Tips Para sa Ating mga Mata

May 26, 2021

Napakahalaga ng ating mga mata. Ginagamit natin ang mga ito sa halos lahat ng ating ginagawa, tulad ng pagbabasa, panonood ng telebisyon, at napakarami pang ibang gawain. Ngayong panahon ng pandemic, masasabi nating dumoble ang panganib ng pagkakaroon natin ng eye problems dahil madalas na tayong online at nakababad sa screens ng ating mga gadgets.

 

Dahil dito, inipon namin ang pinaka mabisang paraan ng pag-aalaga sa mga mata. Maging ikaw man ay isang empleyado na madalas na naka-work from home o isang estudyante na busy sa modules at online classes, tiyak na matutulungan ka ng mga work at study tips na ito.

 

4 Best Tips Upang Alagaan ang Iyong Mga Mata

 

  1. Umiwas sa nakakasilaw na mga bagay.

Huwag tumitig sa maliwanag na ilaw, lalo na sa araw. Ang araw ay isang malakas na radiator ng UV light, bukod sa visible light. Pinapalakas pa ito ng lens ng ating mga mata, na maaaring makapinsala sa ating sensitibong retina. Protektahan ang iyong mga mata sa pamamagitan ng paggamit ng sunglasses na pumipigil sa 99 hanggang 100%  UV-A at UV-B radiations. Subukan ring diliman ang iyong computer screen at telebisyon upang hindi ka masilaw.

 

 

 

 

  1. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa lutein at vitamin A.

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-local-woman-buy-vegetables-fruits-1280584279

 

Ang pag-consume ng tamang pagkain ay isa sa mga pinaka epektibong paraan upang makakuha ng eye-healthy nutrients. Ang lutein at zeaxanthin ay antioxidants na matatagpuan sa pigment ng mga green leafy vegetables tulad ng malunggay, broccoli, kangkong, at talbos ng kamote. Ang mga ito ay susi sa pagprotekta ng macula, ang area ng mata na nagbibigay sa atin ng malinaw na paningin. Isa rin sa pinaka kilalang eye-healthy nutrient ay ang vitamin A. Ang ating retina ay nangangailangan ng maraming vitamin A upang makatulong na gawing mga imahe ang nakikita nating light rays. Maliban dito, vitamin A rin, na matatagpuan sa kalabasa, karot, at kamatis (3 K’s), ang nagpapanatili na moist ang ating mga mata.

 

  1. Bigyan ng pahinga ang iyong mga mata.

Ayon sa mga eksperto, ang normal blinking rate ay humigit-kumulang 15 blinks in a minute. Subalit kapag nasa harap na tayo ng screen, nagiging limang beses na lang ito sa isang minuto. Ang hindi madalas na pagkurap ay nagreresulta sa pag-evaporate ng ating mga luha, na humahantong sa dryness. Pagkatapos nito, sumasakit, humahapdi, kumakati, at nagluluha na ang ating mga mata. Upang maiwasan ang eye strain symptoms na ito, subukan ang 20-20-20 rule: Every 20 minutes, tumingin sa malayo sa layong 20 feet sa harap mo, sa loob ng 20 seconds.

 

  1. Panatilihin ang mababang blood sugar level.

Ayon kay Dr. Willie T. Ong, isang Filipino Cardiologist and Internist na kilala sa kanyang social media presence, kung ang isang tao ay may diabetes, malaki ang tsansang magkaroon siya ng diabetic eye disease. Dahil dito, dapat siguraduhin na mababa ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng diet, ehersisyo, at gamot. Ang gamot tulad ng Ritemed Metformin ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood glucose. Maaari itong gamitin nang nag-iisa o kasama ng iba pang oral antidiabetic agents o ng insulin. Makakabili rin nito sa lahat ng drugstores nationwide.

 

Dahil sa COVID-19 pandemic, online classes in the Philippines, even the work-from-home arrangements, became the new normal. Parte na ng ating kasalukuyang buhay ang pagbabad sa ating mga computer at gadgets. Gayunpaman, huwag nating hayaan na maging new normal rin natin ang pagkakaroon ng malabong mga mata dahil sa longer screen time. Sundin ang tips na aming ibingay, at alagang mabuti ang iyong mga mata.

 

Sources:

https://www.philstar.com/opinyon/2011/11/24/751021/paano-aalagaan-ang-mga-mata

https://news.abs-cbn.com/life/11/10/20/paano-gawing-mas-komportable-sa-mata-ang-pag-o-online-class

https://medlineplus.gov/eyecare.html

https://www.aao.org/eye-health/tips-prevention/fabulous-foods-your-eyes