Covid-19 Vaccine Side Effects o Allergic Reactions? | RiteMED

Covid-19 Vaccine Side Effects o Allergic Reactions?

September 9, 2021

Covid-19 Vaccine Side Effects o Allergic Reactions?

Simula ng unang nabalita ang Covid 19, hinintay ng lahat ang pag apruba at pagdating ng covid 19 vaccine sa bansa. Ngunit, katulad ng lahat ng bagong bakuna, ang pagdating ng iba’t ibang covid 19 vaccine ay sinalubong ng pag aatubili. Halos sabay sa  magandang balita na magsisimula na ang pagbabakuna sa bansa ang mga ulat ng allergy symptoms na dulot ng bakuna.

 

Ayon sa press release ng Philippine Society of Allergy, Asthma, and Immunology ang mga benepisyo ng bakuna ay di hamak na mas matimbang kesa sa posibleng allergy na maidudulot nito. Kung ano mang allergy symptom na maransan pagkatapos ng bakuna ay maaaring malunasan ng mga anti-allergy medicine na nabibili sa botika.

 

Importanteng malaman ang pagkakapareho at pagkakaiba ng covid 19 vaccine side effects at seasonal allergies. 

 

Mga madalas na side effect ng covid 19 vaccine

 

Katulad ng lahat ng medisina, ang covid 19 vaccines sa Philippines ay maaaring magdulot ng side effects kahit na hindi lahat ay nakakaranas nito. Kabilang dito ang mga side effects tulad ng:

 

  • Pananakit kung saan nabakunahan
  • Pagod
  • Sakit ng ulo
  • Masakit na katawan

 

Maaari ding lagnatin ng ilang araw pagkatapos mabakunahan. Ganun pa man, giit ng mga eksperto, hindi maaaring mahawa ng covid 19 mula sa bakuna.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-receiving-getting-vaccinated-immunity-1908326899

 

Paano malalaman kung side effect ng covid vaccine o allergy

 

Isa sa pinakamabisang batayan kung ang nararamdaman ay seasonal allergy o side effect ng covid 19 vaccine ay ang oras kung kailan nagsimula ang mga sintomas. Kung ikaw ay nakaramdam ng mga nakasaad sa itaas sa loob ng 1 o 2 araw makalipas ang bakuna, may posibilidad na ito ay side effect ng covid vaccine. Ngunit, kung lumipas na sa isang linggo simula ng ikaw ay mabakunahan, malaki ang posibilidad na ang mga sintomas mo ay allergy symptoms na.

 

Allergic reaction sa covid vaccine

 

Huwag matakot sa allergic reaction na maaaring makuha sa Covid 19 vaccine dahil may mga allergy medicine na pwedeng ibigay sa iyo.  Ang risk na magkaroon ng Covid 19 ay mas matindi pa rin kaysa sa perwisyong abot ng allergic reactions. Huwag gawing hadlang ang risk ng allergic reactions para pigilan ang isa sa mga mabisang paraan ng covid 19 prevention sa bansa.

 

 

Sources:

https://doh.gov.ph/doh-press-release/PH-ALLERGY-EXPERTS-ENCOURAGE-COVID-19-VACCINATION

https://www.healthline.com/health-news/allergies-or-covid-19-vaccine-side-effect-how-to-tell-the-difference

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/recommendations/specific-groups/allergies.html

https://health.clevelandclinic.org/should-you-get-the-covid-19-vaccine-if-you-have-allergies/

https://www.nhs.uk/conditions/coronavirus-covid-19/coronavirus-vaccination/safety-and-side-effects/



What do you think of this article?