6 Myths at Facts Tungkol sa Dengue | RiteMED

6 Myths at Facts Tungkol sa Dengue

November 15, 2021

6 Myths at Facts Tungkol sa Dengue

What is dengue?

 

Ang dengue ay isang infectious disease. Maaari itong magdulot ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, mga pantal, at pananakit sa buong katawan.

 

Upang makatulong na ipakita sa atin ng mas malinaw kung ano symptoms of dengue, narito ang ilang mga myths at facts tungkol sa nasabing sakit:

 

Myth No. 1: “Nakakahawa ang dengue.”

 

Fact: Hindi nakakahawa ang dengue symptoms; hindi ito kumakalat mula sa ibang tao papunta sa iba. Kapag nakagat ng lamok ang taong may dengue fever, ang lamok ay nahawahan ng virus na nagdudulot ng sakit. Maaari nitong ikalat ang virus sa ibang tao sa pamamagitan ng pagkagat sa kanila.

 

Myth No. 2: “Hindi na ulit tatamaan ng dengue ang mga taong nagkaroon na nito dati.”

 

Fact: Marami ang nag-aakala na kapag ang isang tao ay nagkaroon na ng dengue fever noon, hindi na ito mauulit. Mali ang pahayag na ito dahil ang sinuman ay maaaring magka-dengue nang higit sa isang beses sa kanilang buhay. Ang dengue ay sanhi ng isang virus ng apat na magkakaibang strain. Kaya't ang isang beses na pagkakaroon nito ay hindi nangangahulugan na hindi ka na muling magkakaroon nito.

 

Myth No. 3: Ang mga "dark" na kasuotan ay umaakit ng mga lamok.

 

Fact: Bagaman marami ang naniniwala dito, sa katunayan, walang kinalaman ang kulay ng damit sa pagkagat ng lamok sa isang tao. Para maiwasan na makagat ng lamok, lalo na ng infected ng dengue virus, inirerekomenda ang paggamit ng Ritemed Denguetrol. Ang insect repellant na ito ay kayang magbigay ng walong oras na proteksyon laban sa dengue-carrying mosquitoes. Mayroon rin itong light powdery scent--dahilan kung bakit paborito ito ng karamihan. Higit sa lahat, ito dermatologically tested kaya okay lang gamitin para sa mga bata at matatanda.

 

undefined

Source: https://shopee.ph/RiteMED-Denguetrol-Insect-Repellent-25-100ml-i.75158561.1717494530

 

Myth No. 4: “Lapitin ng lamok ang mga babae.”

 

Fact: Ang paniniwala na mas madalas kagatin ng lamok at magka-dengue ang mga babae ay hindi totoo. Bagaman ito ay galing sa teorya na mas “naaakit” ang mga lamok sa mga kababaihan lalo na sa panahon ng kanilang ovulation, walang anumang pag-aaral ang makakapagpatunay dito.

 

Myth No. 5:  “Madaling magka-dengue fever ang mga bata at matatanda.”

 

Fact: Ito ay hindi totoo. Maaaring maapektuhan ng dengue ang sinuman, anuman ang kanilang edad, kasarian, o kalagayang socio-economic. Gayunpaman, may iba pang mga kadahilanan na maaaring magpataas ng iyong panganib na maapektuhan ng sakit. Kabilang sa mga ito ang pagkakaroon ng naunang dengue fever at pamumuhay sa isang tropikal na rehiyon.

 

Myth No. 6: “Hindi delikado ang dengue fever.”

 

Fact: Tulad ng ibang sakit, ang dengue ay maaaring maging mild o severe. Kung nakatanggap ka ng proper treatment sa unang phase, hindi ka maaapektuhan ng kondisyon. Ngunit, ang late interruption ay maaaring humantong sa mga komplikasyon tulad ng confusion, breathing difficulty, internal bleeding, liver failure, at iba pa.

 

Sources:

https://www.thestar.com.my/metro/focus/2016/02/20/top-10-myths-and-facts-about-dengue-some-useful-information-on-the-viral-fever-and-mosquitoes

https://www.india.com/lifestyle/top-5-dengue-myths-busted-for-you-3835115/



What do you think of this article?