Ang lagnat o fever ay isang karaniwang reaksyon ng ating katawan upang madepensahan ang ating sarili sa ibang mikrobyo. Isa itong senyales na tayo ay mayroong sakit at nagiging dahilan kung bakit nagbabago ang temperatura natin.
Para sa ating mga chikiting, ang pagkakaroon ng lagnat ay talagang nakakaabala dahil humihina na nga ang kanilang resistensiya, nawawalan pa sila ng gana kumain.
Mga karaniwang sanhi ng lagnat?
Kapag impeksyon ang sanhi ng lagnat, maaari itong virus o kaya naman ay bacteria (kung ang bata ay may tonsilitis, ubo, sipon, at iba pa). Pwede rin magka impeksyon kapag may parasite o maliit na insektong nakapasok sa katawan.
Kung allergic reaction naman ang sanhi ng lagnat, bumisita na sa doktor o allergist. Madalas, antihistamine ang gamot na ibibigay para gumaling.
Tandaan rin na mahalaga ang pag-iwas sa mga allergen, para hindi ma-trigger ang masamang reaction.
Paano chine-check ang temperatura ng bata?
Photo from Pixabay
- Gumamit ng thermometer upang malaman kung gaano kataas ang temperatura ng inyong anak.
Huwag gagamit ng nakagawiang mercury-in-glass thermometer sapagkat ang
mercury na laman nito ay delikado sa ating balat kapag nabasag - hindi lang sa mga
adults, lalo na sa mga bata.
Hangga’t maaari, gumamit na ng mga makabagong thermometer gaya ng rectal thermometer. Pero kung ang bata ay marunong nang umupo, inirerekomenda na digital thermometer na lamang ang gamitin. Ito ay nilalagay sa kili-kili, tainga, o sa ilalim ng dila.
- Kung ang temperatura ay 37.4°C hanggang 37.7 °C, ito ay masasabing sinat o low grade fever. Kapag ito ay 37.8 °C pataas, ito na ang tinatawag na lagnat.
- Importanteng i-record ang temperatura ng inyong anak kada oras para ma-monitor ang pagtaas o pagbaba ng temperatura. Ito ay mahalagang gawin lalo na kapag may malulubhang sakit tulad ng dengue.
Ang tamang alaga sa batang may lagnat
- Maglagay ng cold compress sa noo ng bata
Nakatutulong ito sa pagpapababa ng mainit na temperatura ng isang taong may lagnat.
- Magpainom ng sapat na fluids o tubig
Ang mataas na temperatura ay maaaring maka-dehydrate ng katawan.
May RiteMED ba nito?
Mga dapat malaman tungkol sa RiteMED Paracetamol Syrup for kids:
Para saan ang RiteMED Paracetamol Syrup for kids?
Ito ay gamot para sa lagnat o may sinat. Ito ay mainam rin sa nakakaranas ng mild hanggang moderate na sakit ng katawan o ulo.
Mga paalala bago inumin ang RiteMED Paracetamol Syrup for kids:
- Kung ang bata ay mayroong anemia o sakit sa dugo, puso, atay o bato, pinapayuhan na ikonsulta muna sa kanyang pediactrician kung pwedeng uminom ng gamot na ito.
References: