May mga pagkakataon kung saan talagang nagkakaroon ng problema sa pagtigas ng ari ang isang lalaki pero wala itong nagiging epekto sa kalusugan. Ngunit, kung patuloy na nakararanas ng kawalan ng kakayahan na patayuin ang ari, maaaring pagmulan ito ng stress, makakaapekto sa kumpiyansa sa sarili, at pwedeng malagay sa alanganin ang isang relasyon. Maaari ring sintomas ng mas malubha pang sakit ang pagkakaroon ng Erectile Dysfunction.
Ano ang sanhi ng Erectile Dysfunction?
Pyschological
Sabi nga nila, “mind over matter”. Kapag may gumugulo sa isipan ng isang lalaki, pwedeng pagmulan ito ng, o palalain ang, Erectile Dysfunction, tulad na lamang ng Depresyon, Guilt (Pangamba), o Stress.
Physical
Narito ang mga karaniwang sanhi ng Erectile Dysfunction:
- Sakit sa Puso (Heart Disease)
- Baradong daluyan ng dugo (Atherosclerosis)
- Mataas na cholesterol
- Alta Presyon (High Blood)
- Diabetes
- Parkinson’s Disease (uri ng nervous system disorder kung saan nahihirapan ang may sakit na i-kontrol ang kanyang katawan)
- Multiple Sclerosis (abnormal na response sa nervous system)
- Paninigarilyo
- Labis na pag-inom ng alak
- Diperensya sa pagtulog
- Pag-opera o pagkapinsala sa pelvic area o spinal cord
- Pag-inom ng niresetang gamot na Erectile Dysfunction ang posibleng side effect
Paano i-manage ang Erectile Dysfunction?
- Makipag-usap sa iyong partner tungkol sa iyong kondisyon
- Magpacheck-up sa doktor nang regular
Ang erectile dysfunction ay maaaring sanhi ng mas malalang karamdaman kaya naman dapat ay palaging komunsulta sa iyong doktor upang maiwasan ang mga komplikasyon.
Ang erectile dysfunction ay may kinalaman sa problema ng pagdaloy ng dugo, kaya naman dapat ay ingatan ang kalusugan ng mga daluyan ng ating dugo sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas. Iwasan din ang labis na pag-inom ng alak para maiwasan ang Erectile dysfunction.
https://unsplash.com/photos/KRGFXJWIo2Y
- Huwag na manigarilyo
Ang paninigarilyo ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng daluyan ng ating dugo. Isa sa mga sanhi ng erectile dysfunction ay ang hindi maayos na pagdaloy ng dugo sa ari.
- Mag-ehersisyo araw-araw
- Matutong mag-relax at mag-manage ng stress
Ayon sa pag-aaral, ang labis na performance anxiety at insecurity sa katawan ay maaaring magdulot ng erectile dysfunction. Ang stress rin sa trabaho, pamilya at pera ay maaaring maging sanhi nito.
https://www.123rf.com/photo_42108893_portrait-senior-asian-couple-in-park.html?downloaded=1
Ano ang gamot sa Erectile Dysfunction?
Bagama’t umaabot na sa 6 million Pilipino ang may Erectile Dysfunction, hindi dapat ito ikabahala dahil may mga gamot para sa sakit na ito tulad ng RiteMED Sildenafil, na nirereseta ng doktor.
Ano ang RiteMEDSildenafil?
Ang RiteMEDSildenafil o mas kilala sa tawag na “Viagra” ay iniinom upang mapabuti ang daloy ng dugo sa kalamnan patungo sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan. Ginagamit din ito pangreseta sa matataas ang presyon ng dugo sa baga. Ang RiteMED Sildenafil ay madalas na inirerekomenda sa mga may Erectile Dysfunction.
Kapag gumamit ng Ritemed Sildenafil, napapaganda nito ang pagdaloy ng dugo na nakakapagpatigas at nakakapagpahaba ng ari ng lalaki.
Importanteng paalala:
Kapag ikaw ay nakararanas ng Erectile Dysfunction, mainam na kumonsulta agad sa doktor upang masuri kung ang dinaranas ay dulot ng malubhang pisikal o sikolohikal na sakit.
References:
https://www.philstar.com/other-sections/news-feature/2005/08/13/291237/6-million-pinoys-suffer-erectile-dysfunction
https://www.thefilipinodoctor.com/condition-details.php?name=Erectile%2520Dysfunction%2520(ED)&id=57
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/erectile-dysfunction/symptoms-causes/syc-20355776
https://www.webmd.com/erectile-dysfunction/guide/erectile-dysfunction-living-managing
https://www.healthline.com/health/erectile-dysfunction/impotence-and-smoking
About the product:
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-sildenafil-50-mg-tab