Paano gumagana ang ating Immune System? | RiteMED

Paano gumagana ang ating Immune System?

August 18, 2021

Paano gumagana ang ating Immune System?

Mahalaga ang pagkakaroon ng malakas na immune system para sa ating kaligtasan. Ang immune system ay binubuo ng iba’t ibang cell, organ, protina, at tisyu. Ang mga ito ay tulong tulong na nagbibigay ng proteksyon sa ating katawan mula sa mga mapanganib na mikrobyo at pagbabago ng cell na maaaring maging sanhi ng sakit. Kapag humina ang immune system, hindi ito makakalaban sa mga agresibong mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit.

 

Paano nga ba gumagana ang immune system para protektahan tayo sa mga sakit? Anu-ano ang mga pwedeng gawin para palakasin ang immune system?

 

Paano gumagana ang immune system?

 

Hinaharang ng immune system ang mga foreign substances para hindi makapasok sa loob ng katawan.  Ang mga foreign substances na ito ay maaaring virus, bacteria, fungi o parasites.  Kapag may nakapasok na foreign substance sa katawan, ang immune system ay automatic na gagawa ng white blood cells at iba pang chemicals na lalaban sa mga foreign invaders na ito.

 

Kapag ang ating katawan ay nagkaroon ng contact sa isang mikrobyo na nagdudulot ng sakit sa kauna-unahang pagkakataon, karaniwang nag-iimbak ang ating immune system ng impormasyon tungkol sa mikrobyo at kung paano ito labanan. Kung makapasok muli sa ating katawan ang naturang mikrobyo, kinikilala kaagad into ng ating immune system at magsisimula itong labanan ang mikrobyo nang mas mabilis.

 

Ang mga cell ng ating katawan ay meron ding mga protina. Ngunit ang mga protina na iyon ay hindi karaniwang naga-activate ng immune system. Minsan nagkakamali ang immune system sa pagkilala sa mga sariling mga cells ng katawan. Kapag napagkamalang foreign cells ang mga harmless cells ng katawan, maaaring labanan mismo ng immune system ang mga malusog at harmless na cells na ito. Ito ang tinatawag na autoimmune response.

 

Dalawang parte ng immune system

 

Mayroong dalawang subsystem sa loob ng immune system na kilala bilang innate (non-specific) and adaptive (specific). Ang mga subsystem na ito ay magkaugnay at nagtutulungan tuwing ang isang mikrobyo o nakakapinsalang bagay ay nag-trigger ng isang immune response.

 

Innate immune system

 

Ang innate immune system ay nagbibigay ng isang pangkalahatang depensa laban sa nakakapinsalang mga mikrobyo kaya tinatawag din itong non-specific na immune system. Ito ay aktibo mula nang tayo ay ipinanganak. Karamihan sa gamit nitong panlaban ay natural killer cells at phagocytes o eating cells.

 

Ang pangunahing trabaho ng innate immune system ay labanan ang mga nakakapinsalang sangkap at mikrobyo na pumapasok sa katawan. Kapag kinikilala ng sistemang ito ang isang foreign object, agad itong kumikilos. Ang mga cell ng immune system ay pumapalibot para labanan ang mga foreign bodies.

 

Adaptive o acquired immune system

 

Ang adaptive na immune system ay gumagawa ng mga antibodies at ginagamit ang mga ito upang labanan ang ilang mga partikular mikrobyo na dating nagkaroon ng contact sa katawan. Ang mga antibodies na ito ay binubuo ng mga cell na tinatawag na B lymphocytes matapos ang nasabing contact.

 

Ang immune response na ito ay kilala rin bilang "acquired" o natutunan. Dahil ang adaptive immune system ay patuloy na natututo at naga-adapt, ang katawan ay maaari ring labanan ang mga bakterya o mga virus na nagbabago sa paglipas ng panahon.

 

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-lady-fitness-sport-wear-drink-716723125

 

Palakasin ang Immune System sa tulong ng Vitamin C at Zinc

 

Kilala ang Vitamin C at Zinc na nagpapalakas ng immune system ng tao.  Dahil ang ating katawan ay hindi maaaring gumawa ng Vitamin C, kailangan nating kumain ng mga pagkaing sagana sa bitaminang ito. Pwede din nating makuha ang Vitamin C sa pamamagitan ng pag-inom ng Vitamin C supplement tulad ng ascorbic acid at sodium ascorbate.

 

Patibayin ang immune system sa tulong ng Vitamin C at Zinc. Ang mga nutrients na ito ay sumusuporta sa iba't ibang mga cellular function ng innate at adaptive immune system.

 

 

 

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/320101

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/the-immune-system

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279364/

 

 

 



What do you think of this article?