Mga Dapat Kainin Para Healthy ang Prostate | RiteMED

Mga Dapat Kainin Para Healthy ang Prostate

July 21, 2021

Mga Dapat Kainin Para Healthy ang Prostate

What is Prostate?

 

Ang prostate, na bahagi ng male reproductive system, ay isang gland na pumapaligid sa pantog (bladder) at urethra. Kasinglaki ito ng walnut at patuloy na lumalaki habang nabubuhay ang isang lalaki. Habang tumatanda ang isang lalaki, mahalagang mapanatili niya ang kalusugan ng kaniyang prostate gland.

 

Prostate Gland Function

 

Ang main function ng prostate gland ay ang tumulong na makabuo ng semen. Gumagawa ito ng isang alkaline fluid na humahalo sa sperm during ejaculation upang makabuo ng semen.

 

Bukod dito, ang iba pang main functions ng prostate ay ang mga sumusunod:

 

  • Pinoprotektahan ang urethra mula sa urinary tract infections (UTIs).
  • Kinokontrol ang daloy ng ihi sa urethra. Tinitiyak din nito na walang ihi na makakahalo sa sperm kapag ang isang lalaki ay nag-ejaculate.
  • Nagpoprodyus ng male hormones na dihydrotestosterone (DHT) na responsable sa male sex drive.
  • Nagsisilbing filter para sa sperm sa pamamagitan ng pagtanggal ng anumang toxins na pumipigil sa sperm sa paggawa ng trabaho nito.

 

Epekto ng Healthy Diet sa Prostate Gland

 

Walang konkretong ebidensya na nagpapatunay na kayang maiwasan ang iba't ibang prostate diseases sa pamamagitan ng good nutrition, ngunit ang healthy diet ay napatunayang nakakatulong na bawasan ang risks nito.

 

Ang isang meal o snack na maraming gulay at prutas ay isang smart idea para sa kalusugan in general, at partikular na sa isang malusog na prostate.

 

Narito ang ilan sa mga tinaguriang superfoods na dapat mong kainin upang palakasin ang iyong prostate health.

 

Mga Dapat Kainin Upang Maiwasan ang Prostate Cancer

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/variety-fresh-raw-organic-fruits-vegetables-383310013

 

  1. Watermelon

Ang prutas na ito ay fat-free, sodium-free, at mataas sa Vitamins A at C. Ang pakwan ay excellent source din ng lycopene – isang antioxidant na nagbibigay sa mga whole foods (tulad ng kamatis at pakwan) ng kanilang kulay.

 

Ayon sa mga pananaliksik, ang lycopene, na matatagpuan din sa mga pagkaing tulad ng kamatis, aprikot, pink grapefruit, bayabas, at papaya, ay maaaring makatulong na mapababa ang panganib sa prostate cancer.

 

  1. Berries

Ang berries tulad ng blackberry, raspberry, at strawberry ay mataas sa Vitamin C at antioxidants. Ang mga antioxidant ay may mahalagang papel sa ating katawan: pinipigilan nila ang damage mula sa free radicals. Ang free radicals ay molecules na umaatake sa healthy cells at maaaring mag-ambag sa cancer risk. Ang Vitamin C ay maaari ring makatulong sa paghupa ng mga sintomas ng benign prostatic hyperplasia (BPH) sa pamamagitan ng pagbawas ng pamamaga at ng pag-udyok sa iyo na umihi ng umihi.

 

  1. Beans

Ang beans ay mayaman sa nutrisyon. Ang isang tasa nito ay tinatayang may laman na 15 grams ng protina at 15 grams ng fiber, na maaaring magsulong ng prostate health.

 

Maaaring idagdag ang beans sa isang salad o gamiting pang palit sa tradisyunal na karne sa isang burrito o wrap. Samantala, ang hemp at chia seeds ay maaaring magamit sa oatmeal, shakes, at Greek yogurt.

 

  1. Nuts

Ang nuts ay hindi lamang good source ng vital nutrients tulad ng Vitamin E at calcium, mayaman din ito sa selenium – isang  uri ng mineral na nakakatulong sa pagpababa ng serum prostate-specific antigen (PSA) levels.

 

  1. Fish

Maraming rason kung bakit importanteng isama ang omega-3 fatty acid sa iyong diet. Ang omega-3s ay tumutulong sa pagpapababa ng bad cholesterol at pagpapataas ng good cholesterol levels. Nakakatulong din ito sa pagpapababa ng high blood pressure, pagbabawas ng timbang, at pagreredyus ng risk ng heart attack.

 

More Health Tips

 

Maliban sa superfoods na nabanggit, pinaniniwalaan din na ang pag-take ng supplements ay makakatulong sa pangangalaga ng prostate . Ang mga prostate supplements na ito ay gumagamit ng plant- o herb-based substances na pinipigilan ang prostate enlargement, nagpoprodyus ng stronger urine stream, at tumutulong na ganap na alisin ang laman ng iyong pantog kapag umiihi.

 

Ang Terazosin ay nakakatulong sa pagpapagaling ng urinary obstruction na dulot ng prostate problems. Ang starting dose ng Terazosin para sa lahat ng pasyente ay 1mg (night-time) para sa pitong araw na hindi dapat lumagpas sa unang linggo ng treatment. Ang dose ay maaaring taasan ng 2mg para sa sunod na labing-apat na araw, na susundan ng 5mg para ulit sa sunod na pitong araw.

 

Tandaan: Ang karaniwang inirerekumendang dose ay 5mg, isang beses sa isang araw. Ang maximum na daily dose ay 10mg.

 

Sources:

 

https://www.everydayhealth.com/pictures/superfoods-for-a-healthy-prostate

https://prostatecancernewstoday.com/2017/03/09/nine-things-the-prostate-gland-does

https://zerocancer.org/learn/current-patients/maintain-qol/diet-and-nutrition



What do you think of this article?