Epekto ng non-acidic Vitamin C gaya ng Sodium Ascorbate | RiteMED

Epekto ng non-acidic Vitamin C gaya ng Sodium Ascorbate

March 22, 2019

Epekto ng non-acidic Vitamin C gaya ng Sodium Ascorbate

Ano ang pinagkaiba ng ascorbic acid at sodium ascorbate? Saan naman sila nagkaka-pareho pagdating sa epekto sa katawan?

Taglay ng dalawa ang vitamin C -- isang uri ng bitamina na mahalaga para sa ating katawan sapagka’t nakakapagpanatili ito ng kalusugan ng ating balat, ngipin, buhok, gilagid. Napakahalaga ng vitamin C dahil nakakatulong ito sa pagpapabagal ng paglabo ng mga mata at paghina ng buto.

Bagama’t pareho silang may vitamin C, ang sodium ascorbate ay inirerekomenda para sa mga taong acidic o laging sinisikmura. Ang taong acidic ay may kondisyon kung saan ang kanilang katawan ay nagpo-produce ng madaming acid sa tiyan.

Ang sodium ascorbate ay may kasamang sodium na tumutulong sa pagpapababa ng acidity level ng vitamin C sa katawan. Dagdag pa dito, nagagawa ng sodium na mas mapakapit, mapadali ang pag-absorb, at mapanatili ang vitamin C sa loob ng katawan, nang sa ganun ay makuha natin ang kabuuang epekto nito.

Mga sakit at karamdaman na maiiwasan sa tulong ng non-acidic vitamin C

Para sa mga taong acidic, mahalagang alamin ang acid level ng isang gamot upang makaiwas sa anumang kumplikasyon o anumang pinsala na maaaring idulot nito.

Ang pag-inom ng non-acidic vitamin C gaya ng sodium ascorbate ay halos walang pinagkaiba sa ascorbic acid pagdating sa overall health benefits . Pero napakalaki ang naitutulong nito sa pag-iwas sa mga sumusunod na sakit at karamdaman:

  • Abdominal Pain
  • Hyperacidity
  • Diarrhea
  • Heartburn
  • Stomach Irritation

Mga alternatibong source ng vitamin C na non-acidic

Upang makaiwas sa mga pinsala na dala ng mababang tolerance sa acid ng iyong tiyan, narito ang mga prutas na mayaman sa vitamin C na ligtas kainin:

  1. Berries

undefined

Photo from unsplash

2. Tomato

undefined

Photo from unsplash

3. Red and Green Peppers

undefined

Photo from unsplash

5. Mangoes

undefined

Sodium Ascorbate - May RiteMed ba nito?

Para sa tuloy-tuloy na pag-intake ng vitamin C nang hindi sinisikmura, inirerekomenda ang RiteMED Sodium Ascorbate. Isa itong food supplement na ligtas at mainam inumin araw-araw para maka-iwas sa vitamin C deficiency at iba pang mga sakit.

Siguraduhing kumonsulta muna sa inyong doktor bago uminom ng mga food supplements gaya nito.

Sources:

https://www.ritemed.com.ph/articles/sodium-ascorbate-vs-ascorbic-acid-ano-ang-pinagkaiba-
https://naturesown.com.au/healthy-living/health-advice/benefits-of-non-acidic-vitamin-c/
https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-benefits
https://www.livestrong.com/article/444235-foods-containing-vitamin-c-but-no-citric-acid/

 

 


What do you think of this article?
Thanks for your rating!