating henerasyon. Kapag nawalan ng lakas ang mga antibiotics, ang mga impeksyon ay nagiging mas mahirap gamutin at kadalasang humahantong sa mas malaking gastos, matagal na pananatili sa ospital, at mataas na dami ng namamatay. 

 

Nawawalan ng lakas ang mga antibiotics dahil sa maling paggamit at labis na paggamit nito. Tiyaking uminom lamang ng antibiotics kung inireseta ng isang kwalipikadong health professional. Sa sandaling niresetahan ka nito, kumpletuhin ang mga araw ng pag-inom. Huwag kailanman magbahagi ng mga antibiotics.

 

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/beautiful-young-healthy-asian-woman-running-790175839

 

 

 

Uminom ng Vitamin D kung hindi ka naarawan

 

Kung hindi ka gumugugol ng maraming oras sa sikat ng araw, ang iyong mga antas ng bitamina D ay maaaring mababa. Habang ang mga kakulangan sa bitaminang ito ay hindi agad nakakasama sa ating health, ang pagpapanatili ng sapat na antas ng vitamin D ay makakatulong sa ating katawan. 

 

Ito ay kayang i-optimize ang ating health sa pamamagitan ng pagpapalakas ng buto, pagbabawas ng mga sintomas ng depresyon, pagpapalakas ng immune system, at pagbaba ng risk na magkaroon ng cancer. Kung maaari, magandang ideya na magpatest para malaman mo ang iyong vitamin D level upang maitama mo ito sa pamamagitan ng vitamin D supplements kung kinakailangan.

 

Limitahan ang maalat at matamis na pagkain

 

Ang mga Pilipino ay kumakain ng dalawang beses sa inirekumendang dami ng sodium na karaniwang makukuha sa asin. Ito ay naglalagay sa atin sa peligro ng mataas na blood pressure at nagdaragdag ng panganib ng sakit sa puso at stroke. Limitahan ang iyong paggamit ng asin sa 5g bawat araw, katumbas ng halos isang kutsarita. Mas madaling gawin ito sa pamamagitan ng paglilimita sa dami ng asin, toyo, patis, at iba pang mga pampalasa na mataas sa sodium; pag-aalis ng asin at ibang seasoning mula sa iyong hapag kainan; pag-iwas sa maalat na meryenda; at pagpili ng mga produktong may mababang sodium.

 

Sa kabilang banda, ang pagkain ng labis na asukal ay nagdaragdag ng peligro ng pagkabulok ng ngipin at hindi malusog na pagtaas ng timbang. Sa parehong mga matatanda at bata, ang pagkain ng matatamis ay dapat na mabawasan sa mas mababa sa 10% ng total energy intake. Ito ay katumbas ng 50g o halos 12 kutsarita. Inirerekomenda ng WHO na mas mababa sa 5% ng total energy intake lamang ang kainin para sa karagdagang mga health benefits. Maaari mong bawasan ang iyong paggamit ng asukal sa pamamagitan ng paglilimita sa pagkonsumo ng mga matatamis na meryenda, kendi, at inuming may asukal.

 

Mag-ehersisyo

 

Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga pinakamahusay na bagay na magagawa mo para sa iyong mental at physical health. Partikular itong epektibo sa pagbawas ng taba ng tiyan na siyang mapanganib na uri ng taba na bumubuo sa paligid ng iyong mga organs. Dapat tayong mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 150 minuto na may moderate intensity sa bawat linggo. Itaas ito sa 300 minuto bawat linggo para sa karagdagang mga health benefits.

 

Ang mga simpleng health tips na ito ay malayo ang mararating sa pagpapabuti ng iyong mga overall health. Kung sinusubukan mong magkaroon ng healthy lifestyle, huwag lamang mag-focus sa mga pagkaing kinakain mo. Ang ehersisyo, pagtulog, at mga pag-connect sa lipunan ay mahalaga din.

 

 

 

 

Sources:

https://doh.gov.ph/node/223

https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/20-health-tips-for-2020 

https://www.healthline.com/nutrition/27-health-and-nutrition-tips#TOC_TITLE_HDR_11



What do you think of this article?