Pahinga at pagtulog tips ngayong pandemic | RiteMED

Pahinga at pagtulog tips ngayong pandemic

July 21, 2021

Pahinga at pagtulog tips ngayong pandemic

Sa dami ng pagbabagong dulot ng pandemic, isa marahil sa pinakaapektadong aspeto ng buhay  ay ang pagtulog. Dahil sa kakaibang schedule ng online classes, work from home at pananatili sa bahay, ang sleep pattern ng marami sa atin ay nagbago. Dahil na rin sa anxiety na dala ng pandemic, ang iba ay nahihirapang matulog ng maayos.

 

Hindi lang matatanda ang apektado sa problemang ito. Dahil hindi sila makapaglaro sa labas at madalas lamang ay nasa harap ng screens, naapektuhan din ang pagtulog at pahinga ng mga bata.  Bilang resulta, ang mga batang kulang sa tulog ay irritable, hirap sa pag focus, at madaling mapagod. Bukod dito, mas madali din silang magkasakit.

 

Hindi ba makatulog ng maayos ang anak mo sa gabi? Putol-putol ba ang kanyang tulog? Marahil ay sinubukan mo nang hanapin sa Internet ang “how to sleep well during pandemic”.  Ang article na ito ang isinulat para bigyan ka ng tips para matulungan ang mga bata na magkaroon ng relaxing sleep sa panahon ng pandemya.

 

 

Mag set ng schedule para sa mga bata at sundin ito

 

Karamihan sa mga bata ay nagiging mas interesado kapag may routine dahil nagkakaroon sila ng sense of control. Kapag pabago-bago ng schedule, nawawala ang sense of familiarity at maaaring magkaroon ng anxiety at pag aalala ang bata.

 

Para tulungan silang matulog ng mahimbing, magtakda ng oras para sa lahat ng bagay sa bahay, kabilang na ang bedtime, naptime at rest. Tulad ng iba pang routine, ipaliwanag ng mabuti sa bata ang kahalagahan ng pagkakaroon ng schedule para kusang loob niyang sundin ito.

 

Tulungan silang mag-exercise

 

Inirerekomenda ng mga doctor at psychologist ang pagkakaroon ng regular exercise para sa mga bata.  Ang exercise ng bata ay maaring laro, sayaw o sports. Nakatutulong ang active play time sa sleep patterns dahil mas madali silang makatulog sa gabi. Kaya’t siguraduhin na may sapat na physical activities ang bata araw-araw. 

 

Pakainin sila ng hapunan sa tamang oras

 

Kaayon din ng pagtakda ng oras sa mga gawain sa bahay ay ang pagtatakda ng oras para sa hapunan. Kumain dalawa o isang oras  bago matulog upang makasigurong na-digest na ng katawan ang pagkain. Iwasan din ang mga sweets at junk foods sa gabi dahil magbibigay ito ng burst of energy na magpapawala ng antok ng bata.

 

Pag pahingahin sila isang oras bago ang pagtulog

 

Magpahinga pagkatapos ng hapunan. Ang mga relaxing at winding down activities ay makatutulong para mag set ng antok lalo na sa mga bata. Basahan sila ng libro tuwing gabi. Gumawa ng puzzle o making sa mga relaxing music bago matulog. Nakakatulong[1]  din para sa pagtulog ng mga teenager ang paggawa ng journal kung saan nakasulat ang mga bagay na ipinagpapasalamat nila sa araw na iyon.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/mother-tells-story-his-daughter-on-1182624184

 

Limitahan ang gadget usage ng bata bago matulog

 

Upang madaling makatulog ang mga bata, maging strikto sa oras ng paggamit ng gadgets lalo na sa gabi. Ituro sa kanila na ang kama ay para lamang sa pagtulog at hindi para sa paglalaro o panonood ng shows.

 

Pakainin sila ng masustansyang pagkain

 

Bukod sa mga nabanggit, huwag kalimutan ang masustansyang pagkain upang makatulong sa maayos na digestion at mahimbing na tulog sa gabi. Imbis na junk foods, sanayin silang kumain ng healthy food. Idagdag din sa pang-araw-araw na routine ang pag-inom ng Ascorbic Acid at Zinc tulad ng RiteMed Ascorbic+Zinc (Zinc-C). Ang supplement na ito ay nakatutulong magboost ng immunity ng bata laban sa mga sakit.

 

Ang sapat na tulog ay mahalaga para lumakas ang resistensya ng bata laban sa mga sakit. Sa tulong ng mga healthy habits na ito, tulungan ang mga batang makamit muli ang mahimbing na tulog at pahinga.

 

Sources:

 

https://edition.cnn.com/2021/03/03/health/kids-enough-sleep-covid-pandemic-wellness/index.html

https://www.nytimes.com/wirecutter/blog/coronavirus-kids-sleep-schedule/

https://www.hopkinsallchildrens.org/ACH-News/General-News/Is-the-Pandemic-Having-an-Impact-on-the-Way-Childr

https://www.connecticutchildrens.org/coronavirus/3-bedtime-challenges-your-kids-might-be-having-now-and-how-to-solve-them/

 

What do you think of this article?