Ang atrial fibrillation (o mas kilala sa mga dokor na AFib or AF) ay ang mabilis at irregular na heartbeat o pagtibok ng puso. Ang karamdamang ito ay maaaring pagmulan ng atake sa puso, stroke at iba pang kumplikasyon.
Sa atrial fibrillation, ang taas na bahagi ng puso (atria) ay pabago-bago ang bilis ng pagtibok. Dahil sa irregular na pagtibok ng atria, hindi na siya nakakasabay sa pagtibok ng ibabang bahagi ng puso (tinatawag na ventricles).
Ang atrial fibrillation ay isang seryosong medical condition na maaaring mangailangan ng emergency treatment.
Mga klase ng atrial fibrillation
- Occasional. Ito ay tinatawag din ng mga doktor na paroxysmal atrial fibrillation. Ang occasional atrial fibrillation ay dumadating at kusang nawawala pagkatapos ng ilang minuto.
- Persistent. Kapag sinabing persistent ang irregular heartbeat, ito ay hindi kusang nawawala. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mo ng electrical shock o ng medisina para maibalik sa normal ang iyong heartbeat.
- Long-standing persistent. Ito ang atrial fibrillation na tumatagal ng higit sa 12 months.
- Permanent. Kapag permanent ang atrial fibrillation, hindi na mawawala ang irregular mong heartbeat. Mangangailangan ka na ng tamang medisina para ma-manage ang pagtibok ng iyong puso.
Sintomas ng atrial fibrillation
Ang mga taong may atrial fibrillation ay maaaring makaranas ng mga sumusunod:
- Mabilis at irregular na pagtibok ng puso o palpitations
- Panghihina
- Hirap sa page-ehersisyo
- Matinding kapaguran
- Pagkahilo
- Hindi makapag-isip o maka-focus ng maayos
- Kapos na hininga
- Pananakit ng dibdib
May mga kaso kung saan may mga tao na may atrial fibrillation pero wala silang ipinapakitang sintomas. Nalalaman lang nila ang kanilang kondisyon sa oras na sila ay sumailalim sa physical examination.
Sanhi ng atrial fibrillation
Kapag may sira or may problema ang iyong puso, maaari kang magkaroon ng atrial fibrillation. Heto ang mga posibleng dahilan kung bakit ikaw ay may kondisyong ito:
- Nakaranas ka na ng atake sa puso
- Coronary artery disease
- Abnormal heart valves
- Congenital heart defect (sanggol ka pa lang, may problema na ang iyong puso)
- Overactive thyroid gland at mga metabolic na imbalance
- Exposure sa mga stimulants gaya ng caffeine, tobacco at alcohol
- Sick sinus syndrome o problema sa sinus node ng katawan. Kapag may sinus node ay hindi gumagana ng maayos, apektado ang normal na heartbeat.
- Sakit sa baga
- Mga viral infection
- Stress dulot ng heart surgery
- Stress dulot ng pneumonia, at ng iba pang karamdaman
- Sleep apnea o pagtigil ng paghinga sa gitna ng pagtulog
-
Sa iilang mga pagkakataon, may mga tao na nagkakaroon ng atrial fibrillation pero wala namang sira o problema ang kanilang puso. Ito ay isang rare na kondisyon na tinatwag na lone atrial fibrillation. Sa lone atrial fibrillation, hindi malinaw kung saan nagmumula ang irregular heartbeat. Bihira ang pagkakaroon ng mga malubhang kumplikasyon sa lone atrial fibrillation.
Kumplikasyon ng atrial fibrillation
- Stroke. Kapag irregular ang iyong heartbeat, maaaring maimbak at mamuo ang dugo sa iyong puso. Ang pamumuong ito ay tinatawag na blood clot. Ang blood clot ay maaaring mapunta sa iyong utak at magbara sa daluyan ng dugo. Kapag nabara ang daluyan ng dugo papuntang utak, pwede kang ma-stroke.
- Heart failure. Atrial fibrillation, especially if not controlled, may weaken the heart and lead to heart failure — a condition in which your heart can't circulate enough blood to meet your body's needs.
-
Kailan dapat kumunsulta sa doktor?
Kung ikaw ay biglang makaramdam ng matinding chest pain (parang may mabigat na umiipit sa iyong dibdib), pumunta agad sa doktor o sa pinakamalapit na ospital. Maaaring atake sa puso na yan.
Kung sa tingin mo ay meron kang atrial fibrillation base sa mga sintomas na nabasa mo, magpakunsulta agad sa doktor. Kailangan malaman ng doktor kung ang sintomas mo ay may kinalaman sa atrial fibrillation o sa ibang problema sa puso.
Paano maka-iwas sa atrial fibrillation?
Malaking bagay ang pagbabago sa lifestyle para mabawasan o maka-iwas sa atrial fibrillation. Tandaan ang mga sumusunod para maalagaan ang kalusugan ng iyong puso.
- Kumain ng heart-healthy food gaya ng isda (mayaman sa omega 3), peanuts, berries (phytonutrients at fiber), oatmeal, beans, tofu at gulay
- Tamang ehersisyo
- Itigil ang paninigarilyo
- Panatilihin ang iyong tamang timbang
- Bawasan ang pag-inom ng kape at alak
- Alamin ang nagpapa-stress sa iyo at iwasan ang mga ito hangga’t maaari
- Bago gumamit ng kahit anong gamot, kumunsulta muna sa doktor. May mga medisina na may stimulants na posibleng pagmulan ng irregular heartbeat.
-
References:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atrial-fibrillation/symptoms-causes/syc-20350624
https://www.heart.org/en/health-topics/atrial-fibrillation
https://www.webmd.com/heart-disease/atrial-fibrillation/a-fib-overview#1
https://health.clevelandclinic.org/15-heart-healthy-foods-to-work-into-your-diet/
http://www.peanut-institute.org/health-and-nutrition/disease-prevention/heart-disease-details.asp
https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=19483
https://www.hrsonline.org/Patient-Resources/Heart-Diseases-Disorders/Sick-Sinus-Syndrome