Paano ba Mabuhay na may Obsessive Compulsive Disorder o OCD? | RiteMED

Paano ba Mabuhay na may Obsessive Compulsive Disorder o OCD?

November 15, 2021

Paano ba Mabuhay na may Obsessive Compulsive Disorder o OCD?

Madalas nating ginagamit ang term na “OC” kapag mayroon tayong kakilala na may matinding pagpapahalaga sa kalinisan o pagiging organized ng mga bagay-bagay. Ang term na ito ay maaaring kinuha sa isang mental disorder na tinatawag na Obsessive-Compulsive Disorder o OCD.  Ngunit ang OCD ay higit pa sa pagiging labis na organized. 

 

Para matulungan ang mga taong may disorder na ito, mahalagang malaman what is OCD Disorder. Ang awareness sa mental health disorder na ito ang susi para matulungan ang mga taong may OCD.

 

What is Obsessive-Compulsive Disorder (OCD)?

 

Ang obsessive-compulsive disorder o OCD ay isang mental health disorder na nagtataglay ng distressing, intrusive, repetitive, at obsessive thoughts. Mahigit 2% sa kabuuang populasyon ay mayroong OCD. Ito ay karaniwang nararanasan o nakikitaan ng sintomas sa murang edad o sapat na gulang at bihira lamang mangyari sa mga nagkaka-edad kwarenta.

 

 

 

 

OCD meaning:

 

  • Obsessions: Ito ay sintomas kung saan hindi mo inaasahang may bigla kang gustong gawin na nakakaapekto sa iyong pagka focus sa ibang bagay.
  • Compulsions: Ito ay sintomas kung saan sa tingin mo ay kailangan mong gawin ang isang bagay upang matugunan ang iyong obsessions.

 

Kahit ang mga eksperto ay hindi alam ang tunay na cause ng OCD. Pero merong mga iba’t ibang factors na pwedeng maka impluwensya sa pagkakaroon ng OCD. Kasama rito ang genetic, neurological, behavioral, cognitive, at environmental factors.

 

OCD Symptoms  

 

  • Paulit-ulit na pag check: Ito ay katulad na lamang sa mga alarms, door locks, house lights, paulit-ulit na pag check ng mga emails, pagkatakot na magkamali.

 

 

  • Pagkatakot sa kontaminasyon: Bawat nahahawakang bagay ng mga tao na ito ay animo kontaminado kaya gusto nila laging malinis at naghuhugas — katulad na lamang sa pag sipilyo ng maigi sa ngipin, paulit-ulit na paglilinis sa kwarto, kusina at saang sulok ng bahay, sila rin ay takot makisalamuha sa maraming tao sa pag-aalalang makakuha ng bacteria o germs.

 

  • Pagiimbak: Ang mga tao na ito ay ayaw itapon ang mga pinag gamitan ng bagay kahit ito man ay importante o hindi na kinakailangan.

 

  • Intrusive thoughts: Ito ay maaaring magdulot ng karahasan, suicide, o pananakit sa ibang tao.

 

  • Symmetry and orderliness: Ito ay ang paulit-ulit na pag-aayos ng mga bagay upang siguraduhing hindi ito makakadulot ng discomfort at harm.

 

 

Maaring ito ay obsessions o compulsions o parehas na maaring maka-magdulot ng pagkabalisa sa pakikisalamuha sa ibang tao.

 

Kailan kailangang magpatingin sa doktor

 

Mahalagang magpatingin sa psychologist o psychiatrist kung nakakaranas ng mga sumusunod:

  • Ang presence ng obsessions o compulsions, o parehas
  • Depressions
  • Anxiety
  • Time consuming na obsessions at compulsions na nakaka-epekto ng malaki sa iyong pakikisalamuha at pagtatrabaho

 

 

 

 

 

 

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/178508

https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-davao/20180204/281603830912889

https://www.healthline.com/health/ocd/social-signs

 


What do you think of this article?