Alam n’yo ba na ang mga bata ay pwedeng mag-develop ng hypertension o high blood pressure?
Ang high blood pressure sa bata ay blood pressure na mas mataas pa sa karamihan ng mga batang may kaparehong kasarian, edad at tangkad.
Kadalasan, sapat na ang lifestyle changes para mapababa ang high blood pressure: tamang dyeta na heart-healthy at tamang ehersisyo.
Pero kung sakaling hindi mag-improve ang kalagayan ng bata, baka mangailangan na ng hypertension medicine mula sa doktor.
Sanhi ng hypertension sa mga bata
Ang hypertension sa mga bata, edad 6 pababa, ay maaaring magmula sa malubhang karamdaman gaya ng:
- heart defects
- kidney disease
- genetic conditions
- hormonal disorders
Ang mga bata naman na may edad 6 pataas ay maaaring mag-develop ng hypertension dahil sa sobrang timbang, kakulangan sa tamang nutrisyon at sapat na ehersisyo.
Sintomas
Sa unang tingin, mahirap malaman kung ang isang bata ay may hypertension o wala. Pero may mga senyales kung ang isang bata ay nagkakaroon ng high blood pressure emergency o yung tinatawag na hypertensive crisis:
- Seizures
- Pagsusuka
- Pananakit ng dibdib
- Biglaang pagbilis ng tibok ng puso o palpitations
- Hirap sa paghinga
Sa oras na ang iyong anak ay makaranas ng alin man sa mga ito, dalhin siya agad sa doktor o sa pinakamalapit na ospital.
Dalawang klase ng hypertension
Importanteng malaman ang pinagkaiba ng dalawang klase ng hypertension: ang primary (essential) hypertension at ang secondary hypertension, lalo na kung ito ay dumapo sa bata.
Primary hypertension
Hindi matukoy ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng primary hypertension (essential hypertension). Nangyayari ito sa mga bata edad 6 pataas. Heto ang mga posibleng risk factors o ang maaaring mag-trigger ng primary hypertension:
- Pagiging sobra sa timbang o obese
- May history ang pamilya ng hypertension
- May Type 2 diabetes
- Mataas na cholesterol sa katawan
- Mahilig kumain ng maaalat
- Exposure sa usok ng sigarilyo o secondhand smoke
- Palaupong o sedentaryong pamumuhay
Secondary hypertension
Ang secondary hypertension ay madalas sa mga bata edad 6 pababa. Heto ang mga posibleng risk factors o ang maaaring mag-trigger ng secondary hypertension sa bata at matanda:
- Adrenal disorders
- Hyperthyroidism
- Sakit sa bato
- Sakit sa puso
- Pheochromocytoma, isang rare tumor sa adrenal gland
- Narrowing ng artery sa kidney (renal artery stenosis)
- Problema sa pagtulog gaya ng sleep apnea (hirap sa paghinga kapag natutulog)
- Mga piling medisina gaya ng decongestants, oral contraceptives at steroids
- Illegal drugs
Mga kumplikasyon ng hypertension
Kapag hindi naagapan ang hypertension sa mga bata, ito ay maaaring magpatuloy hanggang sa kanilang paglaki. Kapag nangyari ito, siya ay pwedeng mag-develop ng mga malubhang kumplikasyon gaya ng:
- Stroke
- Heart attack
- Heart failure
- Kidney disease
- Problema sa utak gaya ng dementia
Kailan dapat kumunsulta ng doktor
Simulang i-check ang blood pressure ng iyong anak sa edad na 3. Kapag nakita ng doktor na ang bata ay may hypertension, regular na mag-schedule ng mga check-up para ma-monitor ang kondisyon ng bata.
Maaari ding simulan ang blood pressure check kahit sanggol pa lang ang anak dahil sa mga sumusunod na dahilan:
- Napaaga ang pagluwal o premature birth
- Mababa ang timbang base sa pamantayan
- Problema sa puso
- Problema sa bato
Paano matutulungtan ang batang may hypertension?
Kapag ang hypertension ay dulot ng hindi healthy lifestyle, kailangan nang gawin ang mga sumusunod:
Tamang ehersisyo
Kumunsulta sa doktor para makasigurado kung anong ehersisyo ang ligtas. Magsimula sa madaling gawin, gaya ng jogging. Kung papayagan ng doktor, samahan pa ng isports na maaring kahiligan ng bata.
Pagbabawas ng timbang
Maaaring mag-rekomenda ang doktor na ang iyong anak ay dumaan sa isang program para bumaba ang kaniyang timbang at para ma-manage ang kanyang blood pressure.
Tamang Nutrisyon at Diet
Food for hypertension ang gulay, prutas, mga low-fat dairy products, at fiber-rich foods. Bawasan ang carbohydrates, matataba, matatamis at mga processed na pagkain. Depende sa rekomendasyon ng doktor, baka kailangan ding bawasan ang asin sa mga hinahandang pagkain. Umiwas muna sa mga binibiling pagkain na maaalat, gaya ng sandwiches, pizza, at iba pang mga fastfood.
Kung hindi magbago o bumabawa ang high blood pressure ng bata, maaari nang magrekomenda ang doktor ng mga gamot at iba pang treatment.
Importante: Ugaliing kumunsulta muna sa doktor kung ikaw ay mga katanungan o pag-aalala patungkol sa kalusugan.
References:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure-in-children/symptoms-causes/syc-20373440
https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/guide/hypertension-in-children#1
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure-in-children/symptoms-causes/syc-20373440
https://kidshealth.org/en/parents/hypertension.html
https://www.healthline.com/health/essential-hypertension
https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/secondary-hypertension
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/high-blood-pressure/symptoms-causes/syc-20373410