Ang pagkakaiba ng Immune System ng mga Bata at Adult | RiteMED

Ang pagkakaiba ng Immune System ng mga Bata at Adult

October 15, 2021

Ang pagkakaiba ng Immune System ng mga Bata at Adult

Ang bawat tao ay may immune system na tumutulong sa katawan para labanan ang iba’t ibang uri ng sakit.  Dahil sa Covid 19 pandemic, mas naging conscious ang mga tao sa pagpapatibay ng immune system.  Sa kalagitnaan ng pandemya, binibigyan ng espesyal na pag iingat ang mga bata. Isa sila sa mga grupo ng tao na hindi pinapayagang lumabas ng tahanan bilang pag iingat laban sa Covid.

 

Naiiba nga ba ang immune system ng mga bata kumpara sa mga adults?

 

Paano tayo pinoprotektahan ng immune system?

Ang immune system ay epektibong gumagana kapag maayos nitong nakikilala ang mga cells sa loob ng katawan at ang foreign substances na maaaring makasama sa ating kalusugan.

 

Hinaharang ng immune system ang mga foreign substances para hindi makapasok sa loob ng katawan.  Ang mga foreign substances na ito ay maaaring virus, bacteria, fungi, o parasites.  Kapag may nakapasok na foreign substance sa katawan, ang immune system ay automatic na gagawa ng white blood cells at iba pang chemicals na lalaban sa mga foreign invaders na ito.

 

Kapag ang ating katawan ay nagkaroon ng contact sa isang mikrobyo na nagdudulot ng sakit sa kauna-unahang pagkakataon, karaniwang nag-iimbak ang ating immune system ng impormasyon tungkol sa mikrobyo at kung paano ito labanan. Kung makapasok muli sa ating katawan ang naturang mikrobyo, kinikilala kaagad into ng ating immune system at magsisimula itong labanan ang mikrobyo nang mas mabilis.

 

May dalawang layunin ang pagpapalakas ng immune system:

 

  1. Magkaroon ng malakas na pagtugon sa lahat ng bagong impeksyon habang bata, at;
  2. Lumikha ng mga ala-ala para sa lahat ng pathogens sa paligid sa anyo ng memory cells, upang maprotektahan ang katawan sakaling muling ma-expose sa parehong mga pathogens.

 

Pinagkaiba ng immune system ng mga bata at adults

Kahit ang fetus na nasa loob pa lang ng sinapupunan ng kanyang ina ay mayroon ng immune system. Subalit, ang immunity ng mga fetus ay mahina dahil foreign sila sa katawan ng ina. Hindi sila bahagi ng katawan ng ina. Dapat mababa ang immune response ng fetus para hindi mag-react ang immune system ng ina dito.

 

Kapag ipinanganak na ang sanggol, dapat mabilis na tumaas ang depensa laban sa mga virus at bacteria na maaaring makuha nya sa paligid.  Ang mga sanggol ay sagana sa T cells na bahagi ng immune system. Ang mga T cells ang nakakakilala sa mga foreign objects sa katawan.

 

Habang tumatanda, nababawasan ang bilis ng paglikha ng T cells sa katawan. Pagtungtong ng edad na 40 taong gulang, halos wala nang T cells sa katawan. Para sa mga adults, ang memory response na nalikha mula noong bata pa sila ang pangunahing kumikilos sa kanilang immune system.

 

 

undefined

Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/happy-asian-family-white-t-shirt-1055235116

Immune system ng bata at matanda laban sa Covid-19

Noong simula ng pandemya, bata man o matanda ay walang memory T cells laban sa COVID-19 virus. Subalit lumalabas na dahil halos walang bagong T cells ang mga matatanda, mas matagal ang immune response nila sa bagong virus kumpara sa mga bata.  Samantala, ang mga bata ay may mas malakas at mabilis na immune response sa COVID-19. Kaya naman, ayon sa mga datos, mas mabilis makarecover ang mga bata mula sa sakit na Covid.

 

Bukod sa bakuna, makakatulong sa pagpapalakas ng immune system ng mga bata at matatanda ang pag-inom ng Vitamin C supplements tulad ng Ascorbic Acid or Sodium Ascorbate. Makakatulong din may kalakip na Zinc ang Vitamin C supplement. Ang RM Ascorbic Acid ay may syrup para sa mga batang edad 2 pataas at tableta para sa mga adults mula 12 taong gulang.

 

Protektahan ang bawat miyembro ng pamilya, bata man o matanda.  Ugaliin ang pagkain ng masusustansyang pagkain, pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-eehersisyo, at pag inom ng vitamin supplements na nagpapalakas ng immune system.

 

Sources:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4707740/

https://www.discovermagazine.com/health/childrens-immune-systems-differ-from-adults-heres-what-that-could-mean-for

https://www.webmd.com/lung/news/20200923/children-have-better-covid-immune-response

 



What do you think of this article?