Mga Aktibidad na Mabuti sa Kalusugan | RiteMED

Mga Aktibidad na Mabuti sa Kalusugan

July 21, 2021

Mga Aktibidad na Mabuti sa Kalusugan

Lubos-lubos na pagbabago at stress ang ating kinakaharap dahil sa COVID-19 pandemic, mula sa ating mga trabaho hanggang sa pag-aaral ng ating mga anak at maging sa ating social lives. Ang ating “new normal” setting ay nagdulot din ng “new normal" challenges para sa ating lahat.

 

Ngayon, higit kailanman, ang pag-practice ng self-care ay napaka importante, lalo na pagdating sa pag-aalaga ng ating emotional health at well-being.

 

Basahin ang sumusunod na mga tips na tiyak na makakatulong sa iyo sa pagma-manage ng iyong stress at magbibigay sayo ng kaalaman kung paano magiging masaya at makabuluhan ang iyong araw lalo na ngayong panahon ng COVID pandemic.

 

Helpful Recreational Activities for Stress Management

 

  1. Mag-meditate.

Hindi mo kailangan ng special equipment o malaking espasyo para makapag-meditate; maaari mo itong gawin kahit saan, kahit kailan. Meditation entails deep thinking at mind focusing for a set period of time. Ang mga benepisyo: mababawasan ang iyong stress at sintomas ng depression at anxiety, at mare-regulate din ang iyong negative thinking.

 

 

 

  1. Mag-ehersisyo at maging aktibo.

Hindi ibig sabihin na madalas kang nasa loob ng bahay ay kailangan mo na ding magkulong sa iyong kwarto at humiga maghapon. Kahit nasa bahay, maaari kang maging aktibo at manatiling malusog. Ang pagiging alert at active ay hindi lamang nagpapanatili sa ating katawan na maging malusog physically (na ilalayo tayo sa panganib ng chronic health issues at bababaan ang ating chances na magkaroon ng acute illnesses tulad ng COVID-19), maaari din nitong i-boost ang ating mood at well-being. Ang pag-eehersisyo ay nagri-release ng endorphins (hormones that make you feel good), pinapatalas ang iyong memorya at focus, at tinutulungan kang makatulog ng maayos.

 

  1. Makinig sa masasayang awitin.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/beautiful-young-asian-woman-enjoy-drinking-1905889807

 

Patayin ang TV at makinig ng masasayang awitin. Ginagamit ng music therapy ang mga awitin upang tulungan ang mga tao na mag-cope sa kanilang physical o emotional needs. Napag-alaman din na ang musika ay nakakabawas ng sintomas sa mga taong may mood problems, tulad ng anxiety at depression, at nakakaangat ng self-esteem.

 

  1. Mag-social media lang kapag kinakailangan.

Binibigyan tayo ng social media at iba pang virtual tools ng pagkakataon na kumonekta sa ating mga kapamilya at kaibigan kahit na malayo sila sa atin. Gayunpaman, mayroon ding “unintended consequences” ang paggamit ng social media, lalo na kung sobra na ang paggamit dito. Paano mo nga ba ito magagamit wisely? Ayon sa mga eksperto, the more personal our social media interactions are, the better. Iwasan ang “mindless scrolling” sa Facebook; use social media intentionally. Maging mapili din sa kung sino ang ifa-follow at kung anong social media platform ang gagamitin. Mag-disconnect din paminsan-minsan. Subalit kung nalulungkot ka at pakiramdam mo ay isolated ka, tumawag at mag-share ng nararamdaman sa isang kapamilya o kaibigan. Gawin ito sa halip na mag-post at mag-share ng walang kabuluhan sa Facebook o iba pang social media platforms.

 

 

 

  1. Umiwas sa mga negatibong TV news.

At dahil nabanggit na din natin ang social media, idagdag na din natin ito. Importante na maging informed at alert tayo pagdating sa critical updates sa ating lugar, lalo pa kung related ito sa kalusugan. Gayunpaman, kung ang balita naman ay paulit-ulit na at madalas na negatibo at nakakalungkot, hindi mo na ito kailangang pakinggan. Nirerekomenda ng mga eksperto ang pag-limit sa news consumption, lalo na kung ito ay negatibo, ng dalawa hanggang tatlong sources sa isang araw upang maiwasan ang pagkabalisa na maaaring maramdaman dahil dito. Stress causes anxiety, kaya hangga't maaari, iwasan din ang pagbabasa ng balita bago matulog.

 

  1. Gawing stress reliever ang pagga-garden.

Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ang gardening ay maraming mental benefits. Ang paghahalaman, mapa-indoor man o outdoor man ito, ay nagbibigay ng level of engagement sa nasabing activity, at ito ay nagdadagdag sa mga benepisyo na ating nakikita sa pakikipag-interact sa kapaligiran.

 

Maliban sa mga recreational activities na ito, mahalaga rin na uminom ng vitamins tulad ng RM Sodium Ascorbate, lalo na ngayong naglipana na ang iba’t ibang klase ng virus. Mabisa ang vitamins na ito sa pagpapalakas ng memory at pagpapaganda ng mood. Nagpo-promote din ito ng better mental health, dahil ang ibang kondisyon tulad ng depression at anxiety ay madalas na nagdudulot ng nutrient deficiencies.

 

Sources:

https://www.everydayhealth.com/wellness/top-self-care-tips-for-being-stuck-at-home-during-the-coronavirus-pandemic

https://www.ageuk.org.uk/information-advice/coronavirus/staying-safe-and-well-at-home/keeping-busy-at-home

https://www.insider.com/how-to-keep-busy-when-stuck-at-home#donate-to-an-organization-supporting-communities-affected-by-the-coronavirus-5



What do you think of this article?