Tamang Alaga Tips Ngayong Tag-ulan | RiteMED

Tamang Alaga Tips Ngayong Tag-ulan

July 21, 2021

Tamang Alaga Tips Ngayong Tag-ulan

Bukod sa malamig na panahon, merong dalang mga health risks ang rainy season.  Tuwing tag-ulan, maraming sakit ang maaaring makuha mula sa malamig na klima, baha o maduming tubig.  Ilan sa mga common diseases tuwing rainy season ay Dengue, Malaria, Diarrhea, Cholera, Leptospirosis, Colds, Flu, at Typhoid.

 

Paano nga ba maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit tuwing tag-ulan? Alamin ang mga sumusunod na health tips para manatiling malusog at protektado laban sa iba’t ibang sakit tuwing rainy season.

 

 

Iwasan ang pag lusong sa baha

 

Huwag lumusong sa baha at iwasan ang paglalakad sa maduming tubig. Ang baha ay kontaminadong tubig.  Kapag lumusong sa baha at ikaw ay may open wound, maaaring makapasok sa iyong katawan ang bacteria mula sa maruming tubig. Isa sa mga sakit na maaaring makuha sa baha ay ang Leptospirosis. Ang bacterial infection na ito ay maaaring magdulot ng sintomas tulad ng lagnat, panginginig ng katawan, ubo, pagsusuka, pagtatae, pamumula ng mga mata, at paninilaw ng balat. Kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, siguraduhing nakasuot ng proteksyon tulad ng rubber boots at gloves.

 

 

 

Uminom ng malinis na tubig

 

Para maiwasan ang mga sakit tulad ng diarrhea, typhoid at cholera, uminom lamang ng tubig mula sa safe sources. Kung hindi sigurado sa quality ng tubig, ugaliing pakuluan ang tubig sa loob ng tatlong minuto bago inumin.

 

Protektahan ang katawan laban sa lamok

 

Ang rainy season Philippines ay kilala rin bilang mosquito breeding season.  Ang stagnant water na nabubuo tuwing tag-ulan ang siyang pwedeng maging mosquito breeding sites. Dahil dito, nauuso rin tuwing tag-ulan ang mga mosquito-borne diseases tulad ng Dengue at Malaria. Para iwasan ang kagat ng lamok tuwing rainy season, magpahid ng mosquito repellent. Kung maaari, magsuot ng mahahabang damit tulad ng long sleeves at pants bilang proteksyon laban sa kagat ng lamok.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/little-girl-has-allergies-mosquitoes-bite-1105211207

 

Panatilihing malinis at ligtas ang inyong komunidad

 

Mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan ng paligid para maiwasan ang mga sakit tuwing tag-ulan. Inirerekomenda ng Department of Health na ang bawat tahanan at barangay ay magkaroon ng RIDE program, isang acronym para sa:

 

  • R - Rodent control (mga paraan para mawala ang mga daga sa bahay gamit ang rat traps o rat poison)
  • I -  Improve flood control (mga paraan para maiwasan ang baha)
  • D - Drain water (paglinis ng daluyan ng tubig at pagtanggal ng stagnant water)
  • E - Enforcement of garbage collection (maayos na pagkolekta ng basura)

 

Palakasin ang immune system

 

Para manatiling malusog sa tag-ulan, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na immune system.  Kapag malusog ang immune system, kaya nitong protektahan ang katawan laban sa iba’t ibang sakit na uso tuwing tag-ulan tulad ng sipon, flu at iba pang infection.

 

Importante sa pagpapalakas ng resistance to infection ang balanced meal na mayaman sa mga antioxidant vitamins tulad ng beta-carotene, vitamin C at vitamin E. Kumain ng dark green, red, yellow at orange na mga prutas at gulay. Idagdag sa balanced diet ang pag inom ng vitamin C supplement tulad ng RiteMed Ascorbic Acid + Zinc.

 

Doblehin ang pag iingat sa kalusugan tuwing tag-ulan. Sa tulong ng ilang preventive measures, pananatili ng kalinisan sa paligid at pagpapalakas ng immune system, kayang iwasan ang anumang sakit tuwing rainy season.

 

 

Sources:

https://doh.gov.ph/node/17435

https://www.bkkkids.com/blog/7-health-safety-tips-rainy-season-2/

 



What do you think of this article?