Gamot sa Sunburn | RiteMED

Gamot sa Sunburn

May 26, 2021

Gamot sa Sunburn

Ano ang Sunburn?

Sunburn ang tawag sa mapula, minsan ay namamaga, at masakit na balat na sanhi ng sobrang pagkaka-expose sa ultraviolet (UV) rays mula sa araw. Ito ay maaaring i-categorize mula sa mild hanggang sa severe.

 

Sanhi ng Sunburn

Tulad ng nabanggit, ang sunburn ay ang pagkasunog ng balat dahil sa araw. Sa ilalim ng balat, ang mga bagay ay nagiging mas komplikado. Ang araw ay nagbibigay ng tatlong wavelengths ng ultraviolet light:

  1. Ultraviolet A (UVA)
  2. Ultraviolet B (UVB)
  3. Ultraviolet C (UVC)

Hindi naaabot ng UVC light ang surface ng Earth. Samantala, ang dalawang uri ng ultraviolet light ay hindi lamang kayang abutin ang iyong beach towel, tumatagos rin ito sa balat. Dahil dito, masasabi natin na ang pinsala sa balat ay sanhi ng UVA at UVB rays.

Ang sunburn ay ang pinaka-obvious sign na masyado ka nang matagal na naka-stay sa labas. Ngunit ang sun damage ay hindi laging nakikita. Under the surface, kayang baguhin ng ultraviolet light ang iyong DNA, na magpapatanda sa iyong balat. Sa paglipas ng panahon, ang pinsala ng DNA ay maaaring mag-ambag sa skin cancers, kabilang na ang nakamamatay na melanoma.

Ang pagkakaroon ng sunburn ay nakadepende sa sumusunod:

  • Uri ng iyong balat
  • Tindi ng init ng araw
  • Gaano ka katagal nagbabad sa araw

 

Sintomas ng Sunburn

Iba-iba ang sintomas ng sunburn sa tao. Ang minor sunburns ay karaniwang nagreresulta ng slight redness at tenderness sa affected areas. In more serious cases, maaaring magkaroon ng blistering. Ang extreme sunburn ay maaaring sumakit ng husto na umaabot sa debilitation o malubhang kalagayan at maaaring mangailangan ng pangangalaga sa ospital.

 

Kadalasan, sa mga severe cases, ang mga sintomas ay:

  • Lagnat
  • Panginginig
  • Pagduduwal at pagsusuka
  • Panghihina ng katawan

 

Sa extreme cases naman, ang sintomas ng shock ay maaaring maramdaman, tulad ng:

  • Low Blood Pressure
  • Fainting
  • Extreme Weakness

 

How to Treat Sunburn

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/on-beach-portrait-beautiful-young-asian-1823846909 

 

  • As a sunburn remedy, gumamit ng moisturizer na naglalaman ng aloe vera o soy. Maaari ka ring gumamit ng hydrocortisone cream na nabibili kahit walang reseta.

 

  • Ang madalas na pagligo ay nakakatulong sa pagpawi ng sakit o hapdi. Pagkatapos maligo, dahan-dahang patuyuin ang iyong sarili, ngunit mag-iwan ng kaunting tubig sa iyong balat. Pagkatapos, maglagay ng moisturizer upang matulungan na ma-trap ang tubig sa iyong balat. Nirerekomenda ng mga espesyalista ang paggamit ng physical sunscreens tulad ng sunblock lotions with a minimum SPF of 30.

 

  • Ikonsider ang pag-inom ng aspirin o ibuprofen upang makatulong na mabawasan ang anumang pamamaga, pamumula, at discomfort.

 

  • Ang pag-inom ng maraming tubig ay isa ring sunburn treatment. Kinukuha ng sunburn ang mga likido sa surface ng ating balat. Dahil dito, ang pag-inom ng maraming tubig kapag may sunburn ay makakatulong na maiwasan ang pagkatuyo.

 

  • Kung ang iyong balat ay may paltos o blister, hayaang gumaling ito. Ang pamamaga ng balat ay nangangahulugang mayroon kang second-degree sunburn. Huwag mong i-pop ang mga paltos dahil ang mga ito ay nagfo-form upang tulungan ang iyong balat na pagalingin at protektahan ka mula sa impeksyon.

 

Bagaman ang sunburn ay maaaring pansamantalang kondisyon lamang, ito ay maaaring maging sanhi ng pangmatagalang pinsala sa balat. Ang pinsala na ito ay nakakadagdag sa panganib sa isang tao na magkaroon ng skin cancer, na nagiging kritikal upang protektahan ang balat mula sa araw.

 

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/176441

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sunburn/symptoms-causes/syc-20355922

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/sunburn

https://www.aad.org/public/everyday-care/injured-skin/burns/treat-sunburn

 



What do you think of this article?