Ano ang Iba’t Ibang Uri ng Diabetes at mga Lunas para Dito | RiteMED

Ano ang Iba’t Ibang Uri ng Diabetes at mga Lunas para Dito

November 15, 2021

Ano ang Iba’t Ibang Uri ng Diabetes at mga Lunas para Dito

Ang diabetes ay isang karamdaman na nagdudulot ng mataas na sugar level sa katawan. Kapag mayroon kang diabetes, hindi nakagagawa ang katawan ng sapat na insulin hormone para dalhin ang glucose sa cells ng iyong katawan. Ang mga untreated high blood sugar mula sa diabetes ay maaaring makasira sa nerves, eyes, kidneys, at iba pang organs ng katawan.

 

 Uri ng Diabetes

 

  1.  Ang diabetes type 1 o “juvenile diabetes” ay ang mas malalang uri ng diabetes. Isa itong autoimmune disease kadalasang nagkakaroon nito ang mga bata at young adults. Malaking factor ang family medical history sa pagkakaroon ng diabetes type 1. Nagkaroon din ng ganitong uri ng diabetes kapag hindi na kinakaya ng katawan na mag produce ng sapat na insulin, kaya’t nakadepende na sila sa artificial insulin upang mabuhay. Kadalasan ding nagkakaroon ng ganitong uri ng diabetes ang mga mayroong autoimmune hormone-related diseases. 10% ng mga tao ang mayroong ganitong uri ng diabetes.
  2. Ang Type 2 diabetes o “adult-onset diabetes” ay kadalasang nadedetect sa mga may edad 40 pataas. Ito ang mas madalas na uri ng diabetes at itinuturing din na fastest growing epidemic sa ating panahon ngayon. Kadalasang mild lamang ang mga warning signs ng Type 2 diabetes kung kaya’t hindi agad napapansin na mayroon na pala nito, hindi kagaya ng Type 1 diabetes na mas malala ang diabetes symptoms at kadalasang lumalabas sa loob lamang ng araw o linggo.
  3. Gestational diabetes – Nagkakaroon ng ganitong uri ng diabetes ang mga buntis dahil kadalasang mas nagiging sensitive ang kanilang katawan sa insulin. Hindi lahat ng babae ay nagkakaroon nito at kadalasang nabibigyang lunas agad matapos manganak.
  4. Prediabetes – Hindi pa isang karamdaman ngunit maaaring magkaroon ng prediabetes o borderline diabetes ang isang tao kapag ang blood sugar nito ay nasa 100 to 125 milligrams per deciliter (mg/dL). Ang normal na blood sugar ay nasa 70 at 99 mg/dL, samantalang ang taong may diabetes ay may blood sugar level na 126 mg/dL pataas.

 

undefined

 

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-old-man-test-diabetes-check-1679223457

 

 

 

Diabetes Treatments

Kagaya ng ibang karamdaman, mayroong mga paraan upang mapigilan o malunasan ang diabetes. Ilan lamang sa mga diabetes treatment ang mga sumusunod:

  1. Tamang pagkain ng masustansyang pagkain at mayroong mababang sugar content.
  2. Pagehersisyo ng 30 minuto araw-araw sa loob ng 5 araw sa isang linggo, gaya ng walking, aerobics, riding a bike, o swimming.
  3. Insulin intake para sa may diabetes type 1. Pinapalitan nito ang hormone na hindi na kayang i-produce ng katawan.  Kadalasang gumagamit ng long-acting o short-acting insulin injection upang ma-maintain ang low blood sugar level.
  4. Pag-inom ng gamot na inireseta ng doktor gaya ng metformin na pill o liquid form.
  5. Regular na pag monitor ng iyong sugar level, lalo na kung nagdadalang tao.

 

 

Sources:

https://www.healthline.com/health/diabetes#treatment

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323627#types



What do you think of this article?