Mid-year Lifestyle Check: Tips to meet your New Year Fitness Resolutions

July 19, 2017

Tipikal sa mga Piipino ang gumawa ng New Year’s resolution, ang magpapayat o magbawas ng timbang ang palaging una sa listahan. Ngayong lagpas na sa kalahati ng taon, mabuting i-check kung na-achieve ba ng mga #fitnessgoals na sinet noong Enero. Nasa 80% ng mga taong mayroong New Year’s resolution ang hindi nagawa ang mga ipinangakong pagbabago sa kanilang mga sarili sa pagsisimula ng taon. Kung kaya’t naririto ang mga tips para maisakatuparan ang mga resolution na ginawa:

 

  1. Maghinay-hinay sa ehersisyo – Huwag biglain ang sarili. Mas mainam na magdahan-dahan sa simula. Pag nakasanayan na ang ehersisyong ginagawa , dagdagan ang intensity ng workout o mas maging strikto sa diet.

  2. Maging committed - Ang mga Filipino, kadalasan ay magaling lang sa simula. Umaabot sa puntong bibili pa ng mga gym outfit at kung anu-anong machine para matupad ang New Year’s resolution. Hindi pa natatapos ang Enero, bumibitiw na at punung-puno na ng dahilan. Puro bukas na lang o kaya next time na lang.  Alisin ang ugaling ningas-kugon at magbago ng tuluyan.  Maging tapat sa binitawang pangako.

  3. Magplano – Ang pagpaplano ang susi para makamit ang #fitnessgoals. Planuhin ang araw, linggo, buwan at ang mga susunod na hakbang. Ilatag ang workout at diet alinsunod sa itinakdang goals. Mahalagang pag-aralan ang work-out at tamang pagkain.  Para maiwasan ang junk food o pagkaing masama sa kalusugan, mag-baon. Siguruhing healthy foods ang ibabaon. Mainam din na bilangin ang calories ng mga pagkaing babaunin.

  4. Kumunsulta at humingi ng tulong – Hindi madaling magsimula lalo na kung hindi alam kung paano o saan magsisimula sa pagwo-workout. Mainam na kumunsulta at humingi ng payo sa isang fitness coach or gym trainer. Mag-scout ng fitness coach o trainer o kaya’y manghingi ng rekomendasyon mula sa mga kakilala, kamag-anak o kaibigan. I-discuss sa fitness coach or gym trainer ang fitness goals.

  5. Maging realistic – Iwasang mag-set ng goals na hindi makatotohanan. Maisasakatuparan ang resolusyon kapag nagtakda ng makatotohanang goals at timetable. Hindi kailangang magmadali, ang importante ay commitment.

  6. Magbuo ng matibay na support system o di kaya’y buddy system – Pamilya, mga kaibigan o ka-trabaho ay ang magsisilbing support system sa adhikaing ito. Sa simula pa lang, sabihan na sila at hingin ang kanilang suporta. Subukan ding humanap ng ka-buddy o ka-partner sa pag-eehersisyo at pagda-diet. Mas madami, mas masaya. Maaari ding mag-organize ng sariling “Biggest Loser Challenge” sa bahay, sa barkada o sa opisina.

  7. Mag-enjoy – Mahalagang ma-enjoy ang bawat activitiy na gagawin para ma-achieve ang  pagiging healthy. I-enjoy ang pagpunta ng gym o pagda-diet o anumang naisip na paraan. Kung nahihirapan sa pag-eehersisyo sa gym, subukan ang Zumba. Kapag nag-eenjoy, hindi  mamamalayang nag-eexercise sila o kaya nama’y nagda-diet.

  8. Huwag magdahilan – Pag gusto, maraming paraan, pag-ayaw maraming dahilan. Maraming paraan para mag-workout  pero mas maraming dahilan ang binibigay para makaiwas. Hindi kailangang magpunta ng gym para mag-workout. Kung malapit lang ang pupuntahan, maglakad o mag-bike imbes na sumakay. Pag ilang floors lang ang aakyatin o bababain, huwag ng mag-elevator, maghagdan na lang.

  9. I-monitor ang progress – Nakaka-motivate sa pagtupad ng New Year’s resolution kapag nalalamang may progress. Mainam na mag-picture araw-araw para makita ang mg pagbabago sa katawan.

  10. I-celebrate ang mga munting tagumpay – tuwing mababawasan ang timbang ng 1-5 kilos, magcelebrate. Hindi kailangang maghanda ng pagkain para mag-celebrate. Magpost ng picture o motivational quote at ilagay kung ilang kilos na ang nabawas sa timbang. Gawin itong regular para mas maengganyo kang abutin ang goal mo.

 

Walang shortcut para maging fit, pinaghihirapan at pinagsusumikapan ito. Hindi kailangang magutom o gumastos para maging healthy, ang kailangan ay determinasyon at focus. Huwag tumigil kapag na-achieve ang minimithing timbang o waistline, gawing lifestyle ang pagiging healthy.

 

References: