Early Warning Signs of Diabetes | RiteMED

Early Warning Signs of Diabetes

November 15, 2021

Early Warning Signs of Diabetes

Isa ang Pilipinas sa mga bansa na mayroong mataas na rate ng diabetes sa Western Pacific region. Sa bilang na 5 milyong Pilipinong mayroong diabetes, pang-lima ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso sa rehiyon. Ngunit ano nga ba ang diabetes at saan ito nagmumula? Paano mo masasabi na mayroon ka nito (diabetes symptoms), ano ang sanhi nito (diabetes causes), at ano ang mga maaaring gawin upang magamot at malunasan ito (diabetes treatment)?

 

Ang diabetes ay isang chronic illness na resulta ng labis na glucose (sugar) sa iyong daluyan ng dugo. Ang kadalasang sanhi nito ay kapag hindi nakakapag-produce ang pancreas ng sapat na insulin na tumutulong sa regulasyon ng glucose level sa katawan, na nakakapag dulot naman ng biglaang pagtaas ng iyong blood sugar. Maaaring magdulot ng iba’t iba pang karamdaman ang diabetes gaya ng sakit sa puso, vision problems, at maging impotence sa mga kalalakihan.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/stressed-overworked-mixed-race-business-woman-1942678462

 

Paano mo masusuri o masasabi na mayroon ka ng diabetes? Ilan sa mga warning signs ang mga sumusunod:

  1. Gutom at pagkapagod – Kung kapansin pansin ang labis na pagod at pagkagutom, maaari mo ng ipasuri kung diabetes nga ba ito. Ito ay resulta ng kakulangan ng insulin sa katawan o kapag hindi kayang tanggapin ng mga cell sa iyong katawan ang insulin, rason upang hindi makapag produce ng sapat na glucose sa iyong katawan. Ang glucose ang siyang nagbibigay ng enerhiya sa pang araw-araw.
  2. Madalas na pag-ihi at pagka-uhaw – Mas madalas ang pag-ihi at pagkauhaw ng mga taong may diabetes sapagkat tumataas ang iyong blood sugar at hindi na ito kinakaya i-absorb ng iyong kidney. Nagreresulta ito ng labis na pag-ihi at pag-inom.
  3. Dry mouth at itchy skin – Dahil mas madalas ang iyong pag-ihi, mas kumukonti ang moisture sa iyong katawan. Nagreresulta ito ng dehydration at maaaring magkaroon ng dry mouth at makating dry skin.
  4. Blurred vision – Ang pagbabago ng fluid level sa iyong katawan ay nagdudulot ng pag-iba ng lenses ng iyong mata.

 

Maaaring magpa urine test upang matukoy kung may diabetes ang isang tao. Lagi lamang alalahanin na kumonsulta sa doktor o espesyalista bago sumailalim sa anumang treatment o gamutan upang matiyak ang kaligtasan mo.

 

Sources:

https://www.unilab.com.ph/articles/how-do-i-know-if-i-have-diabetes-undefined

https://www.webmd.com/diabetes/guide/understanding-diabetes-symptoms

 



What do you think of this article?