Debunking Myths Tungkol sa Covid-19 Vaccine | RiteMED

Debunking Myths Tungkol sa Covid-19 Vaccine

August 18, 2021

Debunking Myths Tungkol sa Covid-19 Vaccine

Tulad ng anumang bagong teknolohiya, ang COVID-19 vaccine ay naging target ng maling impormasyon. Malamang may mga naririnig ka ng maling balita sa social media o mula sa ibang tao tungkol sa bakunang ito.

 

Ngunit bago maniwala agad, mahalagang alamin muna ang katotohanan tungkol sa bakunang ito. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga karaniwang myths tungkol sa COVID vaccine na walang basehan o katotohanan.

 

 

Myth #1: Ang pagbabakuna ay isang eksperimento pa lamang

 

Fact: Ang mga naaprubahang COVID vaccine ay sumailalim sa masusi at mabusising proseso sa pamamagitan ng Emergency Use Authorization (EUA).

 

Ang EUA ay isang pahintulot na ipinagkaloob para sa pag-assess ng mga hindi nakarehistro (under development) na mga bakuna o gamot sa panahon ng mga public health emergency. Nilalayon nitong mapabilis ang pagkakaroon ng bakuna o gamot sa mga taong apektado para mapabilis din ang covid 19 prevention.

 

Myth #2: Mahal ang bakuna

 

Fact: Sa ngayon, ang mga COVID vaccine ay libre, lalo na para sa priority groups. Ang gastos ng mga bakuna para sa mga taong nasa priority groups ay sagot ng gobyerno.

 

Myth #3: Binabago ng COVID-19 vaccine ang DNA

 

Fact: Ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi binabago ang iyong DNA sa anumang paraan. Alinman sa mRNA at viral vector COVID-19 vaccine ay iisa lang ang layunin: maghahatid ng mga instruction (genetic material) sa ating mga cell upang simulan ang pagbuo ng proteksyon laban sa virus na sanhi ng COVID-19. Gayunpaman, ang genetic material ay hindi kailanman pumapasok sa nucleus ng cell, kung saan naroon ang ating DNA.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/close-doctor-holding-syringe-using-cotton-1767084407

 

Myth #4: Ang mga bakuna ay hindi ligtas dahil minamadali ang mga ito

 

Fact: Maraming mga pharmaceutical company ang namuhunan nang malaki sa mabilis na pagbuo ng isang COVID-19 vaccine para sa COVID-19 prevention. Ang pandemyang nararanasan natin ngayon ay nangangailangan ng isang emergency response ngunit hindi ito nangangahulugan na na-bypass ng mga kumpanya ang mga safety protocol o hindi sila nagsagawa ng sapat na testing. Ang mga bakuna ay sumailalim at nakapasa sa malawak na clinical trial. Sila din ay pinagkalooban ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) at itinuturing na ligtas at epektibo batay sa mga ebidensya available ngayon.

 

Myth #5: Magkakaroon ka ng COVID dahil sa bakuna

 

Fact: Wala sa mga awtorisadong COVID vaccine ang naglalaman ng live na virus na sanhi ng COVID-19. Nangangahulugan ito na hindi ka magkakasakit ng COVID kung nagpabakuna ka. Ang mga COVID-19 vaccine ay nagtuturo lamang sa ating mga immune system kung paano makilala at labanan ang virus na sanhi ng COVID-19. Ginagaya ng mga bakuna ang virus na nagdudulot ng sakit at hinahayaan ang ating katawan na gumawa ng antibodies. Ang mga antibodies na ito ay nagbibigay sa atin ng proteksyon sa sandaling tayo ay nahawahan ng aktwal na COVID virus. Minsan ang prosesong ito ay maaaring maging sanhi ng mga sintomas, tulad ng lagnat. Normal ang mga sintomas na ito at palatandaan na ang katawan ay gumagawa ng proteksyon laban sa virus na sanhi ng COVID-19.

 

Myth #6: Hindi na kailangang sundin ng mga safety protocol pagkatapos ng pagpapabakuna

 

Fact: Pinoprotektahan ka ng mga COVID-19 vaccine mula sa malubhang karamdaman. Ngunit hindi pa alam sa ngayon kung pipigilan ka ng bakuna na mahawahan at mailipat ang virus sa iba. Kaya't kahit na tapos ka nang mabakunahan, kailangan mo pa ring sundin ang COVID-19 prevention protocols upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iba. Magsuot ka pa rin ng mask at umiwas sa matataong lugar. Ang pagsunod sa mga safety protocol ay mahalaga hangga't hindi pa natatapos ang pandemya.

 

Myth #7: Ang mga side-effects ng COVID-19 vaccine ay malubha.

 

Fact: Tulad ng lahat ng iba pang mga bakuna, may mga risk ng komplikasyon sa pagpapabakuna ng COVID vaccine ngunit ang mga malubhang o life-threatening na mga reaksyon ay napakabihira. Ang mga kilalang epekto ay pareho lamang sa iba pang mga bakuna sa flu. Ang benepisyo ng proteksyon laban sa matinding COVID-19 ay mas malaki kaysa sa risks na ito. Sinumang magpapabakuna ay maayos na susuriin at maingat na subaybayan ng mga propesyonal upang higit na mabawasan ang anumang peligro.

 

Myth #8: Hindi na mahahawaan ng COVID ang mga magpapabakuna

 

Fact: Dahil ang mga bakuna ay hindi 100% epektibo sa pag-iwas sa impeksyon, ang ilang mga taong fully-vaccinated ay makakakuha pa rin ng COVID-19. Gayunpaman, sila ay hindi magkaroon ng severe symptoms kumpara sa mga hindi nabakunahan ng COVID-19 vaccine. Nangangahulugan ito na mas mababa ang tyansya nilang ma-ospital o mamatay dahil sa COVID.

 

Myth #9: Walang saysay ang mga bakuna dahil ang mga kaso ay patuloy na tumataas araw-araw

 

Fact: Dahil sa COVID vaccine, magkakaroon tayo ng Herd Immunity kung saan 80% ng populasyon ay dapat mabakunahan. Ngunit kahit na hindi pa natin ito nakakamit, kaya pa ring protektahan ng COVID-19 vaccine ang karamihan sa mga tao mula sa pagkakaroon ng sakit sa COVID-19. Kung ikaw ay fully vaccinated, ang overall risk na ikaw ay ma-ospital o mamatay dahil sa COVID-19 ay mas mababa kaysa sa mga hindi nabakunahan.

 

Myth #10: Nagiging magnetic ang mga nagpapabakuna

 

Fact: Ang pagpapabakuna ng COVID vaccine ay hindi ka gagawing magnetic. Ang mga bakuna na ito ay hindi naglalaman ng mga sangkap na maaaring makagawa ng isang electromagnetic field sa iyong katawan. Ang lahat ng COVID-19 vaccine ay wala ding halong metal.

 

Myth #11: May microchip ang mga bakuna

 

Fact: Ang mga COVID-19 vaccine ay walang mga microchip. Ang mga bakunang ito ay binuo upang labanan ang sakit at hindi para subaybayan ka. Pinapatibay ng mga ito ang immune system natin laban sa COVID at hindi nagi-install ng microchip sa ating katawan. Ang mga bakunang ito rin ay ginagamit lamang para sa prevention of COVID-19 at hindi para sa ano pa mang layunin.

 

Myth #12: Ang mga bakuna ay nagdudulot ng fertility problems

 

Fact: Inirerekomenda ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine para sa lahat na 12 taong gulang pataas, kasama ang mga taong sumusubok na mabuntis ngayon o maaaring mabuntis sa hinaharap. Sa kasalukuyan, walang ebidensya na nagpapatunay na ang anumang mga bakuna, kabilang ang mga COVID vaccine, ay nagdudulot ng mga fertility problem o nagpapababa ng tyansya mong mabuntis.

 

Ang pagpapabakuna ay mahalaga para sa lahat at para mabuo natin ang Herd Immunity na makakatulong sa pagpigil ng patuloy na dumadaming kaso ng COVID-19 sa bansa. Alamin ang katotohanan sa bakunang ito bago tuluyang matakot sa COVID 19 vaccine Philippines.

 

Sources:

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/facts.html

https://doh.gov.ph/faqs/vaccines

https://psu.edu.ph/ssaao-mds-commence-webinar-series-on-vaccine-awareness/



What do you think of this article?