Epekto ng Quarantine sa Mental Health ng Mga Anak Natin | RiteMED

Epekto ng Quarantine sa Mental Health ng Mga Anak Natin

October 15, 2021

Epekto ng Quarantine sa Mental Health ng Mga Anak Natin

Para maprotektahan sila sa kumakalat na Covid virus, ang mga bata sa panahon ngayon ay laging nasa bahay lamang. Bagama’t ito ay para rin sa kanilang safety, hindi maipagkakaila na ang quarantine ay may negatibong epekto rin sa mental health ng mga kabataan.

 

Kung kaya’t mahalagang malaman kung paano nga ba nakakaapekto ang quarantine sa mental na kalusugan ng mga bata. Anu-ano ang pwedeng gawin para maprotektahan ito?

 

Ang kahulugan ng mental health ay ang kalagayan o estado at kalusugan ng ating isipan. Nakakaapekto ang quarantine at lockdown sa mental health ng lahat ng tao, bata man o matanda.

 

Ngunit di tulad ng matatanda, hindi pa alam ng mga bata ang mga bagong emosyon na nararamdaman nila ngayong panahon ng pandemic. Maaari ring hindi nila alam kung paano ito sabihin at ipaliwanag sa kanilang mga magulang o tagapangalaga. 

 

Mga nakakaapekto sa mental health ng mga bata

 

Ayon sa isang pag-aaral, lumalala ang mental health ng mga bata sa tuwing nasa hindi magandang kalagayan ang ekonomiya, tulad noong panahon ng Great Recession. Kaya’t inaasahang mas malala pa kaysa noon ang kondisyon ng mental health sa panahon ng pandemya. Bilang magulang o tagapangalaga, alamin ang mga nakakaapekto sa kalusugan at well-being ng mga bata.

 

Ilan ang mga sumusunod sa mga posibleng pinagdadaanan ng mga bata sa panahon na ito:

 

  1. Kalungkutan — May kaugnayan ang kalungkutan sa mental health problems ng mga bata. Posibleng dahilan nito ay ang pagkakawalay nila sa kanilang mga kaibigan. Bahagyang makakatulong sa pagbawas ng kalungkutan at pagpapabuti ng emotional health ang patuloy na pagpapadama sa kanila na hindi sila nag iisa sa mga pinagdadaanan nila sa panahon ng quarantine.

 

  1. Pag-aalala tungkol sa pag-aaral at sa hinaharap — Ang kakulangan sa contact sa ibang tao, pagkainip, ang hindi pagpasok sa eskwela, at kawalan ng katiyakan sa hinaharap ay nakakaapekto sa mental health at well-being ng mga bata.

 

Paano susuportahan ang mga anak

 

  1. Pagtanggap sa kanilang karanasan — Ipaalam sa mga anak na ang mga karanasan nila ay nakikita natin. Mahalagang i-acknowledge ng mga magulang na mayroon at tunay ang anxiety at stress na nararamdaman nila.

 

Makakabuti ring ipaalam sa kanila na makakabalik rin sila sa paaralan, at ipakita kung ano ang mga ginagawa para maganap ito ng ligtas sa hinaharap.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-family-living-room-1790658551

 

 

  1. Patuloy na pag-uusap tungkol sa COVID-19 — dapat patuloy na bigyang kaalaman ang mga bata tungkol sa kalagayan ng pandemya, bigyan sila ng update tungkol sa mga dapat sundin at gawin para sa kalusugan, at suportahan ang kanilang mental, emotional at physical health.

 

  1. Pagsuporta sa mental health at wellbeing — Ang regular na pakikipag-usap sa pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng video chat ay malaking tulong sa mental wellness ng mga bata. Bukod dito, importante rin na bigyan sila ng masasayang activities sa bahay. Mahalaga rin ang pag-eehersisyo sa pamamagitan ng paglalaro at iba pang physical activities  sa pagprotekta ng mental and physical health ng mga bata.

 

Importante ang role ng mga magulang at tagapangalaga sa pagprotekta sa mental health ng mga bata sa panahon ng pandemya. Sa tulong ng pagmamahal at pang-unawa ng mga taong pinagkakatiwalaan nila, healthy environment sa bahay at mga masaya at kapakipakinabang na activities, mapoprotektahan ang mental health ng mga bata.


 

Sources:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7372688/

https://time.com/5870478/children-mental-health-coronavirus/



What do you think of this article?