Ng magsimula ang COVID-19 pandemic, ang mga paaralan ay nag-shift sa remote learning at ang mga tanggapan at ahensya ay nag-implement ng work-from-home arrangements. Ang face-to-face at in-person events ay naging virtual na din. Habang tumatagal, hindi natin maikakaila na ang ating screen time, na kapag sumusobra ay nagdudulot ng poor body posture, ay hindi na lang nangyayari sa loob ng ilang minuto. Sa halip, gumugugol na tayo ng halos buong araw sa harap ng ating mga laptops at desktops; nagiging parte na ito ng ating pang-araw-araw na buhay.
Posture Meaning
Ang body posture ay tumutukoy sa positioning ng katawan ng isang tao. Meron itong dalawang uri: dynamic at static. Tinatawag na dynamic ang isang postura kung ikaw ay gumagalaw (naglalakad, tumatakbo, at iba pa) samantalang static naman kung hindi ka gumagalaw (nakaupo, nakatayo, natutulog, at iba pa.)
Upang maiwasan ang mga epekto ng habambuhay na pagkakaupo, alamin natin kung anu-ano ang mga dapat gawin upang mapanatili natin ang proper posture.
How to Correct Your Posture
Ang tamang posisyon para sa pag-upo ay nangangailangan ng ilang mga simpleng hakbang. Sa tuwing umuupo ka, ulit-ulitin ang mga hakbang na ito upang matulungan ang iyong katawan na mag-settle sa best position:
- Magsimula sa pamamagitan ng pag-upo sa dulo ng iyong upuan. I-roll ang iyong balikat at leeg pasulong hanggang sa ikaw ay nasa slouching position na.
- Dahan-dahang hilahin ang iyong ulo at balikat pataas sa isang tall sitting position. Itulak ang iyong lower back pabalik at i-accentuate ang curves ng iyong spine. Hindi ito magiging komportable sa una, ngunit subukang i-hold ng ilang segundo.
- I-release ang sitting position ng bahagya. Ngayon, nakaupo ka na in a good posture position. I-scoot ang iyong sarili pabalik sa upuan hanggang ang iyong likod ay nakalapat na sa upuan at ang iyong balakang ay nasa bend ng upuan.
Ngayon na tamang posisyon na ang iyong likod, kailangan mo namang i-address ang iba pang mga factors na nakakaimpluwensya sa iyong posture, mula sa kung paano mo dapat suportahan ang iyong likod habang nakaupo sa kung hanggang saan dapat ang level ng monitor ng iyong computer.
- Suportahan ang iyong likod.
Kung ang iyong upuan ay walang supportang panlikod, kumuha ng isang maliit na tuwalya at irolyo ito. Pwede rin ang isang maliit na unan. Kapag dumulas ka pabalik sa iyong upuan pagkatapos makuha ang iyong tamang postura, ilagay ang tuwalya o unan sa pagitan ng upuan at ng iyong lower back. Ang support device na gamit mo ay dapat makatulong sa iyo na mapanatili ang magandang postura.
- I-adjust ang iyong upuan.
Igalaw ang iyong upuan pataas o pababa hanggang ang iyong mga binti ay parallel na sa lupa at ang iyong mga tuhod ay “even” na sa iyong balakang. Ang iyong mga bisig ay dapat na parallel din sa lupa.
Ang iyong mga paa ay dapat na naka-rest sa sahig. Kung hindi, gumamit ng maliit na upuan na pwede mong apakan o foot rest upang maiangat ang iyong mga paa hanggang sa ikaw ay nakalapat na sa sahig. Ilagay din ang iyong mga siko sa iyong tabi, at iunat ang iyong mga bisig sa isang L-shaped bend.
- Magkaroon ng regular breaks.
Ang pag-upo ng matagal ay maaaring mag-reduce ng blood flow at magdulot ng muscle fatigue. Upang maiwasan ito, magpahinga ng ilang saglit. Tumayo mula sa iyong desk at gumalaw-galaw. Kung ikaw ay magbi-break, tumayo at lumayo mula sa iyong mesa kung maaari. Iunat ang iyong mga braso o gawin ang calf raises at shoulder shrugs.
- Keep your screen at eye level.
Mula sa iyong seated position, ilagay ang screen ng direkat sa iyo. I-extend ang iyong braso, at ayusin ang monitor hanggang sa may isang haba na ng braso ang layo nito. Sunod, i-adjust kung gaano kataas ang monitor. Ang tuktok ng iyong computer screen ay dapat na hindi hihigit sa 2 pulgada sa itaas ng iyong eye level. Ang mga monitor ng computer na masyadong mababa o masyadong mataas ay maaaring makapag-strain sa iyong leeg at mga mata.
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/amazing-female-person-wearing-glasses-while-1797247954
Bottom Line
Gayunpaman, kung may mga pagkakataon na hindi mo talaga maiwasan na sundin ang mga tamang pamamaraan na ito, at dahil dito ay nakakaranas ka pa din ng muscle pain o stiff neck, uminom ng Ritemed Paramax (Paracetamol+Ibuprofen). Subok na ang gamot na ito bilang pain reliever, at inirerekomenda na inumin ito every 6 hours o kung kinakailangan.
Tandaan, nakasalalay din sa ating mga sarili ang “future” ng ating katawan. Kaya, sundin ang mga tips na aming binigay upang maiwasan ang bad posture, at sa halip ay magkaroon ng katawan na may magandang tindig.
Sources:
https://www.healthline.com/health/sitting-positions#adjust-your-chair