Dengue sa Bata at Matanda: May Pinagkaiba Ba? | RiteMED

Dengue sa Bata at Matanda: May Pinagkaiba Ba?

November 15, 2021

Dengue sa Bata at Matanda: May Pinagkaiba Ba?

What is dengue?

 

Ang dengue ay isang mosquito-borne, acute febrile illness na itinuturing na isang mahalagang public health problem sa mga tropical countries. Hindi ito direktang kumakalat mula sa isang tao na may dengue fever patungo sa ibang tao. Nalilipat lang ito sa pamamagitan ng kagat ng isang Aedes mosquito na infected ng virus. Nagiging infected naman ang lamok kapag nakakagat ito ng isang tao na may dengue virus sa katawan.

 

Noong early 1950's, ang sakit na dengue ay inilarawan sa Pilipinas bilang hemorrhagic fever o infectious acute thrombocytopenic purpura. Ang dengue ay patuloy na nagdudulot ng malaking pag-aalala sa bansa dahil sa malawakang endemicity nito, minimal na tagumpay ng mga vector control strategies, posibilidad ng malubhang sakit na dulot ng sunud-sunod na impeksyon ng ibang serotype, potential fatal outcomes, at sa kahihinatnan ng social at economic burden. Ang apat na dengue virus serotypes ay kumakalat sa bansa kung saan ang sakit ay pangunahing naiulat sa mga bata.

 

Kahit sino ay pwedeng magkaroon ng dengue. Subalit ayon sa mga pananaliksik, mas prone ang mga sanggol at senior citizens sa komplikasyon kapag nagkakaroon sila ng dengue dahil sa kanilang weaker immune system.

 

Narito ang ilang dengue symptoms na kadalasan na nararanasan ng mga taong tinamaan ng nasabing mosquito-borne disease:

 

Symptoms of Dengue

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/patients-lying-room-she-had-severe-303055772

 

  • Biglaan at mataas na lagnat
  • Matinding pananakit ng ulo
  • Sakit sa likod ng mata
  • Matinding pananakit ng kasukasuan at kalamnan
  • Pagkapagod
  • Pagduduwal/pagsusuka
  • Pantal sa balat (na lumilitaw dalawa hanggang limang araw pagkatapos ng simula ng lagnat)
  • Banayad na pagdurugo (tulad ng pagdurugo ng ilong, pagdurugo ng gilagid, o easy bruising)

 

Minsan, ang mga sintomas ay banayad at maaaring mapagkamalan na mga sintomas ng trangkaso o ibang viral infection. Ang mga bata at mga taong hindi pa nagkakaroon ng impeksyon noon ay may posibilidad na magkaroon ng mas mild na mga kaso kumpara sa adults. Gayunpaman, maaari silang magkaroon ng malubhang problema. Kabilang dito ang dengue hemorrhagic fever (isang bihirang komplikasyon na nailalarawan ng sobrang taas na lagnat), pinsala sa lymph at mga daluyan ng dugo, pagdurugo mula sa ilong at gilagid, paglaki ng atay, at circulatory system failure. Ang mga sintomas ay maaaring lumala--tulad ng massive bleeding, shock, at maging kamatayan. Ito ay tinatawag na dengue shock syndrome (DSS).

 

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue?

 

Maliban sa pag-consume ng masustansyang pagkain at pagsasagawa ng regular na ehersisyo, kailangan din natin palakasin ang ating immune system upang maiwasan natin ang komplikasyon ng dengue.

 

Kung ikaw naman ay madalas sa lugar na pinamumugaran ng lamok, makakabuting gumamit ng insect repellant tulad ng Ritemed Denguetrol. Ang Denguetrol ay nagbibigay ng proteksyon sa loob ng 4-8 hours kontra sa mga lamok. Pwede itong gamitin sa mga may sensitibong balat sapagkat ito ay dermatologically-tested o nasuri nang mabuti ng mga doktor na safe gamitin para sa mga bata at matanda.

 

Sources:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6483330

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/dengue-fever-reference

https://www.ritemed.com.ph/articles/sintomas-ng-dengue-sa-matanda-at-bata



What do you think of this article?