Tips para sa mental health ng kids | RiteMED

Tips para sa mental health ng kids

July 21, 2021

Tips para sa mental health ng kids

Sa panahon ng pandemic, maraming bagay ang maaaring makaapekto sa mental health ng tao.

Bukod sa takot na magkaroon ng Covid infection, ang quarantine o pananatili sa loob ng bahay sa loob ng mahabang panahon ay maaring magdulot ng fatigue at anxiety. Kahit ang mga bata, sa kabila ng kanilang murang isipan, ay nakakaranas din ng mga mental health concerns na ito.

 

What is mental health?

 

Para matugunan ang pangangailangan ng mga bata, mahalagang maintindihan ang mental health meaning.  Ayon sa World Health Organization, ang mental health ay ang state of well-being kung saan kaya ng indibidwal na gampanan ang kanyang mga gawain ayon sa kanyang mga abilidad, mag cope sa stress na nararanasan, maging produktibo at makatulong sa kanyang komunidad.

 

Mahalaga ang mental health awareness para mapangalagaan ng mabuti ang mga bata sa panahon ng pandemic.  Sa tulong ng mga sumusunod na tips, protektahan ang child mental health lalo na sa panahon ng pandemic.

 

Bigyan ang mga bata ng healthy routine

 

Maraming dulot na pagbabago sa buhay ng mga bata ang pandemic. Mula sa paraan ng schooling hanggang sa pagkakaroon ng limitasyon sa paglalaro, maraming pagbabago ang kinailangan nilang harapin. Para maiwasan ang pagka-overwhelm nila sa mga pagbabago sa kanilang buhay, mahalaga na magkaroon sila ng healthy routine na susundin araw-araw. Ito ang magbibigay ng predictability at consistency na mahalaga para sa emotional security ng bata.

 

Bigyan siya ng schedule na susundin, mula sa wake-up routine at oras ng pagkain hanggang sa schoolwork, paglalaro o pagtulong sa gawaing bahay.

 

Gumawa ng paraan para makausap ng bata ang mga kamag-anak o kaibigan

 

Sa kabila ng pananatili sa sariling bahay, maari pa ring magkaroon ng social interaction ang mga bata sa tulong ng mga video calls. Mag-schedule ng oras para makausap ang kanilang mga kaibigan o mga malapit na kamag-anak.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/girl-making-facetime-video-calling-laptop-1696327042

 

Bantayan ang mga napapanood o nababasa ng bata sa Internet o telebisyon

 

Ang labis na impormasyon tungkol sa Covid19 ay maaring magdulot ng anxiety sa bata. Limitahan ang panonood nila sa telebisyon o pagbrowse sa social media tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa Covid19.

 

Sagutin ng tapat ang mga tanong ng bata tungkol sa pandemic

 

Mahalaga na may nakakausap ang bata tungkol sa Covid 19. Sagutin ng tapat ang kanyang mga tanong. Ipaliwanag kung paano nahahawa sa sakit, ano ang mga maaring mangyari kapag nagkasakit at kung ano ang pwedeng gawin para maiwasang magkasakit.

 

Panatilihing malusog ang pangangatawan ng bata

 

Ang takot na magkaroon ng Covid19 infection ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng anxiety ang bata. Ipaunawa sa bata na maraming paraan upang makaiwas sa nakakahawang sakit na ito. Isa na rito ay ang pagkakaroon ng matibay na katawan at malakas na resistensya.  Patibayin ang kanyang resistensya sa tulong ng tamang pagkain, sapat na tulog, ehersisyo at pag inom ng vitamin supplement tulad ng RiteMed Ascorbic Acid.

 

 

 

 

Ang mental health ay integral at essential component ng kalusugan ng mga bata. Laging isaisip ang importance of mental health para matulungan ang mga bata na manatiling malusog at masaya kahit sa panahon ng pandemic.

 

 

Sources:

 

https://www.thechildren.com/health-info/conditions-and-illnesses/how-support-kids-mental-health-during-covid-19-pandemic

https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/COVID-19/Pages/Parenting-in-a-Pandemic.aspx


What do you think of this article?