Ano ang Warning Signs ng Rheumatoid Arthritis? | RiteMED

Ano ang Warning Signs ng Rheumatoid Arthritis?

August 18, 2021

Ano ang Warning Signs ng Rheumatoid Arthritis?

Madalas bang nananakit ang iyong mga kasukasuan o joints? Posibleng dahil ito sa rheumatoid arthritis.

 

Kung ang osteoarthritis ay dahil sa labis na paggamit ng kasukasuan, ang rheumatoid arthritis naman ay isang autoimmune disease kung saan nagkakamaling atakihin ng immune system ang malulusog na cells ng katawan. Sa uri ng arthritis na ito, posible kang makaranas ng joint pain sa kamay, pulso, at tuhod.

 

Kapag may rheumatoid arthritis ang isang tao, ang lining ng kasukasuan ay namamaga at nagdudulot ng pagkasira ng joint tissues. Ito ay maaaring magdulot ng pangmatagalang sakit, pagkawala ng balanse, o pagkasira ng hugis. Maaari rin itong mauwi sa pagkasira ng iba pang tissues at komplikasyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng baga, puso, at mata.

 

Para mabigyan ng wastong lunas ang sakit na ito, mahalagang malaman kaagad ang mga warning signs ng rheumatoid arthritis.

 

Arthritis Symptoms

 

Ang mga sumusunod ay sintomas ng rheumatoid arthritis:

  • Pananakit ng kasukasuan o joints
  • Pamamaga o paninigas ng kasukasuan na tumagal ng 6 na linggo or higit pa
  • Paninigas ng joints na tumagal ng 30 minuto or higit pa
  • Higit sa isang joint ang namamaga kung saan parehong joints sa magkabilang bahagi ng katawan ang nananakit

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/girl-holds-paper-plate-healthy-food-1683296803

 

 

Paano Iwasan ang Rheumatoid Arthritis

 

Hindi pa natutukoy ang tunay na sanhi ng arthritis. Ngunit ang sakit na ito ay na puwedeng gawin upang maiwasan ito. Sa kabila nito, may ilang mga healthy lifestyle habits ang maaari mong gawin para mapababa ang risk na magkaroon ka ng rheumatoid arthritis.

 

Isa na rito ang pagkakaroon ng balanced diet. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakakatulong sa pag control ng iyong timbang. Importante ang pagkakaroon ng healthy weight sa pagpapababa ng risk na magkaroon ng arthritis.

 

Makakatulong din sa pagbawas ng iyong rheumatoid arthritis risk ang pagkakaroon ng sapat na physical activities o pagkakaroon ng regular exercise. Ito ay epektibong paraan para maiwasan ang obesity, isa sa mga risk factors ng rheumatoid arthritis.

 

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng rheumatoid arthritis o ikaw ay at risk sa pagkakaroon ng sakit na ito, kumunsulta agad sa iyong doktor. Mahalagang mabigyan ka ng maagap at wastong treatment at arthritis medications para maiwasan ang paglala ng joint damage at ang pagkakaroon ng damage sa ibang bahagi ng katawan.

 

Sources:

https://www.cdc.gov/arthritis/basics/rheumatoid-arthritis.html

https://www.arthritis.org/diseases/rheumatoid-arthritis

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/9292809/



What do you think of this article?