Tamang Alaga Tips Para sa Ating Mga Tainga | RiteMED

Tamang Alaga Tips Para sa Ating Mga Tainga

May 26, 2021

Tamang Alaga Tips Para sa Ating Mga Tainga

Paano kung hindi mo na marinig ang tawa ng iyong mahal sa buhay, ang iyong paboritong kanta, o maging ang iyong kausap sa telepono? Ang iyong mga tainga ay responsable sa pagdadala ng tunog at pagbabalanse ng impormasyon sa iyong utak, kung kaya't mahalagang panatilihin ang kalinisan at kalusugan nito.

 

Maraming simple ngunit epektibong paraan ng pag-aalaga ng ating mga tainga. Narito ang ilang useful tips upang mapangalagaan ang kanilang long term health.

 

Best Alaga Tips Upang Maiwasan ang Ear Infection

 

  1. Sundin ang 60/60 rule.

Gumamit ng earphones nang hindi hihigit sa 60% na maximum volume, at hindi hihigit sa 60 minuto sa isang araw. Mahalaga na panatilihin ang volume sa ganitong komportableng level, lalo na sa earbud type headphones at wireless earphones, upang maiwasan ang ear pain at noise-induced hearing loss. Kung nasa isang lugar naman na masyadong maingay tulad ng concerts, motor sporting event, o nightclubs, subukang magsuot ng earplugs. Kung magtatagal ka sa ganitong uri ng maiingay na lugar, siguraduhing bigyan ang iyong tainga ng pahinga at pagkakataong makarecover bago mag-engage sa iba pang maiingay na aktibidad.

 

  1. Panatilihing tuyo ang iyong mga tainga.

Kung hindi mo papatuyuin ng maayos ang iyong tainga pagkatapos maligo o lumangoy, ang excess moisture ay maaaring maging sanhi ng bacterial build up na magdudulot ng problema sa iyong ear canal. Patuyuin ang iyong tainga sa pamamagitan ng pagkiling ng iyong ulo sa isang gilid kung nararamdaman mo ang excess water, at i-towel dry ng malumanay ang outer part ng iyong tainga.

 

  1. Linisin ang iyong ear devices.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/cleaning-disinfecting-wiping-music-headphones-hand-1704507895

 

Ang earphones, headphones, at iba pang ear gears na ginagamit mo sa pakikinig ay kritikal na bahagi ng iyong hearing health. Dahil dito, mahalagang regular itong punasan ng isang malinis na tela na binasa ng alkohol upang maiwasan ang impeksyon. Maaari mo itong gawin ng isang beses sa isang linggo, lalo na kung ikaw ay pinagpawisan o kung pinahiram mo ito sa ibang tao. Itago rin ito sa isang malinis at tuyong lalagyan.

 

  1. Iwasan ma-stress.

Ayon sa mga eksperto, ang stress at anxiety ay may kaugnayan sa temporary at permanent tinnitus (ringing in the ears). Ang matataas na antas ng stress ay maaaring magtulak sa iyong katawan to go into “fight or flight mode.” Isa itong likas na reaksyon na pumupuno sa katawan ng adrenaline upang matulungan kang labanan o tumakas mula sa panganib. Ang prosesong ito ay nagbibigay rin ng maraming pressure sa iyong nerves, blood flow, at iba pa. Sinasabi rin na ang pressure at stress na ito ay maaaring maglakbay hanggang sa loob ng iyong tainga at mag-ambag sa mga sintomas ng tinnitus.

 

Kung  may nararamdaman ka nang problema sa iyong mga tainga, kumonsulta agad sa isang ear, nose, and throat (ENT) specialist. Maaaring resetahan ka ng ENT doktor ng ear drops at antibiotic upang makatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagsasanhi ng ear infection.

 

Ang Ritemed Cefuroxime Axetil ay isang uri ng antibiotic na nakakatulong sa pagpuksa ng mga bacteria na nagiging sanhi ng ear infection. Kaya rin nitong pigilan ang paglubha ng impeksyon. Ngunit paalala, bago uminom ng anumang uri ng gamot, kumonsulta muna sa doktor.

 

 

 

Sources:

https://caro.doh.gov.ph/pangangalaga-sa-tenga

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2015/02/01/1418990/huwag-maging-bingi-alagaan-ang-tainga

https://www.envolvehealth.com/news/five-tips-for-healthy-ears-and-protecting-your-hearing.html

 

 



What do you think of this article?