Ang buto at kasukasuan o joints natin ay may malaking tungkulin sa pagkilos ng ating katawan. Mahalagang alagaan ang kalusugan ng buto at kasukasuan lalo na sa pagtanda. Ang pagpapabaya sa mga ito ay maaaring magdulot ng kirot at kapansanan.
Ano ang Pagkakaiba ng Buto at Kasukasuan?
Habang magkaugnay ang buto at kasukasuan sa kanilang tungkulin sa katawan, malaki rin ang pagkakaiba ng dalawang ito.
Ang buto ay living tissue na pangunahing binubuo ng collagen at calcium. Dahil dito, ang buto ay matigas, matibay, at nagbibigay ng istraktura na sumusuporta sa katawan at nagsisilbing proteksyon saibang body organs.
Ang kasukasuan ay ang bahagi kung saan nagdurugtong ang dalawa o mas marami pang buto katulad ng tuhod. Binubuo ito ng ilang klase ng tisyu, kabilang na ang cartilage, synovial membrane, ligament, tendon, meniscus, at ang likido na mahalaga sa pagkilos ng kasukasuan.
Ano ang mga Karaniwang Bone at Joint Disorders?
- Osteoporosis
Ang osteoporosis ay isang karaniwang kondisyon na nangyayari kapag ang buto ay humihina dulot ng pagbabago sa bone mineral density. Dahil dito, ang tyansa ng pagkakaroon ng bali sa buto ay tumataas. Kilala ito bilang “silent disease” dahil walang nakikita o nararamdamang sintomas hanggang sa mabali ang buto.
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng osteoporosis ngunit ito ay mas madalas na nararanasan ng mga babaeng may edad na. Bukod sa edad, ang iba pang mga risk factors ay ang pagiging maliit o kulang sa taas, pagkakaroon ng kapamilyang may osteoporosis, mga gamot na iniinom, at ang pagkakaroon ng mababang bone density.
- Scoliosis
Sa scoliosis, hindi normal ang kurbada ng buto sÄ… likod kaya ang spine ay naghuhugis-S o C. Karaniwan itong nakikitasa pagkabata bago ang pagbibinata o pagdadalaga. Ang mga sintomas ng scoliosis tulad ng pag-umbok o hindi pagkakapantay ng taas ng balikat o balakang, naka-kurbang likod, hirap sa paghinga, at pagkirot ng likod ay naka-depende sa kalubhaan nito.
- Paget’s disease of Bone
Ang Paget’s disease ay isang kondisyon na nagdudulot ng labis na pagkasira at paglaki ng buto. Nagreresulta ito sa mga butong malalaki at mas malambot sa karaniwan. Maaari ring maging kakaiba ang hugis ng buto at mas madaling mabali.
Ang sintomas ng Paget’s disease ay bihirang mapansin, ngunit kung makaranas ng sintomas, kadalasan ay katulad ito ng arthritis. Kabilang na rito ang pagkirot sa apektadong bahagi ng katawan, pagsakit ng ulo, paghina ng pandinig (kung apektado ang bungo), pagkaipit ng mga ugat (kung apektado ang bungo o spine), pagkasira ng mga cartilage ng kasukasuan, paglaki ng ulo, pagkurba ng paa, kamay, at spine.
- Rheumatoid Arthritis
Ang rheumatoid arthritis ay isang autoimmune disease kung saan inaatake ng immune system ang healthy cells ng katawan. Nagdudulot ito ng kirot at pamamaga. Maaaring maapektuhan ng sabay sabay ang iba’t ibang kasukasuan tulad ng mga kamay at tuhod na siyang magdudulot ng kirot, kawalang ng balanse, at pagkasira ng hugis.
Kabilang sa mga sintomas ng rheumatoid arthritis ay ang pagkirot, paninigas, at pamamaga ng mga kasukasuan. Makikita ito sa magkabilaang parte ng katawan, tulad ng magkabilaang kamay o tuhod. Ang iba pang sintomas ng rheumatoid arthritis ang pagbaba ng timbang, lagnat, madaling pagkapagod, at panghihina. Habang ang pangunahing sanhi ng sakit ay hindi pa tiyak, ang mga salik tulad ng edad, kasarian, genetics, paninigarilyo mula pagkabata, at obesity ay iniuugnay sa mas mataas na tyansa ng pagkakaroon ng rheumatoid arthritis.
- Osteoarthritis
Ang isa pang karaniwang sakit sa kasukasuan ay ang osteoarthritis kung saan nauupod ang cartilage na matatagpuan sa mga kasukasuan. Dahil sa pagkakaupod ng cartilage, ang mga buto sÄ… kasukasuan ay nagkikiskisan na nagiging sang ng pamamaga at pagtigas nito.
Ang mga sintomas ng osteoarthritis ay kadalasang nararamdaman sa pagtanda. Kabilang sa mga risk factors nito ay edad, timbang, dalas at intensity ng mga aktibidad na nakakaapekto sa kasukasuan, at ang pagkakaroon ng osteoarthritis sa pamilya.
https://www.shutterstock.com/image-photo/happy-loving-asian-senior-couple-talking-1064160137
Paano Ginagamot ang Sakit sa Buto at Kasukasuan?
Ang paggamot sa mga bone at joint disorders ay nakabase sa klase at kondisyon nito. Ang kirot na dulot ng mga sakit na ito ay maaaring walang lunas ngunit maaari pa rin itong maibsan. Ang pag-inom ng over-the-counter pain reliever o pag-eehersisyo ay puwedeng makatulong upang mabawasan o mawala ang kirot. May mga pagkakataong ang kirot ay hudyat ng mas malalim na problema na nangangailangan ng konsultasyon at gamot na irereseta ng doktor o di kaya ay pagsailalim sa operasyon.
-Ilan sa mga maaaring gawin sa bahay ay ang paglagay ng warm o cold compress sa apektadong bahagi ng katawan ng ilang minuto at ilang beses sa isang araw.
-Ang pag-eehersisyo ay maaaring makatulong na manumbalik ang lakas ng katawan at mas madaling pagkilos. Ang paglalakad, paglangoy, o ibang low-impact aerobic exercise ang pinakamainam para sa mga sakit sa buto at kasukasuan. Nakakatulong din ang mga stretching exercise.
-Ang pagbabawas ng timbang ay nakakatulong na mabawasan ang puwersang dinadala ng mga kasukasuan.
-Ang mga over-the-counter medicines tulad ng paracetamol o ibuprofen ay maaaring makatulong upang maibsan ang kirot. Kung ang kirot ay hindi nababawasan, mas mainam na magpatingin sÄ… doktor para ma-eksamin at maresetahan ng mas malakas na pain reliever.
-May mga pamahid na gamot na maaaring ilagay sa balat sa ibabaw ng apektadong parte upang mabawasan ang kirot.
Kung nasubukan na ang mga naunang lunas na nabanggit ngunit hindi pa rin nababawasan ang mga sintomas, kumunsulta sa doktor para sa ibang maaaring ireseta:
-Ang mga supportive aid, tulad ng brace o cane, ay sumusuporta sa kasukasuan para makagalaw ng mas maayos.
-Ang physical o occupational therapy, kaakibat ng isang balanseng fitness program, ay maaaring makatulong sa kirot at mapabuti ang flexibility ng katawan.
-Maaaring magreseta ng mga antidepressant upang makatulong sa pagtulog ng mga taong may malalang pag-atake ng kirot.
-Ang steroids, na kadalasang itinuturok sa kasukasuan, ay nakakapagbigay ng pansamantalang lunas sa kirot at pamamaga.
-Maaaring magreseta ng mas matapang na pain reliever upang maibsan ang kirot.
References:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/bone-diseases
https://www.makatimed.net.ph/blogs/8-common-disorders-that-affect-the-bones-and-joints/
https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17752-joint-pain