Mahiyain o Social Anxiety? Ano ang Pinagkaiba? | RiteMED

Mahiyain o Social Anxiety? Ano ang Pinagkaiba?

October 15, 2021

Mahiyain o Social Anxiety? Ano ang Pinagkaiba?

Hirap ka bang makipag-usap sa ibang tao? Nakakaranas ka ba ng sobrang kaba kapag magsasalita sa publiko? Likas ka lang bang mahiyain, o may social anxiety na?

 

Bahagi ng buhay ng tao ang pakikipagsalamuha sa kapwa, kahit sa mga taong hindi natin kilala. Bukod sa bahagi ng ating social need ang magkaroon ng interaksyon sa ibang tao, hindi rin ito lubos na maiiwasan sa pagtupad ng ating pang-araw araw na mga tungkulin.

 

May mga taong mahusay makipag usap sa mga tao sa iba’t ibang social situations. Mayroon din namang mahiyain at nahihirapang ipahayag ang saloobin at nais sabihin. May mga tao ring nakakaranas ng kaba kapag nakikipag usap sa ibang tao, lalo na sa mga hindi nila kilala. Kadalasan ito ay normal at humuhupa sa pagdaan ng oras o araw.

 

Subalit, mayroong iba na nakakaranas ng sobrang nerbyos at pagkabalisa kapag nalagay sa isang social situation tulad ng mga meetings o parties. Paano malalaman kung ito ay normal na pagiging mahiyain lamang o isa nang social anxiety disorder o social anxiety?

 

What is social anxiety?

 

Ang social anxiety disorder, o mas kilala bilang social phobia, ay isang pangkaraniwang uri ng mental disorder na kung saan nakakaranas ang tao ng matinding pagkabalisa kapag may ibang tao na nakikinig o nagmamasid sa kanya.  Ang kondisyong ito ay hindi naman nakakahawa o nagdudulot ng matinding pangamba sa pisikal na kalusugan, maliban na lamang sa ilang mga pagkakataon.

 

Ang mga sumusunod ay sintomas ng social anxiety disorder:

  1. Pakikipag-usap sa mga hindi kakilala sa anumang pagkakataon
  2. Public speaking
  3. Makipag-date
  4. Magkaroon ng eye contact
  5. Pagpasok sa mga kwarto na may tao
  6. Gumamit ng public restrooms
  7. Pumunta sa mga pagtitipon
  8. Kumain sa harap ng iba at/o maraming tao
  9. Pumasok sa eskwela o trabaho
  10. Mag-umpisa ng diskusyon

 

Ang taong may social anxiety disorder ay umiiwas sa lahat ng oras sa normal na pakikisalamuha sa ibang tao tulad ng pangangamusta o kahit eye contact. Ang mga bagay na ito ay maaaring magdulot ng ng stress araw-araw sa taong may social anxiety.

 

Ang iba naman ay maaaring nakakaranas ng isa o mahigit sa mga palatandaang nabanggit. Maaari rin naman na kaya nilang makisalamuha sa iilang mga tao, ngunit hirap sila kapag haharap na sa maraming tao.

 

Sa pangkalahatan, ang social anxiety ay nagdudulot ng lubos na takot na:

  1. Mahusgahan sa mga social situation o pagtitipon
  2. Mapahiya sa harap ng maraming tao, at mapakita ito sa pamamagitan ng panginginig, pamumula, at pagpapawis
  3. Masaktan ang ibang tao kahit hindi sinasadya
  4. Maging sentro ng atensyon

 

Physical symptoms ng social anxiety

Ang lahat ng tao ay maaaring makaranas ng anxiety paminsan-minsan. Normal ito at kadalasang hindi nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng karamihan. Ang physical symptoms ng social anxiety ay halos tulad din ng mga sintomas ng anxiety tulad ng mga sumusunod:

  1. Mabilis na tibok ng puso
  2. Muscle tension
  3. Pagkahilo
  4. Pagsakit ng tiyan at pagtatae
  5. Hindi makahinga
  6. “Out-of-body” sensation

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-woman-suffer-stomachache-518730067

 

Walang malinaw na sanhi ang social anxiety disorder, ngunit malaki ang tyansa na nakukuha ito sa genetics. Kung mayroon kang kapamilya na nakakaranas din ng parehong disorder, malaki ang posibilidad na magkaroon ka rin nito. Maaari ring sanhi ito ng iyong overactive amygdala, ang parte ng utak na responsable sa pagsabi ng takot.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng social anxiety ngunit madalas na naipapakita ito ng mga taong may edad 13 pataas. Maaari ring sanhi ito ng trauma, abuse, or pag bully noong kanilang kabataan.

 

Anong pwedeng gawin?

Kapag ang social anxiety ay nakakaapekto na sa iyong pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa tao, maaari kang kumuha ng suporta mula sa therapist. A therapist ay pwedeng makinig sa iyong nararanasan ng walang panghuhusga. Maaari ka ring magabayan kung paano ang tamang paraan ng pag manage ng iyong anxiety.

 

Sources:

https://www.webmd.com/anxiety-panic/guide/mental-health-social-anxiety-disorder

https://www.healthline.com/health/anxiety/introvert-vs-social-anxiety#shyness


What do you think of this article?