Ano ang Sanhi ng Makating Singit? | RiteMED

Ano ang Sanhi ng Makating Singit?

October 15, 2021

Ano ang Sanhi ng Makating Singit?

Nakaranas ka na ba ng matinding pangangati ng singit? Ito ay posibleng dulot ng skin infection na kung tawagin ay jock itch. Hindi madali ang skin problem na ito lalo na kung umatake ang pangangati sa panahong ikaw ay nasa publiko. Bukod sa inconvenience na dulot ng pangangati, nakakahiya ang pagkakamot sa harap ng maraming tao.

 

Kaya’t mahalagang malaman kung ano nga ba ang jock itch. Paano ito gagamutin at maiiwasan?

 

What is jock itch?

 

Ang tinea cruris o jock itch ay isang klase ng skin disease at fungal infection na nagdudulot ng pamumula at pangangati sa mainit at moist na bahagi ng katawan. Ang ganitong rashes ay madalas na nangyayari sa inner thighs at singit at may hugis singsing. Tinatawag itong “Jock Itch” dahil ang madalas na nakakaranas ng skin problem na ito ay mga atleta o mga taong madalas magpawis. Kadalasan din itong sakit ng mga taong overweight.

 

Tulad ng ibang skin diseases na dulot ng pamilya ng tinea, ang jock itch ay dulot ng isang mold-like fungi na tinatawag na dermatophytes. Ang mga microscopic fungi na ito ay madalas na mamalagi sa balat, buhok, at kuko.

 

Ang jock itch ay makati at minsan ay mahapdi, ngunit, wala itong kaakibat na mas malalang peligro sa kalusugan.

 

Sanhi ng Jock Itch

Ang jock itch ay dulot ng isang grupo ng fungi na dermatophytes. Ito ay natural na nananatili sa balat at madalas ay hindi nagdudulot ng problema. Ngunit, kapag ang isang tao ay nagsusuot ng damit na basang-basa ng pawis, ang matagal na pagkababad sa moisture ay magdudulot ng mabilis na pagdami ng fungi.

 

Kapag ang isang tao ay may overgrowth ng dermatophytes sa kaniyang singit, ito ay nagdudulot ng jock itch. Ang fungus na nagdudulot ng ganitong skin disease ay malakas makahawa sa ibang tao. Posible kang mahawa dito kapag may direct contact ka sa taong may jock itch. Posible ring mahawa kapag sinuot mo ang maruming damit ng may skin disease na ito.

 

Ang madalas na sintomas ng jock itch ay ang mga sumusunod:

  • Pangangati at hapdi sa infected na lugar,
  • Namumula at scaly na pabilog na rashes
  • Cracking at pagbabalat ng area.

 

Kadalasan, ang mga sintomas na ito ay makikita sa groin area, singit, at pwet.

 

Ano ang mga jock itch treatment?

Kapag hindi nalunasan ang jock itch, maaari itong tumagal ng ilang buwan. Kaya’t mahalagang mabigyan agad ito ng lunas. Isa sa possible treatments ng skin problem na ito ay ang anti-fungal treatments tulad ng RM Tolnaftate, isang topical cream na mabisang fungal infection treatment.

 

Bukod dito, importanteng hugasan ng mabuti ang bahagi ng katawan kung saan nararanasang ang pangangati. Siguraduhing tuyuin ito ng malinis na tuwalya. Gumamit ng ibang tuwalya para sa ibang parte ng katawan upang hindi kumalat ang fungal infection. Kung hindi mawala ang jock itch sa loob ng ilang linggo, kumunsulta agad sa doktor.

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/man-scratching-crotch-on-white-background-1299203221

 

Paano maiiwasan ang jock itch?

Para maiwasan ang pagkakaroon ng jock itch, ugaliin ang mga sumusunod na health habits:

 

  • Maligo araw-araw lalo na pagkatapos magpapawis
  • Manatiling tuyo. Tuyuin ng malinis na tuwalya ang singit matapos maligo.
  • Huwag maghiraman ng tuwalya at iba pang personal na gamit.
  • Huwag gumamit ng masikip na damit lalo na ang underwear.
  • Palaging magsuot ng malinis na damit.

 

Source:

https://www.healthline.com/health/jock-itch

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/jock-itch/symptoms-causes/syc-20353807

https://www.webmd.com/men/causes-and-prevent-jock-itch


What do you think of this article?