Gamot sa Sleep Apnea | RiteMED

Gamot sa Sleep Apnea

May 26, 2021

Gamot sa Sleep Apnea

What is sleep apnea? Is it a serious illness? Bakit kailangang mangamba kung mayroon nito?

 

Sleep Apnea Meaning

Ang sleep apnea ay isang serious sleep disorder na nangyayari kapag ang paghinga ng isang tao ay nagagambala habang natutulog. Ang mga taong may untreated sleep apnea ay humihinto sa paghinga ng paulit-ulit (kung minsan ay daan-daang beses) habang natutulog. Nangangahulugan ito na ang utak at ang natitirang bahagi ng katawan ay maaaring hindi makakuha ng sapat na oxygen.

 

Types of Sleep Apnea

May dalawang uri sleep apnea: ang obstructive sleep apnea at central sleep apnea.

 

  1. Obstructive sleep apnea (OSA)

Ito ang mas karaniwan sa dalawang uri ng apnea. Ang OSA ay sanhi ng isang pagbara ng daanan ng hangin, karaniwang nangyayari kapag ang malambot na tisyu sa likod ng lalamunan ay bumabagsak habang natutulog.

 

  1. Central sleep apnea

Hindi tulad ng OSA, ang daanan ng hangin sa central sleep apnea ay hindi nahaharangan, ngunit hindi kaya ng utak na senyasan ang mga kalamnan na huminga dahil sa instability sa respiratory control center.

 

Sleep Apnea Symptoms

Ang mga palatandaan at sintomas ng obstructive at central sleep apneas ay nag-ooverlap, dahilan kung bakit minsan ay mahirap matukoy kung aling uri ang mayroon ang isang tao.

 

Ang pinaka karaniwang mga palatandaan at sintomas ng central at obstructive sleep apneas ay ang sumusunod:

  • Malakas na hilik
  • Mga episode kung saan huminto ka sa paghinga habang natutulog (na maiuulat ng ibang tao)
  • Hingal na hingal sa hangin habang natutulog
  • Paggising na may tuyong bibig
  • Sakit ng ulo sa umaga
  • Nahihirapan makatulog (insomnia)
  • Labis na pagka antok sa araw (hypersomnia)
  • Hirap sa pagbibigay pansin habang gising
  • Pagkakairita

 

Sleep Apnea Treatment

Ang sleep apnea ay isang seryosong sakit sa pagtulog na kailangang gamutin. Narito ang ilang tips na maaari mong gawin upang tuluyan nang mawala ang pinoproblema mong ito.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/middle-age-asian-man-sleeping-his-681522346

 

  • Gumamit ng Continuous Positive Airway Pressure.

Ang continuous positive airway pressure o CPAP ay isang machine na gumagamit ng isang steady stream ng hangin upang dahan-dahang mapanatiling bukas ang iyong airway sa buong gabi upang makahinga ka. Sa CPAP, matutulog ka na may mask na may nakasabit na hose, na nakakabit rin sa isang makina.

 

  • Subukan ang positional therapy.

Ang positional therapy ay isang behavioral strategy na ginagawa upang gamutin ang positional sleep apnea. May mga tao na may sleep apnea kapag natutulog sila ng nakatihaya. Bumabalik lang sa normal ang kanilang paghinga kapag natutulog na sila ng nakatagilid. Sa positional therapy, maaari kang pasuotin ng isang espesyal na aparato sa paligid ng iyong baywang o likod. Papanatilihin ka nitong matulog ng nakatagilid. Ang isa pang pagpipilian ay isang maliit na aparato na isinusuot sa likod ng leeg. Dahan-dahan itong nagva-vibrate kapag nagsimula ka nang tumihaya habang natutulog. Ang vibration na ito ang magsisilbing reminder ng iyong katawan na bumalik sa pagkakatagilid habang natutulog ka.

 

 

Sources:

https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-apnea/sleep-apnea

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sleep-apnea/symptoms-causes/syc-20377631

https://www.medicalnewstoday.com/articles/178633#treatment

https://sleepeducation.org/sleep-disorders/sleep-apnea



What do you think of this article?