Disinfect Tayo! Household Items na Perfect Pang-Disinfect | RiteMED

Disinfect Tayo! Household Items na Perfect Pang-Disinfect

November 15, 2021

Disinfect Tayo! Household Items na Perfect Pang-Disinfect

Ang regular na paghuhugas ng kamay, consistent social distancing, pagsusuot ng mask sa publiko, at madalas na pagdi-disinfect ng mga high-touch objects ay ilan lamang sa mga pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 – ang impeksyon sa paghinga na dulot ng novel coronavirus.

 

Ngunit pagdating sa paglilinis ng mga high-touch objects – tulad ng cellphone, computer, door knob, sink faucets, at light switches – anong disinfectants nga ba ang pinakamabisa para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19?

 

Narito ang ilang cleaning agents na matatagpuan sa ating mga bahay na best gamitin to disinfect:

 

Six Cleaning Tools na Perfect Pang-Disinfect

 

  1. Bleach

Ang household bleach (tulad ng chlorine bilang sodium hypochlorite) ay isa sa pinakamahusay na panlinis sa bahay na magagamit laban sa anumang virus. For effective use, i-dilute ang kalahating tasa ng bleach sa isang galon ng mainit na tubig. Kumuha ng tela o basahan, ilublob ito sa mixture at pigaan, at ipunas sa mga surfaces tulad ng mga mesa, upuan, doorknob, switch ng ilaw, remote, handle, mesa, lababo, at iba pa.

 

 

 

  1. Disinfectant sprays

Ang disinfectant sprays ay pumapatay ng hanggang 99.9% ng fungi, virus, at bacteria. Mag-spray lang sa mga lugar na posibleng may impeksyon, tulad ng mga door knob at muwebles, at hayaan ang spray na gawin ang trabaho nito, para sa madaling paglilinis.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/woman-cleaning-gloves-using-alcohol-spray-1802304679

 

  1. Disinfectant wipes

Ang mga disposable cleaning wipes ay mayroong germ-killing solution. Idinesenyo ang mga ito upang pumatay ng viruses at bacteria sa hard surfaces tulad ng doorknobs, TV remotes, at maging sa cellphones. Gayunpaman, hindi sila ginagamit sa mga soft surfaces tulad ng mga damit at upholstery.

 

  1. Detergents

Ang ilang detergent o sabon na panlaba ay maaari ding gamitin sa paglilinis ng bahay. Ang detergents ay "naglo-loosen" ng dumi, at kung ang  complex soluble phosphates (na tinatawag na “builders”) ay idinagdag sa isang detergent, naaalis nila ang oily dirt. Kung may idinagdag na builder, siguraduhin na ang produktong panlinis ay may markang “heavy duty” o “all-purpose.”

 

  1. Sanitizers

Ang sanitizers ay mga kemikal na nagpapababa ng bilang ng bacteria at kadalasang ginagamit sa paghuhugas ng mga pinggan at paglilinis ng mga banyo. Nakatutulong din ang mga ito sa pag-deodorize ng mga surface dahil pinapatay nila ang microorganisms na lumilikha ng amoy.

 

  1. Spirit solvents

Maliban sa pesticides at sa mga cleaning at degreasing materials sa ating mga bahay, karamihan sa mga polishes at wax para sa mga kasangkapang gawa sa kahoy at sahig ay naglalaman ng spirit solvent. Ang mga solvent na ito ay katulad ng mga likidong ginagamit sa dry-cleaning processes dahil inaalis nila ang oily dirts tulad ng detergents.

 

Protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban sa COVID-19 virus sa pamamagitan ng pag-iimbak ng nabanggit na mga cleaning agents at paggamit ng mga ito nang madalas hangga't kinakailangan. Tandaan, sa panahon natin ngayon, mas mainam na ang maging mapanuri pagdating sa kalinisan; para ito sa ating kalusugan at kaligtasan.

 

Sources:

https://fmolhs.org/coronavirus/coronavirus-blogs/best-household-cleaners-to-help-kill-covid-19

https://www.munciesanitary.org/departments/recycling/household-hazardous-waste/household-cleaning-products/

https://www.mdanderson.org/cancerwise/disinfectants-101-9-things-to-know-about-using-household-cleaning-products-to-prevent-coronavirus-covid-19-spread.h00-159381945.html

https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/prevention/Pages/Cleaners-Sanitizers-Disinfectants.aspx



What do you think of this article?