Ang unang tatlong buwan ang pinaka-nakakasabik at nakakakaba na stage ng pagbubuntis. Lalo na sa mga first-time moms na nangangapa pa lamang kung ano ang tamang alaga sa kanilang magiging supling.
Ano ang mga hormonal changes na nararamdaman sa unang trimester ng pagbubuntis?
- Fatigue o sobrang pagkapagod
- Pananakit ng dibdib
- Pagkahilo na minsan ay may kasamang pagsusuka
- Madalas na pag-ihi
- Pagiging sensitibo sa panlasa o pang-amoy
- Heartburn o ang pag-akyat ng stomach acid sa iyong esophagus o gulung-gulungan.
- Pagtatae
- Pabago-bago ng mood
Sa development stage na ito, ano ang nagbabago sa iyong baby?
- Nahuhubog ang kanyang katawan mula utak at gulugod (spinal cord) kasama ang ibang parte ng kanyang nervous system
- Pag-develop ng facial features tulad ng ilang detalye sa mata, ilong, bibig, at tainga.
- Sa loob ng tatlong buwan, buo na rin ang kanyang kamay, paa, at nagsisimula na ring ma-develop ang kanyang reproductive system.
Habang nagde-develop ang iyong baby, kailangan mo ring alagaan ang iyong sarili upang kayong dalawa ay manatiling malusog at ligtas hanggang sa iyong panganganak.
Narito ang ilan sa mga Prenatal Vitamins na kailangan mo:
Parte ng unang trimester ng pagbubuntis ay ang “morning sickness” o ang pagkahilo at pagsusuka kada umaga. Mabisa ang Vitamin B6 para humupa ang nararanasang ito.
Importante ang bitaminang ito habang nagdedevelop ang baby. Dahil sa tuwing ginagamit ni baby ang calcium sa iyong katawan para sa kanyang paglaki, nakadadagdag ang pag-take ng calcium para maiwasan ang pagkabawas ng bone density ng nagbubuntis. Ang mga dairy products ay mayaman sa Calcium na makakatulong sa pag-develop ng buto at ngipin.
Ang Vitamin D naman ang siyang pumoprotekta sa immune system ng baby – panlaban sa mga sakit na konektado sa puso, pagkakaroon ng sakit na cancer, o sakit sa neurological system.
Sapat na iron ang kinakailangan ng baby para tumatag ang kanyang puso,
baga at kasu-kasuan (muscles). Nakakalakas din ang iron ng resistensiya ng nagbubuntis. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa Iron ay mga seafood tulad ng salmon at tuna.
- Docosahexaenoic acid o DHA
Kinakailangan ito sa paglaki ng iyong baby. Para maging normal sa kanyang buwan ng paglabas at timbang. Tumutulong din ito upang gumanda ang functional development ng kanyang utak.
Ang Folic Acid ay tumutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng birth defects sa nervous system. Ito rin ay upang hindi maging premature ang sanggol at tumutulong para hindi malaglag ang iyong baby.
May RiteMED ba nito?
Mga kaalaman tungkol sa RiteMED Folic Acid:
Para kanino ang RiteMED Folic Acid?
Ang pag-inom ng RiteMED Folic Acid ay makatutulong para sa pag-iwas at pag-gamot ng Folate deficiency. Ang RiteMED Folic acid ay ginagamit ng kababaihang may potensyal na mabuntis at ng mga babaeng kasalukuyang buntis na para protektahan ang kanilang dinadala laban sa neural tube defects o birth defects sa utak, spine at spinal cord.
Mga paalala bago inumin ang RiteMED Folic Acid:
Kumunsulta muna sa iyong OB-Gyne bago bumili o mag-take ng kahit na anong vitamins o gamot.
Mga kaalaman tungkol sa RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid:
Para kanino ang RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid?
Ito ay iniinom ng mga gustong makaiwas o kasalukuyang nakararanas ng iron-deficiency anemia o uri ng sakit na may kakulangan sa dugo. Inirereseta rin ito ng mga OB-Gyne sa mga gustong magkaanak pati na rin ang mga nagbubuntis.
Mga paalala bago inumin ang RiteMED Ferrous Sulfate + Folic Acid:
Kumunsulta muna sa iyong OB-Gyne bago bumili o mag-take ng kahit na anong vitamins o gamot.
References:
https://www.RiteMED.com.ph/articles/stages-ng-pagbubuntis
https://www.webmd.com/baby/1to3-months
https://prenate.com/prenatal-vitamins-folic-acid-first-trimester/
https://www.webmd.com/baby/folic-acid-and-pregnancy#1