Pwede bang Magkaroon ng Bagong Allergies ang Adults? | RiteMED

Pwede bang Magkaroon ng Bagong Allergies ang Adults?

September 9, 2021

Pwede bang Magkaroon ng Bagong Allergies ang Adults?

Kahit madalas na sa murang edad nakakaranas ang marami ng allergic reactions, ang allergies ay maaari ring maranasan kahit sa pagtanda. Ang mga adults na may edad 20 pataas ay maaari pa ring makaranas ng allergies symptoms o magkaroon ng mga panibagong allergy. Ang allergy sa halaman, hayop, pagkain, at iba pa ay pwedeng magbago sa pagtanda.

 

 

Paano nadedevelop ang allergies?

 

Ang allergy ay ang reaksyon ng ating katawan sa iba’t ibang substances tulad ng pollen, molds, alikabok o pagkain. Ang mga substances na nagdudulot ng allergic reaction sa ating katawan ay tinatawag na allergen.

 

Kapag may nakapasok na allergen sa iyong katawan, ang iyong immune system ay bubuo ng antibodies na tinatawag na immunoglobulin E o IgE.  Hahanapin ng antibodies na ito ang mga allergens at tatanggalin ito sa iyong katawan. Dahil dito, maglalabas ang iyong katawan ng inflammatory substances tulad ng histamine na maaaring magdulot ng allergy symptoms.

 

Ang allergy symptoms ay maaaring mild, moderate o severe. Ang mga karaniwang sintomas ng allergy ay runny nose o sipon, hay fever at hirap sa paghinga. Ang iba naman ay nakakaranas ng skin allergies tulad ng rashes, pangangati ng balat o pamamaga.

 

Kailan madalas umusbong ang allergies?

 

Madalas ang allergy ay nakikita sa mga bata at madalas na nawawala kapag sila ay tumungtong sa edad 20 o 30 dahil ang katawan ay nasanay na sa allergens sa kanilang paligid. Ngunit, maaari din na mag develop ng panibagong allergy habang tumatanda. Sa kabilang banda, maaari din mawala ang allergies mo kapag ika’y nasanay sa allergens sa paligid.

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/health-problem-man-scratching-itchy-back-1042528828

 

 

Mga kadalasang allergens

 

Iba’t ibang substances ang pwedeng mag trigger ng allergic reaction sa katawan. Ang mga seasonal allergies, ang pinaka karaniwang adult-onset allergy o isang uri ng allergy na nadedevelop sa pagtanda, ay dulot ng mga allergens na makukuha sa kapaligiran tulad ng pollen at iba pang plant allergens.

 

Maaari ka ring magkaroon ng pet allergies. Kung ikaw ay exposed sa dander or buhok ng aso o pusa, maaaring mag trigger ang mga ito ng allergic response sa iyong katawan.

 

Ang mga adults ay posible ring mag develop ng allergic reactions sa ilang mga pagkain tulad ng mani at seafoods.

 

 

Kapag sinusumpong ka ng allergy symptoms, mahalagang uminom agad ng allergy medicine tulad ng Cetirizine para maiwasan ang paglala ng sintomas. Ang Cetirizine ay isang non-drowsy na antihistamine at nagbibigay relief sa mga sintomas ng allergies, hives, conjunctivitis, at iba pa.

 

Bukod sa pag inom ng gamot, importanteng matukoy ng maaga kung ano ang nagdudulot ng iyong allergies symptoms. Kumunsulta sa doktor tungkol sa allergy testing na pwedeng gawin upang matukoy ang allergens na dapat iwasan at para mabigyan ng wastong allergy treatment.

 

 

 

Sources:

https://health.clevelandclinic.org/can-allergies-go-away-or-develop-as-you-age/

https://www.healthline.com/health/allergies/can-you-develop-allergies#causes

https://www.nhs.uk/medicines/cetirizine/

 

 



What do you think of this article?