Ano ang Stress at Paano ito I-manage? | RiteMED

Ano ang Stress at Paano ito I-manage?

September 9, 2021

Ano ang Stress at Paano ito I-manage?

What is stress?

 

Ang stress ay ang reaksyon ng ating katawan sa pressure mula sa isang sitwasyon o kaganapan. Maaari itong maging physical stress, mental stress, o emotional stress. Kapag tayo ay nase-stress, ang ating katawan ay gumagawa ng stress hormones na nagti-trigger ng ating fight or flight response at ina-activate ang ating immune system. Tinutulungan tayo nitong mabilis na tumugon sa mga mapanganib na sitwasyon.

 

Lahat tayo ay nakakaranas ng stress sa ilang mga punto sa ating buhay. Maaaring related ito sa trabaho, isang karamdaman sa pamilya, o problema sa pera. Ito ang karaniwang triggers ng stress.

 

Gayunpaman, hindi lahat ng stress ay masama. Maaari ka rin nitong gawing mas aware sa mga bagay sa paligid mo at mas focused. Sa ilang mga kaso, ang stress ay maaaring magbigay sa iyo ng lakas at matulungan kang makatapos ang iyong gagawin.

 

Causes of stress

Iba-iba ang epekto ng stress sa lahat ng tao. Maaaring nase-stress ka sa isang bagay pero pagdating sa iyong matalik na kaibigan, wala itong epekto, at vice versa. Subalit maraming sanhi ang stress na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa isang tao, kabilang na ang:

 

  • Binubully
  • Nagtatrabaho ng sobra
  • Pagkawala ng trabaho
  • Mga problema sa kasal o relasyon
  • Recent break-up o divorce
  • Kamatayan sa pamilya
  • Problema sa pag-aaral o sa paaralan
  • Problema sa pamilya
  • Abala sa iskedyul
  • Paglipat ng bahay

 

Stress Management Tips

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/young-asian-girl-cheers-her-friend-609441443

 

Hindi kailangang makaapekto ng stress sa negatibong paraan kung matutunan lang natin itong i-manage ng tama. Subukang gawin ang mga sumusunod:

 

  1. Alamin kung ano ang nagpapa-stress sa iyo - sa bahay o sa trabaho - at maghanap ng mga paraan upang makaiwas sa mga sitwasyong iyon.

 

  1. Subukang huwag i-absorb lahat ng nangyayari sa iyong buhay at unahin mo lang ang mga importanteng bagay. Huwag masyadong damdamin kung hindi mo nagawa lahat ng dapat mong gawin o kapag hindi mo nakuha ang isang bagay.

 

  1. Lumikha ng isang network ng mga malapit na kaibigan at katrabaho na maaari mong puntahan kapag nagsimula nang makaramdam ng stress. Ang isang hobby o isang “cause to volunteer” ay maaari mo ring gawing stress reliever.

 

  1. Itigil ang paninigarilyo at pag-inom. Bagaman maraming nagsasabing nakakatulong ang alcohol at tobacco na ma-relax ang isang tao, maaari ka rin nitong gawing mas balisa at problemado.

 

  1. Bigyan ang sarili ng "me time" at mag-ehersisyo ng kaunti. Ang 15 hanggang 20 minutong lakad ng tatlong beses sa isang linggo ay maaaring ma-energize ang iyong araw at matulungan kang mawala ang iyong stress.

 

  1. Ang meditation at iba pang relaxation techniques ay maaari ring makatulong na pakalmahin ang iyong isip.

 

  1. Kumain ng masustansyang pagkain at mag-take ng vitamins araw-araw.

 

  1. Matulog nang maayos. Bawasan rin ang caffeine intake mo sa umaga at ang iyong screen time sa gabi. Gumawa ka rin ng to-do list para sa mga gagawin mo kinabukasan upang maging organisado ang iyong isip sa mga susunod mong gagawin. Matutulungan ka rin nitong makatulog ng maayos sa gabi.

 

Kung ang mga hakbang na ito ay hindi makakatulong sa iyong i-manage ang iyong stress, kausapin ang iyong doktor at humingi ng tulong kung paano ka makalalapit sa isang espesyalista.

 

 

Sources:

https://www.mentalhealth.org.uk/a-to-z/s/stress#:~:text=Stress%20is%20our%20body's%20response,all%20deal%20with%20stress%20differently

https://www.medicalnewstoday.com/articles/145855

https://www.webmd.com/balance/stress-management/what-is-stress



What do you think of this article?